Willie Revillame's camp denies report that TV5 will not renew contract of Wowowillie host

by Arniel C. Serato
May 17, 2013
Pinabulaanan ng business unit head ng Wowowillie na si Jay Montelibano ang kumakalat na balitang hindi na raw ire-renew ng TV5 ang kontarata ni Willie Revillame (nasa larawan) dahil sa hinihingi diumano nitong P90-million talent fee per month.

Pinabulaanan ng kampo ni Willie Revillame ang kumakalat ngayong balita na hindi na diumano ire-renew ng TV5 ang kontrata ng TV host-comedian.

Lumabas kasi sa isang blogsite ang balita na humihingi raw ng "P90 million per month" talent fee ang Wowowillie host.

Ito raw ang dahilan kung kaya't sinabihan na raw ng isang top executive ng TV5 si Willie sa isang meeting kagabi, May 16, na hindi na ire-renew ang kontrata niya.

Dagdag pa sa report, nang marinig daw ito ni Willie ay kaagad itong nag-submit ng resignation letter upang palabasin sa media na siya ang kusang nag-resign.



"NO TRUTH TO THAT." Kaugnay ng report na ito ay kaagad na kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang panig ni Willie, sa pamamagitan ng business unit head ng Wowowillie na si Jay Montelibano.

Ayon kay Montelibano, walang katotohanan ang kumakalat na balita.

Sa katunayan ay magkasama lamang daw sila ni Willie kagabi, May 16.

Continue reading below ↓

Hindi rin daw niya alam kung saan nanggaling ang balitang P90 million pesos a month na demand diumano ni Willie bilang sahod.

Narito ang kabuuang text message ni Montelibano sa PEP:

“I don’t think there’s any truth to that coz Kuya Willie and I were together last night at Wil’s Events Place, hence no such meeting took place.

“I also have no idea where the 90M/mo is coming from.

"And besides, new TV5 president [Noel Lorenzana] will just assume his role starting June 1 so i guess no one would be in authority yet to sit down and nego with us re renewal."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinabulaanan ng business unit head ng Wowowillie na si Jay Montelibano ang kumakalat na balitang hindi na raw ire-renew ng TV5 ang kontarata ni Willie Revillame (nasa larawan) dahil sa hinihingi diumano nitong P90-million talent fee per month.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results