Polo Ravales on 8-month hiatus from showbiz: “It made me stronger, mas naging aggressive ako to be a good actor.”

Polo on his musings during his long break from showbiz: “Madami akong na-realize... na pag may trabaho ka talaga, kailangan mong mahalin, kailangan mong galingan, kailangan hindi ka nagrereklamo pag inuumaga kasi part ng trabaho mo yun. Hindi tulad ng ibang artista, alam mo yun, pag inuumaga na gusto nang umuwi? Iyon, yung mahalin mo yung trabaho mo. And na-realize ko din na hindi lahat ng tao nabe-bless o nabibiyayaan ng mga ganun.”


Matagal bago muling nabigyan ng project sa GMA-7 si Polo Ravales.

Dahil walong buwan ang naging pagitan ng Hiram na Puso at ng show niya ngayon na Unforgettable, inamin ni Polo na ikinalungkot niya ito.

“I felt sad. Oo, I felt sad.

“Last June kasi yung Hiram Na Puso with Kris Bernal and then itong Unforgettable.

“Alam ko kasi parang nagkagulo lang sa pagbigay sa akin ng project, parang sa pag-cast parang na-delay lang yata yung dapat talaga.

“Actually, hindi naman ito yung original na show ko, e. Actually ang original ko, Indio.

“Parang sa story yata parang na-delay nang na-delay yung pasok nung character ko.

“So, ’yon... naghintay ako nang naghintay, pero may kontrata naman ako sa GMA, e.

“Two years, this year patapos na siya,” kuwento ni Polo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

STILL LOYAL TO GMA-7. Kahit wala siyang trabaho noong mga panahong ’yon, inamin naman ni Polo na hindi siya nag-isip lumipat sa ibang network.

“Hindi ko po inisip yun. Pero ang tinawagan si direk Manny ng ABS, tinatawagan siya.”

Ang manager ni Polo ay si Manny Valera.

“Yung sa ganun naman kasi si direk Manny na yung pinapakausap, pinapa-handle ko ng ganun, e. Ako kasi hangga’t nasa GMA pa ako, yung kontrata ko sa GMA, iyon muna ang iniisip ko.

“So, si direk Manny na lang ang nakikipag-usap dun sa kabila, parang ganun,” paglinaw niya.

So, may offer ang Dos kay Polo?

“Basta ang alam ko honestly, seriously... ang alam ko tinawagan na siya ng ABS, si direk Manny.

“Tinatanong kung hanggang kailan ang contract ko, iyon lang po.”

Magre-renew siya?

“That I don’t know, that I don’t know.”

Kapag kinuha siya ng ibang istasyon…

“That I don’t know talaga, ayaw ko pang magsalita,” madiin niyang pag-ulit.

Kaya hindi niya sasabihing hindi siya aalis sa GMA...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko po alam.

“Basta po ngayon po tsine-cherish ko kung anong meron ako ngayon sa present po iyon yung importante sa akin yung ngayon.

“Tsine-cherish ko itong Unforgettable,” pag-amin niya.

STILL THANKFUL AND HUMBLED. Hindi rebeldeng talent si Polo.

Aniya, “Hindi po ako ganun. Hindi po ako nagsasalita ng masama. ’Tsaka if ever naman, sinasabi kong parang nadi-disappoint ako, sinasabi ko naman agad na, ‘Bakit ganito, bakit ganyan?’

“Pero ito po, itong time na ito, siguro pina-feel din sa akin ni Lord siguro may purpose iyon e, yung naghintay ako ng eight months...

“Siguro may purpose yun.

“Madami akong na–realize na, alam mo yun? Na pag may trabaho ka talaga, kailangan mong mahalin, kailangan mong galingan, kailangan hindi ka nagrereklamo pag inuumaga kasi part ng trabaho mo yun.

“Hindi tulad ng ibang artista, alam mo yun, pag inuumaga na gusto nang umuwi? Iyon, yung mahalin mo yung trabaho mo.

“And na-realize ko din na hindi lahat ng tao nabe-bless o nabibiyayaan ng mga ganun.

“And dapat kahit anong mangyari, maging humble ka kahit na alam mo yun, kahit sobrang sumikat ka ganyan, dapat humble ka pa rin.

“Ang dami ko ngang na-realize, dapat maging patient ka.

“And iyon nga and a good thing siguro nung time na yun, nag-asikaso ng konti dun sa restaurant.

“Gusto ko kayong i-invite sa restaurant ko, sa Sucat, Parañaque, magdi-dinner tayo, kung kailan kayo puwede,” pang-iimbita pa ni Polo sa PEP sa Chinese restaurant kung saan isa siya sa mga may-ari—ang Mandarin Palace.

“And iyon, work-out pa rin. Alam kong hindi ko kailangang pabayaan ang katawan ko kasi alam mo yun, ang dami ngayong mga may katawan, pogi, di ba?

“So, hindi ko siya tinigil, yung pagwu-work-out and outlet ko din habang naiinip ako, nagwu-work-out na lang ako, ganyan... habang nag-aantay ng project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then nanonood ako ng movies parati para makakuha ako ng mga techiniques sa acting.”

Still on Unforgettable

“Natutuwa ako at nakasama ako dito at naging direktor ko si direk Gina Alajar.

“Bukod kay direk Joel isa siya sa mga direktor na gusto kong makatrabaho, gusto ko siyang maging direktor, sobrang aalagan ka niya...

“Yung character mo, yung performance mo, aalagaan ka niya ’tsaka ilalabas niya sa iyo yung the best na you can be as an actor,” papuri niya sa direktor.

SELF-DOUBTS. Sa mga panahong wala siyang project sa telebisyon o pelikula, inamin din ni Polo na medyo bumaba ang self-esteem niya.

“Actually iniisip ko nga, sabi ko, ‘Bobo ba akong umarte?’

“Nung una iyon yung iniisip ko, ‘Bobo ba akong umarte? Hindi ba ako worth it?’

“Parang ganun.

“Pero alam ninyo kakatanong ko ng mga ganun, parang it made... it turned me na maging stronger nga.

“It made me stronger, mas naging aggressive ako to be a good actor.

“Iyon nga yung purpose e, feeling ko, ha?

“Kasi eight months nga akong nawala so parang iyon yung nangyari.

“Gusto kong maging magaling ako na aktor, gusto kong i-prove sa kanila na hindi lang ako basta nagpapa-sexy or… hindi ako ganun, na kaya ko talagang umarte.

“So, iyon yung gusto kong ipakita,” pagtatapos niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN