Lovi Poe signs three-year exclusive contract with GMA-7: “I’m just happy that I’m back home.”

Pumirma ang aktres na si Lovi Poe (pangalawa sa kaliwa) ng three-year exclusive contract sa Kapuso network. Present sa contract signing sina Senior Vice-President for Entertainment Lilybeth Rasonable, GMA President and CEO Atty. Felipe Gozon, AVP for Alternate Programming Gigi Santiago-Lara, at ang manager ni Lovi na si Leo Dominguez.


Muling pumirma ng three-year exclusive contract ang aktres na si Lovi Poe sa Kapuso network.

Ginanap ang contract signing sa boardroom ng GMA Network Center sa Timog Avenue, Quezon City kaninang hapon, March 17.

Ayon kay Lovi, nagbakasyon lang muna siya matapos ang kanyang sunud-sunod na movie projects.

“Well, I just took a vacation and gusto ko magpahinga sandali [when] I’m finished with my two movies and focus on that.

“I’m just so happy that I’m back home,” sabi niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media.

Natagalan bago nagdesisyon si Lovi na mag-renew ng kontrata sa GMA-7, kaya naman umusbong ang usap-usapan na lilipat na siya ng ibang network.

Ngunit hindi direktang sinagot ng aktres ang dahilan kung bakit ngayon lang siya pumirma ng kontrata.

Aniya, “I think we should move on from that already.

“It’s something that I don’t want to talk about.

“Ako, I started here in GMA, so that’s the first thing naman na naisip ko about renewing. It’s not about anything else."

Dagdag pa niya, “I wasn’t thinking about anything.

“I just wanted to go on a vacation lang, so isinantabi ko muna yung pag-iisip dun sa pagbalik ko dito sa GMA.

“It’s not about thinking about other [networks].

“Basta ako, right now, I’m just happy that I’m back home.”

Nilinaw rin ni Lovi na hindi totoo ang kumalat na balitang nagpapataas lang daw siya ng presyo kaya hindi muna siya pumirma ulit sa Kapuso network.

Aniya, “The truth is, people outside this business, they don’t really know the thing that’s happening inside.”



THE NEXT PRIMETIME QUEEN? Sa kanyang muling pagpirma sa Kapuso network, siya na nga ba ang tatanghaling bagong "Primetime Queen"?

Sagot ni Lovi, “Ako, I don’t need a title. I just just want to work hard and do my best dun sa trabaho ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, enough na para sa akin yung tinatawag ako sa pangalan ng character ko, kung ano’ng pinu-portray ko sa teleserye.”



ROCCO NACINO. Kinumusta rin ng press kay Lovi ang relasyon nila ng Kapuso actor na si Rocco Nacino, na kanyang nakapareha sa huli niyang teleserye sa GMA-7, ang Yesterday’s Bride.

“Magkaibigan pa rin kami. We’re friends,” maikli niyang tugon.

Sa ngayon, wala raw munang balak pumasok sa relasyon si Lovi.

“I just want to focus on work talaga.

“Ito yung sinabi ko sa sarili ko—mas focus muna ako sa work ko.

“So, ibang Lovi na ’to, mas mature na.

"Kasi before, I’m kinda... you know, I just wanna enjoy but work at the same time.

"But now, I’m more focused now.”

SENATOR GRACE POE. Naiproklama na kagabi, May 16, ang half-sister ni Lovi na si Grace Poe, na nanguna sa senate race sa nakaraang eleksyon.

Ano ang masasabi ni Lovi dito?

Tugon ng aktres, “I’m so proud of her.

"When we had lunch together, I met her son and her daughter and her husband—lahat sila mababait.

"Si Ate Grace, she’s very humble, she’s very smart.

“Talagang I really look up to her. Kumbaga, parang magandang halimbawa, parang ganun.

“I always feel so proud especially na nag-number one pa siya.”

Ayon kay Lovi, hindi rin nila inasahan na mangunguna sa karera sa pagka-senador ang kanyang kapatid.

“Siya mismo nagsabi na hindi niya in-expect yun, but then I’m just so proud of her.

“I am so proud of her and I’m sure si Papa, kung ano yung nararamdaman ko ngayon, mas grabe pa yung sa kanya.

“For sure, ipagpapatuloy niya yung gusto mangyari ni Papa.”

Sina Lovi at Grace ay mga anak ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong nanalo na ang kanyang kapatid na si Grace bilang senador, may balak din kaya si Lovi na pumasok sa pulitika?

Sagot niya, “I don’t think I can venture on that because it’s not my turf. Let’s leave it to the experts.”

Sa ngayon, pag-uusapan muna raw nila kung anong suporta ang kanyang maibibigay sa kanyang kapatid.

“Well, during the lunch, she said we’re gonna meet soon and talk about yung mga plano.

"But then, now, I just can’t say anything just yet.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN