(PART II) Grace Poe: Her hardships and her triumphs

Ilan sa mga pagsubok na pinagdaanan ni Grace Poe ay ang panunuksong isa lang siyang ampon at ang pressure sa pagkakaroon ng mga sikat na magulang.


Dahil sa tagumpay ni Grace sa kanyang senatorial bid, lumaki ang interes ng mga tao sa kanya.

Open book naman ang buhay ni Grace, lalo pa’t showbiz icons ang kanyang mga magulang; ang King and Queen of Philippine Movies sina Fernando Poe Jr. at Susan Roces. Pero dahil sa kanyang achievement in her senatorial bid, hindi maiiwasang siya ang maging hot topic sa mga usapan.

Sa episode ng Maalaala Mo Kaya noong February 2, 2013 ay ikinuwento ang talambuhay ni Grace na ginampanan ng aktres na si Erich Gonzales.

Hindi rin naman kaila na si Grace ay ampon nina FPJ at Susan.



ADOPTED DAUGHTER. Isinilang noong September 3, 1968, sa murang edad ni Grace ay alam niya na hindi siya tunay na anak ng kanyang kinilalang mga magulang.

“I knew naman, pero I guess my parents weren’t really planning on telling me so soon,” kuwento ni Grace sa Yes! Magazine January 2013 issue.

“But when I started going to school, I had some classmates who were a bit mean and curious, so they would mention it. They would mention that I was adopted, you know. The term would always be ‘Ampon ka lang.’”

Noong una raw ay hindi niya naunawaan kung ano ang ibig sabihin ng ampon, kaya kinausap niya ang kanyang nanay tungkol dito.

“I think I was in first grade or second grade,” ani Grace.

Napaiyak daw ang ina niya nang buksan ang paksang ito at sinabihan siya na hindi siya dapat manliit dahil dito. Sinabihan din saw siya ni Susan na espesyal siya kahit hindi siya galing sa kanyang sinapupunan at bigay raw siya ng Diyos sa kanila.

Gayunpaman, nagkaroon daw ng maraming katanungan si Grace sa sarili sa kabila ng pagmamahal ng kanyang mga magulang.

Pagsapit daw grade 4 hanggang grade 5, naging tampulan si Grace ng panunukso mula sa mga kaklase at madalas na tawaging ampon. Sa tuwing mapapaaway raw siya ay lagi siyang tatawaging ampon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I felt that I was less of a daughter because I’m just adopted,” ani Grace sa panayam ng YES!

“So, even if my parents were always reassuring me, you always long also for the acceptance of your friends, of your peers, your classamtes, di ba?”

Isang araw, noong nasa grade 4 si Grace, napaaway raw siya sa isa niyang kaklase na mahilig siyang tuksuhing ampon.

Isang estudyante mula sa seventh grade ang lumapit sa kanila at tinanong kung ano ang nangyayari. Matapos malaman na tinutukso si Grace, ipinagtangggol ng estudyante si Grace sa kaklase Ito raw ang naging hudyat upang matigil na ang panunukso kay Grace na ampon siya.

Ani Grace, ang estudyanteng nagtanggol sa kanya ay si Maritess Cruz, pinsan ni Sheryl Cruz, pamangkin ni Susan. Kapatid ni Susan ang ina ni Sheryl, ang dating aktres na si Rosemarie Sonora. Magkaibigan naman sina Grace at Sheryl.


HIGH SCHOOL LIFE: Umusbong si Grace pagtuntong niya ng high school sa Assumption College, San Lorenzo Village, Makati City. Wala nang tumatawag sa kanya ng ampon at doon daw siya nakakita ng mga maituturing niyang “friends for life.”

Subalit ang naging pinakamatinding kaaway raw niya ay ang kanyang sarili.

Naging matindi ang kanyang insecurities dahil sa takot na hindi niya mapunan ang expectations sa kanya bilang anak ng kilalang showbiz couple.

Sa puntong iyon daw ay nawalan na siya ng interes na mag-showbiz na pangarap niya noong bata pa.

“I wanted to have my own identity,” pag-amin ni Grace. Hindi naman daw siya pinilit ng mga magulang na mag-showbiz dahil gusto nilang tapusin muna niya ang kanyang pag-aaral at upang maprotektahan mula sa magulong mundo ng showbiz, at dahil sa kanyang sitwasyon na isa siyang ampon.

Higit sa lahat, alam daw ni Grace na laging magkakaroon ng pagkukumpara, lalo na sa ganda ng kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She’s so beautiful, di ba? So fair.

“I have my own assets, but not exactly like hers,” lahad ni Grace na siyang naging dahilan ng kanyang matinding insecurity.

Kaya nga ang ginawa raw niya ay ginaya ang pananamit at pagsasalita ng ama. “So for a time, I was tomboyish,” kuwento niya.



LOVE OF HER LIFE. Sa paglipas ng mga taon ay natutunan ni Grace na tanggapin ang sarili at nagkaroon ng kumpiyansa. Nakatulong din na nagkaroon siya ng maraming kaibigan, at pagmamahal mula sa pamilya, at sa murang edad, nakatagpo ng pagmamahal sa pagkatao ni Neil sa University of Life Theatre and Recreation Arena (ULTRA), mas kilala ngayon na Philippine Sports Arena, Pasig.

Pinasali umano siya ng kanyang nanay na si Susan sa isang tennis summer camp at doon niya unang nakita si Neil.

“So we became friends because of that camp.

“And then one day I asked him to my prom, and that’s how it happened.”



MEETING GRACE’S FATHER. Noong unang beses na mag-date sila ni Grace, wala raw kamalay-malay si Neil kung sino ang mga magulang ng katipan.

Habang hinihintay niya sa living room si Grace sa bahay ng huli sa Greenhills, San Juan, napansin umano ni Neil ang isang painting na nakasabit sa pader at nasabi sa sarili na kahawig ng babae sa painting si Susan Roces.

Ikinagulat ni Neil nang makita niyang ang bumaba mula sa hagdanan ay si FPJ. Doon lang daw niya napagtanto na si Grace ay anak ng Action King.

Ang hindi raw malilimutan ni Neil ay nang magkadaupang-palad sila ng aktor at sabiha siya nito ng “All I ask from you is to respect my family, so I can respect yours.”

Ang unang date umano nina Neil at Grace ay nasundan ng marami, hanggang sa hindi na sila mapaghiwalay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



COLLEGE YEARS. Lumipad patungong Amerika sina Grace at Neil.

Si Grace ay nag-aral sa Boston College, Massachusetts kung saan kumuha siya ng Bachelor of Arts in Political Science, habang si Neil naman ay sa University of San Francisco, subalit hindi nagtagal ay tumigil sa pag-aaral at pumasok sa U.S. Air Force. Apat na taon si Neil sa USAF, ang bilang din ng taong pamamalagi ni Grace sa Bostong College.

Pareho man silang nasa Amerika ay magkalayo naman sila. Pero nanatiling matatag ang kanilang relasyon.

“We maintained contact through phone calls, at least once a week, sometimes more. There was no email back then. Neil spent a lot of his hard-earned money on phone calls to me,” kuwento ni Grace.



THE PROPOSAL. Sa huling taon ni Neil sa USAF noong 1991 ay nag-propose siya kay Grace.

“I graduated in May, and then I got married in July,” ani Grace. “Kasi, parang ang tagal nang kami. High school pa kami magkasama, so parang, di ba, ‘We have to finish college,’ ganyan-ganyan? So after that, ’yon na ’yon.”

Ito raw ang isa sa mga madalang na pagkakataon na makita niyang nagalit ang kanyang ama.

“Pikon na pikon ‘yong dad ko na bagong graduate ako, nag-asawa ako agad, e. Parang pangarap niya sa akin, mag-law-school pa ako. Pero wala namang maisumbat, kasi ang usapan namin, ‘You finish your education,’ which I did naman,” pahayag ni Grace.

Ikinasal sina Grace at Neil sa Sanctuario de San Jose sa Greenhills noong July 27, 1991.

Bumalik sa US ang bagong kasal at doon namalagi.

“Pinatunayan ko sa parents ko na kaya naming maging independent,” kuwento ni Grace sa YES!



LIFE IN WASHINGTON. Tumira ang mag-asawa sa Washington sa simula.

“She actually lived in the base with me!” ani Neil. “We were in the base housing for about a year, then I didn’t re-enlist. So our son Brian was born in the U.S. Air Force base.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Early’90s nang matapos si Neil sa U.S. Air Force at nagkaroon ng pagkakataon na tapusin ang kolehiyo sa George Washington University in Washington D.C.

Matapos ipinanganak ni Grace ang panganay nila at habang nag-aaral si Neil sa Washington ay lumipat muna sa Virginia na malapit lang sa state kung nasaan si Neil.

Sa Virginia, ay nagkaroon ng tahanan ang mga Llamanzares at dito isinilang ang pangalawang anak nina Grace at Neil na si Hanna.

Naging masaya ang sumunod na 11 taon ng mag-asawa at ng kanilang dalawang anak.

Nagtrabaho naman bilang preschool teacher si Grace sa Montessori School of Cedar Lane, kung saan siya nagturo ng geography at math sa mga batang may edad 3 taon hanggang anim.

Nagpalipat-lipat din ng trabaho si Grace. Pumasok siya sa procurement liaison department of the United States Geological Survey, isang scientific agency ng U.S. government, na sa Virginia din ang headquarters.

Lumipat siya sa CSC Scientific Inc., noong 2001, isang kumpanya para sa manufacture, sales, at distribution of scientific equipment.

Naging masaya si Grace sa pagsasabay ng trabaho at magiging nanay. Naging kuntento siya sa simpleng buhay nilang mag-asawa sa Virginia.

“She was, like, an all-around mom, cooking, baking, cleaning the house, doing the laundry, driving the kids to school. You know, there are people who are, like, I guess, type A. They can pretty much accomplish anything they set their minds to,” paglalarawan ni Neil sa kanyang kabiyak.

Subalit isang trahedya ang nagbago sa buhay ng pamilya noong December 2004, nang ma-stroke s FPJ, pitong buwan nang matalo sa 2004 presidential elections.

Nanananghalian sina Grace noon sa isang restaurant nang matanggap nila ang masamang balita.

“So what happened was, we had to book a flight immediately for me and my baby, kasi my husband naman had to pull out the kids from school, talk to the teachers, settle everything, ’cause I had two school-age children.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bitbit ang bunsong anak na si Nika, naunang lumipad pauwi ng Pilipinas si Grace.

“Habang nasa eroplano ako, iyak ako nang iyak. ’Yong bata, siya ang hindi umiiyak. Ako ’yong umiiyak,” ani Grace.

December 14, 2004, nang malagutan ng hininga si FPJ, 65-anyos siya noon.

Hindi na naabutan ni Grace na buhay ang ama. Sabi ni Grace sa YES! Na ito raw ay “one of the saddest feelings” na naramdaman niya.

Pagkatapos noon ay sa Pilipinas na nanirahan sina Grace at bumili ng bahay sa isang private village sa Quezon City.

Nakabuti naman daw sa kanila ang kanilang paninirahan sa bansa dahil malapit na lang sa sa kanila ang kanilang mga mahal sa buhay.


PURPOSE OF HER DAD’S DEATH. Sa paniniwala ni Grace, may dahilan ang pagpanaw ng kanyang ama.

“He brought out the awareness of the electoral fraud in our country. Imagine, an exceptionally popular person will get zero in Mindanao? Di ba, that’s, like, really obvious? So maybe that’s really my dad’s purpose in life, to help people and to bring about that awareness. So he was able to achieve that na, okey na siya. Maybe he deserved to rest.”

Anim na taon matapos ang pagkamatay ng tatay, itinalaga ni President Benigno Aquino III si Grace bilang chair ng MTRCB.

Nagkaroon daw siya ng agam-agam noong una kung tatanggapin ang posisyon, subalit nangibabaw raw ang hangarin niyang baguhin ang “lumang sistema” ang MTRCB at mabigyan ito ng kaayusan.

Naging matagumpay ang adhikain ni Grace para sa pamunuan ng MTRCB, particular ang kampanya niya ng pagpapatupad ng age-appropriate TV and movie classification system.

Sa pagkakahalal niya ngayon senador, hangad ni Grace na maipagpatuloy ang adhikain ng ama pagdating sa serbisyo publiko.

Naniniwala rin si Grace na kung nabubuhay pa si FPJ ay susuportahan siya nito.

Paliwanag ni Grace sa YES! “You know why? Because my dad naman, the only thing important to him was that, A, you have the right intention, and, B, you have the capability. Nakita naman niya na nakapag-aral ako, and then ’yong mga nagawa ko, ’tapos siguro naman matino ako, so susuportahan naman niya ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN