Aga Muhlach loses CamSur congressional race to Wimpy Fuentebella

Nabigo ang aktor na si Aga Muhlach na makuha ang congressional race para sa ika-apat na distrito ng Camarines Sur matapos iproklama ang katunggali niyang si Wimpy Fuentebella bilang nanalo sa kanilang labanan.


Pagkatapos ng ilang araw na paghihintay kung sino kina Aga Muhlach at Wimpy Fuentebella ang inihalal bilang congressman ng ika-apat na distrito ng Camarines Sur, iprinoklama na ng provincial board of canvassers kagabi, May 16, ang nanalo.

Ang nagwagi ay si Fuentebella na may kabuuang boto na 82,834 kumpara sa 80,629 boto ni Aga. Ito ay ayon sa report ng GMA News.

Naging mahigpit ang labanan ng dalawa, kung saan sa unang bahagi ng bilangan ay nanguna si Aga. Ngunit sa bandang huli ay humabol si Wimpy.

Papalitan ni Wimpy bilang representative ng fourth district ng Camarines Sur ang kanyang ama na si outgoing Rep. Arnulfo Fuentebella.

Isang araw bago maiproklama si Wimpy, umalma ang kampo ni Aga dahil diumano sa discrepancies sa bilangan ng boto.

Sabi ng aktor sa panayam sa kanya ng News5, “Nalaman namin, we are getting all the ERs [election returns], we have 10,000 invalid votes, which is too much.”

Dagdag pa ni Aga, “If talo ako sa laban na ito, I’ll be the first to admit and accept it. But if there’s cheating, ‘di ko talaga puwedeng palagpasin.”

Naging makulay rin ang kandidatura ni Aga bilang kongresista dahil sa pagkuwestiyon sa residency status nila ng kanyang asawa na si Charlene Gonzalez-Muhlach.

Ngunit sa huli ay napatunayang nakaabot sila sa six-month residency requirement para maging lehitimong botante ng nasabing lugar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN