Karinderya Wars contestant allegedly leaks results via social media

Earlier today, Vivian Pinlac, one of the contestants, posted on her personal Facebook account that she allegedly won the reality cooking show.


Nabalewala ang matagal na paghahanda ni Marvin Agustin sa grand finals ng Karinderya Wars dahil nag-leak agad sa social media ang winner ng kanyang reality cooking show.

Ang pagalingan sa pagluluto, pagbebenta ng mga pagkain na niluto ng Top 3 contestants, at ang announcement ng grand winner ang culmination ng Karinderya Wars sa June 2013.

Ang show ay napapanood sa TV5 mula Lunes hanggang Biyernes, 11:15 a.m.

Si Marvin ang host at producer ng Karinderya Wars, ang kauna-unahang luto-negosyo show sa TV na magwawakas sa susunod na buwan.

Ngunit nasayang ang lahat ng plano ni Marvin at ng production staff dahil ang mismong winner na si Vivian Pinlac ang nag-post ngayong umaga sa kanyang sariling Facebook account at sa Facebook account ng Karinderya Wars na siya ang nanalo.

Ginanap ang grand finals ng Karinderya Wars sa Novaliches City studio ng TV5 noong Huwebes, May 16, at kabilang sa celebrity judges sina Alice Dixson at Eula Caballero.

Sa kanyang tweet noong Huwebes, sinabi ni Alice na hindi niya ipu-post ang Top 3 contestants dahil secret pa ito:

"Finale taste judge w @oheulacaballero Wont tweet pic yet @marvin_agustin para secret yun top 3! Watch @karinderyawars 2 find out who made it."

Pero nabalewala ang tweet ni Alice dahil ngayong umaga, nakipagsagutan si Vivian sa Facebook account ng Karinderya Wars.

Dito, sinagot niya ang mga komento at batikos na hindi siya ang karapat-dapat na winner—na pinanalo lamang siya dahil sa kanyang sakit na kanser.

Ipinagtanggol din ni Vivian si Marvin na binabatikos din dahil sa questionable result ng contest.

"Mama,survivor po ako ,,pinagaling ng DIOS,,di ko sinabi sa tv5 sakit ko ,if confusing sau ill tell you in private whats happening behind camera,so that you will know the truth ,chef marvin is a good person at fair ang judgement nila.

"there"s a saying ,you cannot please everybody,,para yang botohan may kanya kanyang manok,isa lang masasabi ko ,,lumaban ako nga patas,even im not healthy enough to compare with other warrior,i dont have money to use upang mandaya ,that happens unnotice to us and staff of chef marvin ,,dba ang mandaraya d nagwawagi ,,?im a christian its a big question ba if i have a very strong GOD?n i have faith that can move mountains,,,,"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ten hours ago, nag-post si Vivian sa kanyang Facebook account ng " i won my race with the help from GOD!!!!!!hurray for todayyyyyyyy!!! "

Bago pa kinumpirma kanina ni Vivian na siya ang nanalo, sinubukan naming kunin kagabi ang panig ni Marvin tungkol sa kontrobersya na diumano’y may dayaan na nangyayari sa Karinderya Wars.


Hindi sinagot ni Marvin ang aming tawag at mga text message na ipinadala sa kanyang dalawang cellphones.

May confidentiality agreement ang mga contestants at producers ng lahat ng mga reality shows bago magsimula ang taping, kaya nakapagtataka na nilabag ni Vivian ang kontrata na pinirmahan niya sa production outfit ni Marvin.

Higit sa lahat, na-preempt niya ang announcement ng grand winner na ipapalabas pa lamang sa second week ng June.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN