(PART I) Grace Poe: How she made it to the top

Gagamitin daw ni Grace ang apelyido ng kanyang ama sa panunungkulan bilang senador bilang pagbibigay-pugay sa yumaong si FPJ.


Si Grace Poe-Llamanzares ang maituturing na woman of the hour dahil sa pangunguna niya sa May 2013 elections senatorial race.

Hindi ito inasahan ng marami, lalo pa’t sa mga isinagawang surveys ng poll bodies—Pulse Asia at Social Weather Stations (SWS)—bago ang eleksiyon, hindi tumuntong ng unang puwesto ang anak ni Susan Roces at ng namayapang si Fernando Poe Jr.

Sa final pre-election survey ng SWS noong May 8, panglima lamang si Grace, samantalang pangatlo naman siya sa Pulse Asia noong April 30.

Kaya naman isa sa mga naging paboritong paksa sa mga election coverages ng ibat-ibang TV networks ay ang pagtalakay ng mga dahilan kung bakit nanguna si Grace sa kandidatura sa pagkasenador.

Maging si Grace ay hindi makapaniwala na nag-top 1 siya sa ranking ng mga senatorial bets.

Nang ginanap ang proklamasyon ng Top 6 winning senatorial candidates sa PICC, Pasay City, Mayo 16, Huwebes ng gabi, pinakalamakas ang hiyawan nang tawagin ang pangalan ni Grace.



WINNING FACTORS. Nang matanong si Grace kung ano sa tingin niya ang nakatulong para manguna siya sa listahan, sinabi niyang pinag-aralan nilang mabuti ang paglalabas ng kanyang political ads.

Aniya, malaking tulong ang pinakahuling political ad niya, kung saan nag-uusap sila ng kanyang ina na si Susan Roces. Ang mensahe umano nito ay pag-e-endorso ni Susan Roces— isang iginagalang na personalidad—sa kanyang anak na tapat at may mabuting hangarin.

“Naging stages po ang aking political ads, yung isa po, pagpapakilala, ‘Tao po [Poe],’ di ba, name recall?

“Pangalawa po [ay] ang mensahe [ng aking plataporma], yung pagtulong at kung ano’ng sector.

“At pangatlo, yung assurance nga ng nanay ko at kung ano talaga yung aking kongkretong plataporma,” paliwanag ni Grace sa panayam niya sa 24 Oras.

Naniniwala naman si Mon Casiple, executive director of the Institute for Political and Electoral Reform (IPER), na malaking aspeto ng solidong suporta kay Grace ay may kinalaman sa kanyang yumaong ama, si FPJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mukhang ’di nakalimutan ng mga tao ’yung nangyari nung 2004. Wala kasing closure ’yun. Nung namatay si FPJ, ’di nagkaroon ng malinaw na ending ’yung Garci case," ani Casiple sa panayam niya sa GMA News Online noong Mayo 14.

Ang Hello Garci Case ay kaso ng electoral crisis, nang lumabas noong June 2005 ang audio ng pag-uusap ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at ex-Elections Commissioner Virgilio Garcillano, a.k.a. Garci.

Sa recorded conversation ay pinag-usapan umano nina Macapagal-Arroyo at Garci kung paano mamanipulahin ang 2004 national elections upang ang reelectionist na si Macagal-Arroyo ang manalo sa pagkapangulo.

Tumakbo noon si FPJ bilang presidente pero si Macapagal-Arroyo ang nanalo. Gayunpaman, naniniwala ang pamilya at tagusporta ni FPJ na ang actor umano ang tunay na nanalo.

Sa panayam naman kay Malou Mangahas, executive director ng Philippine Center for Investigative Journalism o PCIJ, ng Eleksyon 2013 Special Coverage ng GMA-7, sinabi niya na “happy surprise” ang pangunguna ni Grace.

“[There] is a message there from the voters na parang gusto nila ng bagong kandidato, who might be—in their view—is representing change.”

Pagpapatuloy niya, partida na ang dala niya ang apelyido ng kanyang ama at ang tulong mula kay Susan Roces.

Magandang benchmark din daw umano ang magandang record ni Grace sa dalawang taon niya bilang chairwoman ng Movie and Television Review and Classification Board or MTRCB, mula 2010 hanggang 2012.



IN HONOR OF HER FATHER: Ang pagpapakilala ni Grace sa kampanya ay ang apelyido ng ama. Balak daw niya na patuloy na gamitin ang apelyido ng kanyang tatay sa kanyang panunungkulan bilang senador.

Pagbibigay karangalan daw ito sa kanyang yumaong ama.

Dagdag pa ng dating MTRCB chairwoman, supportive naman ang kanyang kabiyak na si Teodoro Misael “Neil” Llamanzares na ang apelyidong Poe ang kanyang gagamitin.

“Sa mga nakakaalala sa tatay ko, para sa kanya po ito at para din sa ating mga anak natin sa bagong henerasyon ang ating ipinaglalaban,” ani Grace patungkol sa kanyang tagumpay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN