PEP EXCLUSIVE Charice’s ninong Robert Ybera confirms singer’s rift with mom Raquel; claims Oprah no longer connected to Charice

Sa larawang ito, kasama ni Robert Ybera (kanan) ang pamilya Pempengco—Raquel (left), Carl (second row, right), at Charice (second row, left).


Paano na ang relasyon ng mag-inang Charice at Raquel Pempengco?

Ito marahil ang katanungan ng mga sumusubaybay sa karera ng international Pinoy singing sensation, lalo pa’t may mga kuwentong naglalabasan tungkol sa umano’y away nila.

Sa special report ng Ang Latest, nagbigay-pahayag ang lola ni Charice na si Tess Relucio tungkol sa naging kumprontasyon ng mag-ina na humantong sa pulisya.

Noong araw daw na natunton si Charice at si Alyssa Quijano— miyembro ng girl-group na AKA Jam na finalist sa X Factor Philippines— pilit na pinapauwi ni Raquel ang anak.

Subalit nagkasagutan at nagkapisikalan umano ang mag-ina— bagay na ngayon ay kinukumpirma ng isang taong malapit sa mag-inang Pempengco, si Robert Alviar Galang Ybera.

Si Robert ay eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Mayo 16, 2013, sa pamamagitan ng telepono, na nakuha sa pamamagitan naman ng Facebook.

Si Robert ang nagpa-interbyu rin dati sa TV5, ngunit noon ay nagtago sa pangalang “Mike.”


ROBERT TALKS TO PEP.ph. Sa interbyu ni Robert sa PEP—na gamit na ang kanyang totoong pangalan—inamin nitong wala siya sa aktwal na pangyayari. Pero mismong si Raquel umano ang nagkuwento sa kanya.

Pagkukuwento ni Robert, “’Tinawag lang sa akin ni Raquel ‘yan, wala ako dun. Ang sabi lang lang sa akin, nagka-pulisan daw sila ni ano [Charice]. Nagpunta pa raw sila ng police station ng Alfonso, Cavite.

“Sabi ko, ‘Sa’n dun?’ Sa village ba? Sa labas, sa may police station?

“Sabi, ‘Hindi dun. Dun mismo sa bayan.’

“[Sabi ko], ‘Ha? Dumayo pa kayo dun?’

“Sabi [ni Raquel], ‘Hiyang-hiya nga ako, e. At ang daming tao at ang daming pulis na nandun.’

“[Sabi ko], ‘Naku, hindi maaring lalabas ‘yan Raquel, e, ano… Sabagay yun naman ay liblib na lugar, huwag lamang may magsalita.’

“Yun pala, ’nilabas din ni Raquel.”

Ang ibig sabihin ni Robert ay nagkuwento si Raquel sa inang si Tess Relucio, na nagpa-interbyu naman sa TV5 noong Mayo 11.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa Robert, “Nung isang buwan pa yun e, pero kailan lang ‘yan, kailan lang ‘yan. Itong huling paglalayas ni Charice ‘yan, ’yan yung huli.”

Ang tinutukoy dito ni Robert ay ang report na lumabas dito sa PEP tungkol sa diumano ay pagtatanan nina Charice at Alyssa.

(CLICK HERE to read story.)


WHO IS ROBERT IN CHARICE’S LIFE? Malapit daw si Robert sa mag-ina.

Ang kuwento niya, “Ako ho yung dati ho nilang kasama pa, nagsisimula pa lang si Charice nun.

“Ako po yung nagti-train sa kanya, sa akin siya sumasakay pa-ABS-CBN.

“Ako yung kasama niya. Bale sa akin yung van na ginagamit niya…nila.”

Hindi naman daw siya road manager, pero parati raw siyang naka-standby para sa pangangailangan ni Charice.

Pahayag nito, “Parang nag-a-assist lang ako sa kanila, ganun. Sila ay nagsisimula pa lang din, medyo naggi-guest pa lang sila sa ABS.

“Dun kami tumitira sa tito at tita ko sa Manila, sa Marikina.

“Ako rin po nagpasok kay Grace, ako rin po ang nagbigay kay Raquel ng magha-handle kay Charice. Bale po, yung tita ko ay si Belen Sy, ‘tsaka William Sy.”

Ang Grace na tinutukoy ni Robert ay ang dating manager ni Charice na si Grace Mendoza. Sina Belen at William Sy naman ay mga ninang at ninong ni Charice sa binyag.

Paano ba niya nakilala ang pamilya ni Charice?

Sagot ni Robert, “Actually, kapitbahay ko lang ‘yan dito sa ano, Gulod, barangay Gulod [Cabuyao, Laguna].

“Nangungupahan lang sila. Nung lumipat sila rito, ni banig o silya, wala sila e, kaya medyo naawa ako sa kanila.”

Hindi raw sila magkamag-anak, pero isa si Robert sa mga naging ninong ni Charice at ng kapatid nitong si Carl noong Catholic baptism nila sa Immaculate Concepcion Cathedral, Pasig, noong Mayo 22, 2010.

Pag-ayon nito, “Oo, naging ninong ako nung binyagan. Ako yung Robert Ybera dun. Oo, kasi ano siya, e, ano sila Iglesia [ni Cristo].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa rin sa mga naging ninang sa okasyong iyon ay si Oprah Winfrey.



CHARICE AND OPRAH. Sa puntong ito, kinumpirma ni Robert na wala na si Charice sa pamamahala ng sikat na host.

Bakit?

Sagot ni Robert, “Tungkol na rin sa attitude ni Charice, dun sa mga tattoo niya, yun. Dun nagsimula yun, medyo tumabang.

“Kaya nung binanggit ni Charice na kunektado pa rin siya kay Oprah, medyo nasabi ko sa sarili ko, hindi na ako umiimik. Ayaw ko sa akin manggaling.”

Nadako ang usapan sa pagkakatanggal ni Grace Mendoza bilang manager ni Charice.

Noong Agosto 7, 2012, nag-anunsiyo si Charice sa kanyang Twitter account (@OfficialCharice) ng:

"A bit of news, Grace Mendoza is no longer my manager. I thank her for the work and time she has spent with me. Courtney Blooding is the new point of contact for me. You can reach her at courtneyblooding@me.com."

Matagal na raw na may hindi pagkaka-unawaan ang dalawa.

Pahayag ni Robert, “Kasi ang ugali ni Charice, pag alam niya na kakampi ni Raquel, iniiwasan niya, kaya tinanggal niya.

“Tinanggal niya, ano, e, matagal na ’yang alitan na ‘yan. Kung hindi ako nagkakamali, 2009, ganun.

“Kung natatandaan mo, hindi natuloy yung Christmas ano ni Charice sa Channel 7, yun yun. Dun nagsimula yun.

“Hindi um-oo si Charice nun, medyo nagloloko na siya. Oo, yung Christmas special na naging Valentine’s special. Yun.”

Matatandaang noong 2011 ay nakatakda sanang gumawa ng Christmas special sa GMA-7 si Charice, na may titulong Charice Home for Cristmas. Kaso, hindi ito natuloy at naging Valentine’s special. Tinupad lang daw ni Charice ang commitment nito sa Kapuso network.

Samantala, isang Facebook post daw para kay Raquel at Charice noong Mayo 7 ang naging hudyat ng pagharap ni Robert sa media.

Nakasaad sa status ng ninong ni Charice (inilalabas dito nang walang pagbabago):

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam kong alam mo at ni Charice Pempengco na napakadami kong alam o nalalaman sa lahat-lahat ng mga nangyayari sa buhay niyo mula noong bata pa ang mga anak mo.

“Dapat ko na yatang tuldukan ang mga maling issue na naglalabasan at nakakarating sa akin.

“At ngayon pa man, humihingi na ako ng paumanhin sa mga taong madadamay dahil magsasabi ako ng mga buong katotohanan lamang!

"Ilalabas ko ang mga gusto nilang marinig at mababanggit ko ang mga kilalang tao at VIP at mga hindi basta-bastang tao na tumulong sa atin nung nagsisimula pa lang si Charice kagaya nila tito William Sy at Belen Sy na doon tayo nakikituluyan, at lahat ng suporta ay ginawa.

"Ako din ang dahilan kung bakit naging manager si tita Grace Mendoza gayong hindi naman siya dating talent manager napakalaki ng naitulong din niya sapagkat milyon-milyon ang naipasok niyang halaga sa account.

"Tutal walang gustong magsalita ng totoo at umamin ang mga dapat aminin, ako na yata ang magiging dahilan ng pagtatapos ng gulong ito!

“Hindi ko alam ang patutunguhan ng mga gagawin ko, ang nais ko lang ay malinawan ang lahat at maayos ang dapat maayos!

"Ilan taon na din ako nanahimik para lang sa mga inaalagaang pangalan! Hindi ako magpapasikat, gusto ko lang basagin ang matagal ng pananahimik.

"Hinihingi ko ang inyong pang unawa!”

At noong Mayo 11, lumabas ang panayam ni Robert sa Ang Latest, kung saan isinawalat nito ang mga isyung kinakaharap ng mag-ina.



MOTHER-DAUGHTER RELATIONSHIP GONE SOUR? Sa ngayon, hindi pa rin daw nagkaka-ayos sina Charice at ang inang si Raquel.

Lahad ni Robert, “Ang sabi sa akin ni Raquel, huwag ko na daw pakialaman si Charice.

“Sabi sa akin, huwag na ako mag-update [sa Facebook].

“Ang alam ko, may usapan sa police station na wala na silang pakialamang mag-ina.

“Yun ang pagkaka-ano, si Charice ang humingi ng… parang pina-blotter, na wala na silang pakialaman sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya si Raquel, ayaw nang makialam.”

Pero ayon sa isang Chaster—tawag sa mga fans ni Charice—na kumontak sa writer na ito noong Mayo 15, sa Facebook daw nagpaparating ng mensahe si Raquel sa anak.

At noong Mayo 10, kaarawan ni Charice, nag-post ang diumano’y si Raquel sa isa sa tatlong accounts daw nito sa Facebook (published as is):

“Today at 6:45 am May 10, 1992 a little girl was born in a small town in San Pedro Laguna ..And named CHARMAINE CLARICE RELUCIO PEMPENGCO: For better or for worst...till death do us part...your still my child...HAPPY BIRTHDAY CHARICE! We love you no matter what....”



FOR CHARICE’S SAKE. Balik kay Robert, ang motibo raw nito ay “magising si Charice at magka-ayos silang mag-ina.”

Subalit ang paglabas daw niya sa media ay minasama ni Raquel.

Noong araw na nag-plug si Robert tungkol sa interview niya sa Kapatid network, bahagi ito ng naging post niya sa Facebook (published as is):

“RAQUEL PINALALABAS MO NANAMAN AKONG MASAMA, TUMAWAG KA SAKIN AT SABI MONG KUNG KAYA KONG PATOTOHANAN ANG MGA PANINIRA NG ANAK MONG SI CHARICE SA IYO, ANG SAGOT KO SAYO OO MAG SASALITA AKO WALANG LABIS WALANG KULANG.

"TINANONG KITA KUNG PWEDE KO I POST PA, KAMO OO....


"TUWANG TUWA KA SA GINAWA KO, PERO NGAYON LUMALABAS WALA KANG ALAM?

"MAG INA NGA KAYO!


"YAN LANG MASASABI KO SA INYO... ANONG KLASE KANG TAO SINASALIKO KO ANG PROBLEMA MO LAHAT NG INUUTOS MO, DAHIL NAKAKA AWA KA JAN SA PAG KAKAUPO MO SA ISANG TABI NGAYON MAGING MAGALING KA LANG BABALIGTAD KA NA? ANONG BUHAY KAYO MERON? GRABE HA!!!”

Ang pakiusap naman sa kanya ng umano’y Raquel sa Facebook noong Mayo 15 (published as is):

“OBET HINDI NA DAPAT PANG PAKIELAMAN KUNG ANO ANG GUSTONG GAWIN AT KUNG SINO ANG GUSTONG KASAMA NG MGA ANAK KO DAHIL HINDI MO NA SAKLAW ANG MGA DESISYON NILA. HINDI MO NA KAYLANGANG GATUNGAN PA O PALAKIHIN KUNG ANO MAN ANG MGA NANGYAYARI SA NGAYON. KINUHA KITANG PANGALAWANG MAGULANG NG MGA ANAK KO PARA PROTEKTAHAN SILA KUNG AKO MA’Y MAWAWALA.SA PALAGAY MO MAY AASAHAN BA SAYO ANG MGA INAANAK MO? EH SA NGAYON PA LANG SAYO PA NANGGAGALING ANG GULO? PATAHIMIKIN MO KO OBET!!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy niyang Obet ay si Robert.



PEP CLARIFIES ISSUE. Sa pamamagitan ng telepono, inalam ng PEP kung bakit ganoon ang nangyari, gayong sinabi ni Robert sa Facebook na may basbas ni Raquel ang pagpapa-interbyu niya sa TV5?

Pahayag ni Robert, “Yun nga, e, kaya nagtaka nga ako sa kanya, e. Kaya sabi ko, ako yung maglinis yung ano ko, pinost ko…

"Sabi ko, ‘Raquel may blessing naman yung ano mo,’ dahil tinawagan niya ako dahil si Charice daw ay binabaligtad ang kuwento.

“Sinabi sa akin ni Raquel, ‘A, Obet, ikaw naman ay mula’t mula pa, e, alam mo naman ang lahat. Walang sikretong hindi mo alam. Kaya mong patotohanan ang lahat ng paninirang ginawa sa akin ni Charice ngayon?’

“Sabi ko, ‘Oo naman, sasabihin ko ang totoo at hindi totoo. Walang labis, walang kulang. ‘Yan ang sabi ko.

“Palibhasa nga, e, baka ako’y nabaligtad kasi nangyari na sa akin ‘yan, e… E, nagmalinis si Raquel dati, kaya ang ginawa ko, e, ‘Raquel, ‘yan ba ay puwede kong i- post? Baka kasi mamaya, e…’

“[Sabi ni Raquel], ‘Oo puwede, puwede.’

“’So, ipo-post ko na ‘yan para gano’n a… na may basbas mo.’

“[Sabi ni Raquel], ‘O sige, sige.’"

Sa tingin ni Robert, ito ang naging kaganapan: “Ang ginagawa ni Raquel, ako na lang ang pinabira, ‘tsaka nanay niya.

"Kaya ayaw lumabas ‘yan, hindi ko pa masasagot ‘yan sa ngayon, pero may dahilan.

“Ang habol ko dito ay maingatan ang mga naipundar nila. At magka-ayos sila hangga’t maaga pa.”

Kinontak na ng PEP.ph ang mga taong sangkot sa isyu—ang road manager ni Charice na si Glenn, ang ina nitong si Raquel, ang ina ni Alyssa, ang kagrupo ng dalaga at maging ang publicist nito. Subalit nananatiling tahimik silang lahat.

Binigay ni Robert sa writer na ito ang telephone number ni “Liza,” ang nagpakilalang ina ni Alyssa. Nagpaabot kami ng mensahe dito noong Mayo 16, pero hindi pa ito sumasagot. Sinubukan din naming tawagan ang kanyang numero noong Mayo 18, pero hindi na ito makontak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pamamagitan ng isa pang source, nakakuha kami ng numero ng isang miyembro ng AKA Jam, na ka-grupo ni Alyssa, pero ang sabi lang nito sa text mesage noong Mayo 15, “Sorry po no comment po…pls ask nalang our publicist…”

Sinubukan din naming kunan ng pahayag ang publicist ng grupo noong Mayo 15, at tinawagan ito nang dalawang beses kahapon, Mayo 18, pero hindi ito sumasagot.

Si Raquel naman ay pinadalhan ng writer na ito ng text message nang dalawang beses—noong Mayo 12 at Mayo 15.

Pinadalhan din namin siya ng mensahe sa Facebook at pinadalhan uli ng text message ng PEP noong Mayo 18. Subalit hindi ito sumagot.

Kinontak na rin ng PEP ang nagpapakilalang “road manager” ngayon ni Charice na si Glenn Aldueza, pero wala rin itong sagot.

At sa ngayon ay kinokontak na rin ng writer na ito ang kampo ni Oprah Winfrey sa pamamagitan ng Internet, upang tanungin kung nasa pangangalaga pa rin ng international host si Charice.

Bukas ang website na ito sa pahayag ng lahat ng taong sangkot sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN