Princess Snell on meeting Vin Diesel: “He’s very nice, and what’s good about it is that he told me that he’s going back to the Philippines. Yun lang!”

Princess Snell on being asked if she’s the reason Vin Diesel may return to Manila: “Wala namang ganung eksena, pero yes, of course, I would always see him, and I think he’s gonna stay here for, like, a week. I guess so... siyempre, you’ll never know if I’ll see him again.”


Ang StarStruck Avenger at StarTalk TX segment host na si Princess Snell ay nabigyan ng pagkakataong makadaupang-palad ang Hollywood A-lister na si Vin Diesel, na kasalukuyang nasa Maynila para sa premiere ng kanyang pelikulang Fast & Furious 6.

“He’s a very, very funny person.

“I met him and, of course, I think he would always... sabi niya sa akin he would come back to the Philippines,” panimulang kuwento ni Princess.

Ayon pa sa report ng StarTalk TX kahapon, May 18, Sabado, noong nakaraang Miyerkules (May 15) naganap ang unang pagkikita ni Princess at ng Hollywood actor.

Kuwento ni Princess, “It was a private event and konti lang yung puwedeng pumunta dun, and, of course, I was very lucky to meet him and I really like him kasi actually siya yung mismong lumalapit sa tao, na he introduces himself.

“I told him that my name is Princess and he said, ‘You look like a Princess!’

“Sabi ko, ‘Ay naku, again?! Hundred times na, ang dami ng lalaking nagsabi niyan sa akin.’

“But anyways I said, ‘Thank you!’

“And nakakatuwa naman.”

Abut-abot ang papuri ng dalaga sa binata, whose older brother is married to a Filipina.

“Sabi ko nga sa kanya e, ‘I wanna go home already coz I’m so tired.’

“Kasi anong oras na yun, like 1:30 a.m., and then he was like, ‘You know what, stay, and then order whatever you want.’

“So, siyempre, ang lola mo, I ordered, like, bottles and food.

“And he was really, really nice, I really like him.”



COMING BACK TO MANILA. Ang pagkikita ng dalawa noong Miyerkules ay nasundan pa noong Huwebes, May 16, sa meet-and-greet event ng Fast & Furious 6 cast sa isang mall sa Makati.

Marami tuloy ang nang-iintriga at nagtatanong kung nanliligaw na raw ba ang aktor sa dalaga.

“Hindi naman… medyo lang!” at humalakhak si Princess.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I just wanna say that he’s very nice, and what’s good about it is that he told me that he’s going back to the Phillipines. Yun lang!

“So yung mga Pilipina na patay na patay sa kanya, they have a big chance to see Vin Diesel again.”

Si Princess kaya ang maging dahilan ng muling pagbabalik ni Vin sa bansa?

“Wala namang ganung eksena, pero yes, of course, I would always see him, and I think he’s gonna stay here for, like, a week.

“I guess so... siyempre, you’ll never know if I’ll see him again,” pagtatapos niyang kuwento.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN