G Tongi has found an "ideal husband": "My happiness comes first before anything."

Mula nang manirahan si G Tongi at ang kanyang pamilya sa Pilipinas ay mas naging magaan ang kanilang buhay. Saad niya, “We get to spend more time together sa family. Mas may family time kami dito kaysa doon [Los Angeles]. Doon kasi, busy—super busy. Mas busy pa kami doon. Dito, relax-relax lang kami. We still have time to go out of time."


Nananatiling blonde ang buhok ng aktres na si G Tongi.

Matatandaang nagpakulay ng buhok si G nang gmpanan niya ang character ng Hollywood legend na si Marlene Dietrich sa stageplay na Piaf.

“Dapat kukulayan ko na siya ng black. Pero in-offer sa akin yung Mega Young Designers Competition.

“So, I’m hosting now for ETC and matatapos yun ‘etong June,” kuwento ni G nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang fashion show sa Spiral Buffet Resto ng Sofitel Hotel noong May 12.



MOTHER ROLES. Ayon kay G, wala pa siyang bagong acting projects mula nang matapos ang teleseryeng Aryana sa ABS-CBN.

Namimili ba siya ng project?

“Hindi naman,” agad niyang tugon.

“Pero siyempre, kailangan yung swak na swak, di ba?

“Kasi, ang hirap naman na nanay ako ng 20-year-old, e, medyo 35 pa lang ako.

“So, it has to be tamang casting.”

Lumabas din si G sa teleserye ng TV5 na Nandito Ako, kunsaan gumanap siyang ina ng American Idol Season 7 runner-up na si David Archuleta.

Nag-alangan ba si G na mother ni David ang role niya sa naturang serye?

“Ah, no!” tanggi niya.

“I was a young mom in that project. Pero no, kasi I got to work again with Gelli [de Belen], Aiko [Melendez].

“E, alam mo naman, kabataan ko yung mga yun.”

Nag-enjoy ba naman siya sa Aryana?

“Oo naman, kasi first kontrabida role ko yun. At least, maiba naman.”



UPROOT. Sa puntong ito ay lumapit ang anak na babae ni G at masuyo itong yumakap sa kanya.

Kinausap niya ng Tagalog ang anak at tumugon naman ito.

Ayon kay G, nakakaintindi ng Tagalog ang kanyang mga anak kahit konti lang.

Kinumusta namin sa actress-host ang buhay nila sa Pilipinas mula nang lisanin nila ang Los Angeles, California.

Sa L.A. nanirahan nang matagal si G, nagka-boyfriend, nagpakasal, at nagkaroon ng mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas may time ako sa pamilya ko, in fairness,” nakangit niyang sagot.

“Sa Amerika kasi, yung asawa ko, super work to death! As in two jobs, para lang I can stay home to take care of the kids, go back to school.”

Isang bar consultant ang asawa niya dito sa Pilipinas kung saan meron daw itong mga projects na naumpisahan na.

Ang trabaho naman daw niya ay walang regular schedule kaya marami siyang oras para sa pamilya

Saad ni G, “We get to spend more time together sa family.

“Mas may family time kami dito kaysa doon. Doon kasi, busy—super busy. Mas busy pa kami doon.

“Dito, relax-relax lang kami. We still have time to go out of time.

“Nagba-Batangas kami palagi… relaxed ang buhay ko dito.”

Ibig bang sabihin, mas maganda ang buhay niya rito kaysa sa Amerika?

Sabi ni G, “Ayokong sabihing mas maganda kundi mas napa-prioritize yung family time dito.

“But, ang dami ko ring inaasikaso noong nandoon ako—nag-kolehiyo ako ng super career.

“Kinareer ko talaga yun nung dalawa na ang anak ko. So, di ba?

“Siyempre, na-enjoy ko talaga ang pagkadalaga ko. Kasi umalis ako na dalaga pa ako, di ba?

“Nasa New York ako noong 20s pa ako, di ba?”



FAMILY LIFE. Masasabi bang nabago ang buhay niya mula nang nagka-pamilya siya?

“Yeah! Kilala mo naman ako noon, I know how to have fun, I know how to go out and party, you know?

“But that’s the thing, nagsawa talaga ako.

"But now I have a family, very relaxed, content, kalmado.”

So, masasabing masaya ang married life niya?

“Yeah, but you know it’s kinda hard.

"Kasi, hands-on kami sa mga anak namin… as in super hands-on. Wala kaming yaya.

"Kaming dalawa nandiyan kasama namin ang mga bata, wala kaming yaya.

“Kasi noong nasa Amerika naman kami, ganoon rin naman… kami lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang kalan sila maninirahan dito sa Pilipinas?

“We don’t know yet… we’re not sure.

"If there’s an opportunity for us to try something new, alam mo yun?

“Pero wala talagang definite plan yet.

“Ang importante, masaya kami dito, nag-e-enjoy kami sa buhay naming magpapamilya dito.”

Mananatili na ba sila nang matagal sa Pilipinas? Dito na ba niya palalakihin ang kanyang mga anak?

Sagot ni G, “Well, ang plano namin, gusto naming matutong mag-Tagalog ang mga bata.

"Importante sa aming dalawa yun, sa aming mag-asawa.

“So, kinakausap ko ng Tagalog yung mga bata, nagta-Tagalog class sila.

“Kasi, sa Amerika kami. Lumalaki sila… kinakausap ko sila pero hindi sila nagsasalita.

“Kasi, wala silang naririnig na kausap ko.

"Napakaimportante noon sa bata na may naririnig silang kausap mo, para marunong silang sumagot.

“Kasi maraming mga bata sa Amerika na nakakaintindi sila, pero hindi sila nakakapagsalita.

“So, importante yun sa akin. Kasi ako, talagang I had to force myself to learn.

“Matanda na ako… eight [years old] na ako noong matutong mag-Tagalog… hirap na hirap ako sa tutor.

“So, habang bata sila, mas madadalian silang matuto.”



VALUES. Mas maganda bang dito palakihin ang mga anak niya kaysa sa Amerika?

Ayon kay G, “Alam mo, I feel na parang… depende talaga yun sa family.

“Kasi kahit laki sa Amerika o laki dito, ang values always start in the nuclear family. And it’s the values that we teach our children.

“Like, merong mga Filipino values that I teach them, pero meron ding mga values that are very American that I teach them.

“Kunwari, meron akong ano sa anak ko na, kung may gusto ka… sige, sabihin mo sa akin. Hindi bawal humingi.

"Kasi sa totoong buhay, pag lumaki na kayo, you have to be able to ask for what you want.

“And if you’re given it, learn to negotiate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, binibigyan ko sila ng chance na kahit ngayon pa lang na bata sila, mag-negotiate kayo.

“’Sige… O, bakit mo kailangan ‘yan, bakit mo gusto ito?’

"So, it teaches them to how to voice their wants.

“Kasi noong bata ako, ‘wag kang sasagot sa magulang na parang feeling ko naman… di ba? Ang hirap.

“Ayokong lumaki ang mga anak ko na they feel na they can’t talk to me.

“Gusto ko na kung ano ang gusto nila or kung ano ang nararamdaman nila, sasabihin nila sa akin.

“Maski hindi maganda or hindi ko gusto, at least, open yung communication. Kasi importante yun, e.”

Maganda ang panganay ni G kaya tinanong namin kung meron bang interes ang anak niyang babae sa showbiz.

Saad niya, “Nagpe-play sila ngayon, nasa Repertory sila. They’re doing Willy Wonka and the Chocolate Factory.

“Hilig naman nila but, you know, gusto kong makapag-aral sila nang maayos.

“Yung asawa ko naman, okay lang naman.

"Yung husband ko is my number one supporter—kung saan ako masaya, as in super-suporta siya.”



IDEAL HUSBAND. Ibig sabihin, nakatagpo na siya talaga ng "ideal husband"?

Sabi ni G, “Asawa na inuuna ako sa lahat, yun lang… alam mo yun?

"Na ang importante sa kanya, kung ano ang gusto kong gawin… very supportive.

“I never really had a relationship like that na, you know, he takes a step back… alam mo yung ganoon?

“Kasi, I’ve had lots of past relationship na, kumbaga, pareho kayong… I don’t wanna say compete, that’s not the word.

“Pero I’ve had Filipino relationships na hindi ako yung priority.

“This is my first grown-up relationship na I’m the priority… my happiness comes first before anything.

“At mahalaga lang yung nabibigay sa akin… and I’m touched… touched talaga ako!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN