Vin Abrenica on physically-demanding role in Misibis Bay: “Labanan nga raw ng pandesal sa tiyan!”

Vin on the disappointing turnout of the robbery investigation: “Kinakagalit nga po ni kuya ay more than a month na since nanakawan kami. Nag-dust pa sila for fingerprints sa bahay. Pero after no’n, wala na kaming narinig pa sa kanila. Kaya sobra po kaming disappointed talaga. Para kasing wala po silang balak na hanapin kung sino yung nanloob sa bahay namin.”


Kinuwento ng Artista Academy Best Actor winner na si Vin Abrenica na malapit na silang lumipat sa bagong bahay pagkatapos ngang mapagnakawan ang kanilang bahay sa Quezon City noong nakaraang Holy Week.

Hanggang ngayon daw kasi ay wala pang resulta sa ginawang imbestigasyon ng mga pulis sa kung sino ang nanloob sa bahay nila noong kasalukuyang nagbakasyon silang magpamilya.

Higit na P600,000 ang halaga ng nanakaw sa tahanan nila, kabilang na rito ang cash, mga alahas at mga mamahaling gadgets.



UNRESOLVED CASE. Ayon pa kay Vin, dismayado nga raw ang kanyang kuya na si Aljur Abrenica dahil sa mabagal na pagresolba ng kanilang inireklamo sa mga awtoridad.

“Pina-follow-up po ito parati ni Kuya Aljur. Kaso wala talaga. Wala pa po silang maisagot sa amin.

“Kinakagalit nga po ni kuya ay more than a month na since nanakawan kami. Nag-dust pa sila for fingerprints sa bahay. Pero after no’n, wala na kaming narinig pa sa kanila.

“Kaya sobra po kaming disappointed talaga.

“Para kasing wala po silang balak na hanapin kung sino yung nanloob sa bahay namin,” kuwento ni Vin nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa story conference ng bagong series ng TV5 na Misibis Bay sa Max’s Restaurant sa Scout Tuazon, Quezon City noong May 16.



MOVING TO NEW HOUSE. Nag-usap-usap nga raw sila at napagkasunduan nila na maghanap na ng ibang malilipatan na bahay.

“Ang plano po ni kuya is either parentahan na lang yung iiwan naming house or ibenta na lang.

“Hindi na po kasi kami kumportable sa bahay.

“Ako nga po, feeling ko hindi na kami safe. Kaya gusto na naming iwan yung bahay.

“Yung kapatid nga naming babae, hindi na rin niya gusto dun sa bahay.

“Nakakapanghinayang man, pero kung hindi na po kami masaya sa house na ’yon dahil sa nangyari, kailangan maghanap na kami ng ibang lugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya heto, malapit na rin po kaming lumipat.

“Dasal po namin na maging safe kami sa lilipatan namin at hindi na maulit yung pagnanakaw,” ngiti pa ni Vin.



NEW SERIES. Mabuti na nga lang daw at may bagong TV show si Vin sa TV5 na Misibis Bay. Kukunan nga ito sa bonggang luxury resort na Misibis Bay sa Cagraray Island, Albay sa Bicol.

Makakasama rito ni Vin sina Christopher de Leon, Boots Anson-Roa, Megan Young, Ritz Azul, Malak So Shdifak, Daniel Matsunaga, Victor Silayan, Luke Jickain at Ms. Vivian Velez. Mula ito sa direksyon ni Monti Parungao.

This time naman daw ay anak-mayaman na ang gagampanan ni Vin. Malayo ito sa unang role niya sa teleserye na Never Say Goodbye.

“Noong sinabi nga po sa akin na rich boy ang role ko sa Misibis Bay, natuwa naman ako kasi hindi na ako magmumukhang mabaho!” sabay tawa niya.

“Sa Never Say Goodbye kasi, mahirap ang role ko at parati po akong nakabilad sa araw.

“Lagi po akong pawis na pawis sa taping namin. This time, baka lagi na akong nasa air-conditioned room. Except siguro kapag may kukunan na eksena sa beach or sa swimming pool.”



NEW LEADING LADY. Mami-miss nga ni Vin ang kanyang ka-loveteam na si Sophie Albert dahil hindi nga ito kasama sa cast ng Misibis Bay.

“Siyempre, mami-miss ko si Sophie dahil matagal din kaming nagkatrabaho sa Never Say Goodbye.

“Sana ay magkasama ulit kaming dalawa sa iba namang project.

“Maganda po ang naging working relationship namin ni Sophie kaya sobra ko siyang mami-miss,” diin niya.

Either si Megan Young or si Ritz Azul ang makakapareha ni Vin sa bagong TV5 teleserye.

“Kahit sino po sa kanila ay okey sa akin.

“Si Megan kasi ay nakasama ko sa Never Say Goodbye. Okey po siyang katrabaho.

“Si Ritz naman po ay ngayon ko pa lang makakatrabaho, pero nakakasama ko na siya sa mga guestings ko sa ibang shows ng TV5 at sa mga regional shows namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang ang suwerte ko naman kasi parehong magaganda at sexy ang ipa-partner sa akin,” ngiti niya.



WORKOUT TO THE MAX. Mape-pressure nga si Vin na lalong pagandahin ang katawan niya dahil ang mga actors na makakasama niya sa Misibis Bay ay physically-fit lahat.

“Oo nga po, e. Labanan nga raw ng pandesal sa tiyan!” tawa pa niya.

“Meron pa naman akong mga abs pero kailangan mag-work out pa.

“Kasi naman po, nandiyan sila Daniel, Luke at Victor. Parang hindi na sila nagwu-workout para ma-achieve nila yung mga six-pack abs nila.

“Kaya doble ang ibubuhos ko sa pag-workout dahil mga modelo itong mga makakasama ko sa show!” pagtatapos niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN