Divine Lee on boyfriend Victor Basa: “Nakakatuwa po kasi wala po kaming anniversary. Sabi niya, ’pag may "manufacturing date," meron ding "expiration date."

Divine on choosing between hosting and acting: “Hindi po ako marunong mag-acting. Haha! Hosting po kasi na-e-enjoy ko talaga, yung acting na nasubukan ko po mga gag show lang. Natural naman sa ’kin yung pagiging comedy. Hindi ko ’ata kaya yung drama, nakakahiya din sumabak sa something na ikakahiya ko yung ginawa ko dahil mali-mali. Siguro sa hosting po muna ako. Marami pa rin kasi akong kailangang matutunan.”


Sa pagmu-modelo unang sumabak si Divine Lee bago pa man siya naging TV host.

Nagsimula siya bilang ramp at print model na nakarating na sa iba’t ibang panig ng mundo, pero bumalik ito sa Pilipinas para hanapin at subukan ang iba pang bagay na hindi pa niya nagagawa.

Naipagpatuloy pa rin naman ng dalaga ang dati niyang propesyon sa kanyang pagbabalik pero mas nabigyan niya ngayon ng panahon ang trabahong para sa kanya ay mas challenging at na-e-enjoy niya nang husto.

Ito ay ang pagiging TV host kung saan unti-unti na siyang nakikilala sa loob ng napakaikling panahon

WORK IN PROGRESS. “Naku, bagung-bago pa po ako. One year palang, magtu-two years pa lang po.

“Nagsimula po talaga siya sa Extreme Makeover which was a good accident then followed by Juicy and ngayon po Ang Latest,” panimulang bungad ni Divine sa pagdalaw ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa programang Ang Latest ng TV 5 kamakailan.

Dagdag pa niya, “Nangangapa pa rin po ako sa industry kaya parati po akong matanong sa inyo and sa mga kasama ko sa set. Dahil gusto ko pa pong matuto.”

Kung papipiliin ang TV host, mas gusto raw niya ang hosting kaysa acting. Pero minsan na rin siyang umarte sa isang comedy show. Hindi raw niya kayang sumabak sa aktingan lalo na kung drama ito.

“Hindi po ako marunong mag-acting, haha! Hosting po kasi na-e-enjoy ko talaga, yung acting na nasubukan ko po mga gag show lang. Natural naman sa ’kin yung pagiging comedy.”

“Hindi ko ’ata kaya yung drama, nakakahiya din sumabak sa something na ikakahiya ko yung ginawa ko dahil mali-mali. Siguro sa hosting po muna ako. Marami pa rin kasi akong kailangan matutunan.

“Sanay ako sa live hosting and English dati, ngayon nag-aaral na po talaga ako na mag-Tagalog ng malalim.

“Kasi po sa school namin ni Victor [Basa, her boyfriend] dati sa Brent International School, wala pong Tagalog or Filipino subject, so ang natutunan ko lang yung conversational Tagalog. Inaaral ko pa yung malalim na Tagalog ngayon,” pag-amin ni Divine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EXCITED WITH NEW SEGMENT. May mga nakakapansin na tila umiikli raw ang kanyang exposure sa programang Ang Latest. Mas maganda pa raw dati sa programang Juicy na nakikita siyang babad sa kabuuan ng programa.

Aware ba siya rito o kinakailangan niyang unawain ang mga limitasyon niya bilang talent ng TV5?

“Hindi naman po, kasi recently po may bagong segment na naibigay sa ’kin tungkol sa fashion kaya tuwang-tuwa po ako at masaya po... yung Blind Item namin nina Shalala!

“Always grateful po. Napakalaking mga tao sa industry ang sinama sa ’kin sa Ang Latest, from Nanay [Cristy Fermin], Direk Joey [Reyes], Cong. Lucy Torres-Gomez, Mr. Fu and Tiyang Amy [Perez].

“Napakatagal na po nila, may mga napatunayan na po sila. So, happy po talaga ako. Siyempre, lahat naman po ng nasa industry naghahangad ng more shows and projects.”

“Ganun din po ako. Pero sobrang saya ko na po sa Ang Latest. Nakita niyo po, para kaming pamilya dun,” pagmamalaki ni Divine.

LOVE LIFE. Samantala, sa kanyang buhay pag-ibig ay ibinahagi rin ni Divine sa PEP na mas lalo raw na tumitibay ang samahan nila ng kanyang boyfriend na si Victor Basa.

Matagal na rin ang kanilang relasyon pero hindi matukoy ng dalaga ang tamang taon dahil mula bata pa ay magkakilala na sila at may something special kahit lumaki silang magkaibigan at laging magkasama.

Aniya, “Nakakatuwa po kasi wala po kaming anniversary. Si Victor kasi hindi naniniwala dun po. Sabi niya, pag may "manufacturing date," meron ding "expiration date." Ayaw daw niya nun, kasi inihambing niya nung magkaibigan pa lang kami, hindi naman po namin nilagyan ng date.

“Since grade school po magkakilala na kami tapos by high school magbarkada na kami dahil sa modelling.

“Nabibilang na lang namin yung relationship by the number of Christmases spent together. Naka-apat na pasko na po kami, so magpa-five years na rin kami kung yun po ang pagbabatayan,” pagwawakas pa niya sa aming panayam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN