PEP EXCLUSIVE Charice’s ninong Robert Ybera clarifies reported "tanan" of the singer and X Factor finalist Alyssa Quijano

X Factor finalist Alyssa Quijano" data-url="https://www.pep.ph/news/38724/pep-exclusive-charice39s-ninong-robert-ybera-clarifies-reported-tanan-of-the-singer-and-x-factor-fin" data-desc="Robert Ybera talks about two incidents that allege that Charice and X Factor finalist Alyssa Quijano eloped." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a552c9a8e.jpg"> X Factor finalist Alyssa Quijano" data-url="https://www.pep.ph/news/38724/pep-exclusive-charice39s-ninong-robert-ybera-clarifies-reported-tanan-of-the-singer-and-x-factor-fin" data-desc="Robert Ybera talks about two incidents that allege that Charice and X Factor finalist Alyssa Quijano eloped." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a552c9a8e.jpg"> X Factor finalist Alyssa Quijano" data-url="https://www.pep.ph/news/38724/pep-exclusive-charice39s-ninong-robert-ybera-clarifies-reported-tanan-of-the-singer-and-x-factor-fin" data-desc="Robert Ybera talks about two incidents that allege that Charice and X Factor finalist Alyssa Quijano eloped." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a552c9a8e.jpg">

X Factor finalist Alyssa Quijano" data-url="https://www.pep.ph/news/38724/pep-exclusive-charice39s-ninong-robert-ybera-clarifies-reported-tanan-of-the-singer-and-x-factor-fin" data-desc="Robert Ybera talks about two incidents that allege that Charice and X Factor finalist Alyssa Quijano eloped." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a552c9a8e.jpg"> X Factor finalist Alyssa Quijano" data-url="https://www.pep.ph/news/38724/pep-exclusive-charice39s-ninong-robert-ybera-clarifies-reported-tanan-of-the-singer-and-x-factor-fin" data-desc="Robert Ybera talks about two incidents that allege that Charice and X Factor finalist Alyssa Quijano eloped." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a552c9a8e.jpg"> X Factor finalist Alyssa Quijano" data-url="https://www.pep.ph/news/38724/pep-exclusive-charice39s-ninong-robert-ybera-clarifies-reported-tanan-of-the-singer-and-x-factor-fin" data-desc="Robert Ybera talks about two incidents that allege that Charice and X Factor finalist Alyssa Quijano eloped." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a552c9a8e.jpg"> X Factor finalist Alyssa Quijano" data-url="https://www.pep.ph/news/38724/pep-exclusive-charice39s-ninong-robert-ybera-clarifies-reported-tanan-of-the-singer-and-x-factor-fin" data-desc="Robert Ybera talks about two incidents that allege that Charice and X Factor finalist Alyssa Quijano eloped." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a552c9a8e.jpg">

Kahapon, May 18, ipinadala ng isang Chaster, tawag sa fans ni Charice, ang photo na ito, kung saan kasama ni Charice (right) ang dalawang babaeng iniuugnay sa kanya—ang talent manager niyang si Courtney Blooding (left) at ang umano’y present girlfriend niyang si Alyssa Quijano, na naging finalist sa X Factor Philippines.


Sinasabing ang sexual orientation umano ng international singer na si Charice ang pinagmulan ng lahat ng mga isyung lumalabas ngayon—ang pag-iibang anyo ng international singer, ang pagtanan nito umano kay Alyssa Quijano, at ang pagkakalayo ng loob niya sa inang si Raquel Pempengco.

Unang naungkat ang kasarian ng international singer noong Mayo 2012, nang umani ng samu’t saring reaksiyon ang bagong hip at boyish image ni Charice, na may prominente nang tattoo sa kaliwang braso.

Nakita ng publiko si Charice sa presscon ng X Factor Philippines. Dito ay magaan namang sinagot ng singer ang tungkol sa kanyang nakakapanibagong tattoo.

Ito raw ay kuwento ng kanyang naunsiyaming pag-ibig.

Aniya, “I never knew how to love until someone broke my heart.

"Actually, it’s a true story but I’d rather not tell the story. I know a lot of people, kapag nabasa nila ’yan, makaka-relate.

“Again, talagang kapag naglalagay ako, may meaning. When I put something like this, there’s a meaning.

"It’s part of me. It’s part of the look and everything. Let’s just say it’s an accessory."

Sumunod, ang international singer—na pinatanyag nang husto ng top American TV personality na si Oprah Winfrey—ay nagpapalit-palit din ng kanyang hairstyle.

Dati ay itim ang kanyang buhok na mahaba at nakalaylay, at minsan ay naka-rollerbrush para sa soft curls sa dulo na magpi-frame ng kanyang mukha. Feminine ang dating.

Nitong nakaraang taon, sa kasagsagan ng X Factor Philippines, nakita si Charice na straight na ang buhok at ash-blonde pa ang kulay.

Inihalintulad ito ng ilang netizens sa social networking sites, na marahil ay hindi sanay ay color experiments, sa “pansit canton.” May nagpasaring pang naging kamukha ni Charice ang komedyanteng si Ariel Realova.

Nitong Abril 2013, nag-post uli si Charice ng bagong hairstyle— itim, diretso, at very sharp at maiksi ang cut—na inihalintulad naman ng ilan sa buhok ng current boy heartthrob na si Daniel Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kamakailan lamang ay umikot naman ang pinakabagong litrato ni Charice, kung saan mas lalo pang maiksi ang kanyang buhok.

Ang komento naman dito ng netizens ay kamukha na niya ang sikat na Korean singer na si Psy ("Gangnam Style" at "Gentleman") at ang leader ng North Korea na si Kim Jong-un.

Si Charice ay nakabase sa U.S., kung saan malaya niyang nae-express ang sarili sa pamamagitan ng hairstyle, pananamit, at pagkilos na magustuhan niya mula sa maraming impluwensiya sa First World nation.

Samantala, kalakaran na sa local showbiz na kapag may malaking pagbabago sa image ng isang star, hindi ito agad katanggap-tanggap, hindi lang sa mga detractors kung hindi pati na rin sa mga fans.


"TOMBOY" ISSUE. Sa phone interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Robert Ybera noong Mayo 16, sinabi nitong matagal na niyang alam ang pagiging “tomboy” umano ng singer.

Malapit daw si Robert sa mag-ina noong nagsisimula pa lamang si Charice sa pagkanta-kanta at ninong din siya ni Charice sa binyag. (CLICK HERE to read story.)

Nagsimula ang mga haka-hakang tomboy si Charice noong inanunsiyo nito sa Twitter, noong August 7, 2012, na si Courtney Blooding na ang bago niyang manager.

Ayon sa ilang blind items na naglabasan, may relasyon umano ang dalawa.


Pero walang anumang kumpirmasyon na galing sa kampo ng singer, hanggang sa binanggit ito ng kanyang lola sa ina, si Tess Relucio, sa panayam nito sa Ang Latest, na umere noong May 11.

Lahad ni Lola Tess tungkol kay Charice at Courtney, “Ang nakarating sa akin, girlfriend mo yun or ikinasal kayo, anak. Sabi sa amin, sa Las Vegas.

"Kaya lahat ng income mo dito noon, yung kinita mo sa X Factor, e, bumili ka ng sasakyan, e, nadala lahat nung babae na yun.”

Sa parehong segment ng Ang Latest, nagpa-interbyu rin si Robert, na noon ay nagpakilalang Mike.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa kanya, sumama raw ang loob ni Raquel.

Tanong ng Ang Latest, “Nagalit ba si Raquel dahil nagpakasal daw sa Las Vegas?” Sagot ni Robert, “Pagkakaalam ko, masama ang loob.”

Subalit nang mag-check ang PEP.ph sa website (CLICK HERE) na nagtatala ng mga kasal na naganap sa Las Vegas, ang lumalabas ay "no records to display" kapag inilagay sa search box ang mga pangalang Charice Pempengco, Charmaine Clarice Pempengco, Charice Relucio, Charmaine Clarice Relucio, at Courtney Blooding.


Samantala, noong October 24, 2012, sa Twitter account na @OfficialCharice, nag-post ang singer ng: “I love you, Ayie. Soon people will know why I love you so much.”


Ayie ang palayaw umano ni Alyssa Quijano, isang finalist sa X Factor Philippines.


COURTNEY & CHARICE. Tungkol kay Courtney, ito ang komento ni Robert sa PEP.ph: “Matagal na ’yan. At saka hindi lang si Courtney ang ano diyan, e.

“Meron pang tatlong fans, na kung nabasa mo yung ano ko sa Facebook, hindi lang ‘yan, may tatlo pang fans—laging ano, special na fans, kumbaga.

“Kung sa akin ay ayaw kong matulog sa bahay [ng mga Pempengco], e. E, [sila] natutulog sa bahay, nasa kuwarto, natutulog…

“Sabi ko, ‘Raquel, hindi pupuwede ‘yan, e. Lahat ng mga ano malalaman ‘yan! E, fans ‘yan.

“’Kung gusto matulog e dun sa guest room.’

“Sabi niya [Raquel], ’E, hayaan mo, e, gusto ni Charice, e.’

“’Ay, naku, pagmumulan ng problema ‘yan.’

"Alam mo, kung minsan tatlo, meron pang lalaki, pero yung lalaki, yung fans na yun, sa baba natutulog o kaya dun sa kapatid ni Charice dun.

“Kaso, kapag umaalis kami, yun, ginagawa nang tambayan yung kuwarto.

“Sabi ko, ‘Mali ‘yan, Raquel!’

“Minsan sini-sermunan si Charice, pero hindi nakikinig, e.”


ANONYMOUS "CHASTER." Isang anonymous sender naman ang nagpadala sa writer na ito ng bagay-bagay—ilang litrato, mga screenshots ng Facebook status, mga comments, at ilang links—na may relasyon sa mga isyung nakapalibot ngayon kay Charice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang sender na ito ay ayaw magpakilala sa media dahil hindi raw siya parte ng pamily—pero isa raw siyang Chaster, na siyang tawag sa mga fans ni Charice.

Una niyang ipinadala ang isang Facebook status ng isang account diumano ni Raquel Pempengco.

Ang sabi ng “Chaster” ay may tatlo umanong accounts si Raquel sa Facebook.

Ang profile name ng status ay parang nasa Korean characters.

Mensahe nito noong May 15 (published as is): “Para sa lahat po....iisa lang po ang magdadala at magpaparami ng apelyidong ‘PEMPENGCO’ sa pamilya namin yun eh si COYCOY lamang po...kaya po yung umaangkin na xa raw eh si ------ Pemepngco eh nagkakamali po xa....masyado lang xang ambisyosa....Kaya COYCOY humayo ka’t magpakarami...____ joke lng baby ______ love you both.....”

Kung tama ngang si Raquel ang may account nito, maaaring ang tinutukoy ditong si Coycoy ay ang nakababatang kapatid ni Charice na nagngangalang Carl.

Noong May 10, malinaw at malumanay namang nagpahayag si Raquel ng kanyang saloobin tungkol sa kasarian ni Charice sa ABS-CBN News, sa pamamagitan ng text messaging:

"Ang sinasabi ng puso ko at isip ko bilang ina ay hayaan ko siyang ilantad kung ano ang tunay na katauhan niya. Kung ano ang gusto niya, dahil doon siya magiging maligaya.

“Nirerespeto ko kung ano ang gusto niyang sabihin sa publiko, dahil doon siya magiging masaya at malaya na hindi niya nahanap sa aming pamilya." (CLICK HERE to read story.)



NEW CHARACTERS APPEAR. Samantala, hiniling ng PEP.ph kay “Chaster” na makausap siya nang direkta sa telepono.

Ngunit ang sagot nito sa email: “I would think about the phone conversation, I am not part of the family and as much as I would like to bring light to so many issues, I don’t want to cause further damage to Cha. Someone told me that Ang Latest was able to interview Robert Galang [Ybera]?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Am I right? I believe that there’s so many issues that were left behind. Like what he said, what’s on the news now are past issues already.

"You may ask him again a few questions regarding the incident wherein there’s the involvement of the NBI.”

Binanggit ni "Chaster" ang tungkol sa mga posts ng isang “Katie Steele,” na pinaniniwalaan niyang account ni Alyssa, ang sinasabing girlfriend umano ni Charice.

Pero “deactivated” na ito at press time.

Gayundin ang Instagram account na "Choy Pempengquettes," na pag-aari naman daw ni Charice.

Sa mga ipinadala ni "Chaster" na screenshots, makikita rito ang palitan ng mensahe nina “Katie Steele” at “Choy Pempengquettes.”

Noong October 11, 2012, nag-post si “Choy Pempengquettes” ng picture ni Charice pero wala itong caption.

Isang follower ang nagkomento: “Daddy is so pogi.”

Sagot naman ni “Katie Steele”: “Yea. So pogi.”

THE MAY 9 AND MAY 12 INCIDENTS. Nitong Mayo lumitaw sa publiko ang pangalan ni Alyssa Quijano.

Sa panayam ng Ang Latest kay Robert Ybera noong May 11, nagsalaysay ito tungkol sa paghahanap kay Alyssa ng isang babaeng nagngangalang “Liza.”

Ngunit liban sa pagsabing bitbit daw ni “Liza” ang mga taga-National Bureau of Investigation (NBI) sa pagpunta nito sa Cabuyao, Laguna, wala nang detalye pang nasabi si Robert.

Sa PEP.ph, idinetalye ni Robert ang kanyang nalalaman tungkol kay Liza, na pinaniniwalaan niyang ina ni Alyssa.

“Nag-text sa akin yung Mommy niya [Alyssa]. ’Binigay daw ni Raquel yung number ko.

“Nasa… ako nun… a, nasa ano pa sila nun, sa main highway pa raw.

“Tinanong ko, nagpakilala nga siya, siya daw [ang ina ni Alyssa].

"Akala ko kasi malapit na, e, akala ko malapit na sila. Itong Liza, yun, nag-text sa akin.

"E, hindi naman iba sa akin yung pinupuntahan ni Charice, tumatambay, at ano, kasama si Alyssa dun.

“Sabi ko, ‘Kung ganitong oras kayo pupunta, medyo madilim na, past 7 [p.m.] ano na yun, magbabaan na yun dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Ituturo ko na lang yung bahay, huwag na kayong dumaan sa amin kasi, pag pumunta kayo sa amin, may mga kasama ako dito na ibang tao.

"’E, mamaya baka makilala kayo, may makakakilala sa inyo, mabubulabog lang yun.’

“E, dumaan pa rin sa amin. Ang sabi ko, ‘Bilisan niyo na at pumunta na kayo dun, baka may makapag-timbre na darating kayo.’

“Sabi niya [Liza], ‘Malayo naman mga sasakyan namin, medyo dun ko pinaparada, naglakad na lang kami papunta sa ‘yo, sa inyo,’ sabi sa aking ganun.

“Sabi ko, ‘Bilisan niyo na, marami ditong puwedeng magsabi dun [kina Charice]. Bilisan niyo para…’

“Ayun, naglakad na papunta dun, kasama ang isang NBI. At yung ibang NBI, nasa sasakyan na, sumusunod lang, at naglakad na lang sila.

“Tinuro ko yung bahay na tinatambayan nila.”

Ito na rin umano ang sinasabing "tanan" nina Charice at Alyssa.

Nangyari raw ang insidente bago mag-birthday si Charice.

Dagdag ni Robert sa PEP.ph: “Bago siya mag-birthday, May 9. Kung hindi ako nagkakamali, May 8 or May 9.

“Tapos ano, e, birthday ni Charice, May 10, e.”

Isa pa ring balita ang lumabas naman noong May 14 sa ABS-CBN News tungkol sa sinasabing “pagtatanan” nina Charice at Alyssa.

Dito ay nagbigay ng pahayag si Raquel, sa pamamagitan ng text message na ipinadala kay Marie Lozano ng ABS-CBN News, at sinabi nitong hindi naman "tanan" ang nangyari.

Ayon kay Raquel, “Kung ako po ang tatanungin, di ko po masasabing tanan yun ’coz we’re not sure if it’s really Charice who got her [Alyssa].”

Sa PEP.ph, nagbigay-linaw uli si Robert tungkol sa insidente ng tinatawag na "tanan":

“Tumawag sa akin si Mommy [Liza] nung isang araw, parang May 11 ‘ata yun, nakatakas daw [ang anak na] si Alyssa.

"Alas-dos na ito ng madaling araw. Ah, ano nga pala ito, May 12. Kasi medyo puyat pa kami nun, kasi may kandidato kaming dinadala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya noong May 12, mga alas-dos, tumawag nga sa akin yung mommy niya [Alyssa] at sabing, ‘Kuya, si Alyssa, pinatulog lang kami, nawala na rito.

"’Pero may nagsabi sa labas na meron daw kumuha na kulay gray na kotse.’

“Sabi ko, ‘Anong plate number?’ Kasi, kabisado ko ang mga plate number na puwede niyang puntahan at puwede niyang ano.

"Pero meron akong dalawang suspetsa na kulay gray, pero dapat masabi sa akin ang plate number.

“E, di wala siyang maibigay na plate number. Naku, mahirap magbintang.

“Pero kinabukasan, election, may nakakita daw sa kanya sa harapan ng bahay namin, si Charice.

“May nagsabi sa akin, tinanong ko kung may kasamang ano, ibang mukha. Meron daw, kaya lang hindi niya ma-confirm kung sino yun, e.

"Kaya, hindi ’ko sigurado kung si Alyssa yun.”



ONE MILLION A DAY? Paano yung alegasyon ng lola ni Charice sa ina, na si Tess Relucio, sa Ang Latest, noong May 11, na “nagwi-withdraw daw si Charice halos isang milyon araw-araw”?

Sinegundahan ni Robert ito.

Sa phone interview sa PEP.ph, sinabi ni Robert: “Si Charice, marami siyang pera sa Amerika.

“Kaya nga, ewan ko kung naalala mo yung nag-withdraw, one million a day?

“Siguro nakuwento sa akin ni ano [Raquel] ‘yan mga one week na. Na-alerto kami, e!

“Sabi ko, ‘Raquel, hindi na biro ‘yan, baka bukas makalawa, wala na kayong pera.’

“Sabi, e, ‘E, bahala siya, kanya naman ‘yan, e.’

“[Sabi ko], ‘E, ano, kailangan mo ring ano ‘yan, rendahan.’”

PEP GETTING IN TOUCH. Ibinigay ni Robert sa writer na ito ang telephone number ni “Liza,” ang sinasabing mommy ni Alyssa.

Nagpaabot kami ng mensahe dito noong May 16, pero hindi pa ito sumasagot. Sinubukan din naming tawagan ang kanyang numero noong May 18, pero hindi na ito makontak.

Sa pamamagitan ng isa pang source, nakakuha kami ng numero ng isang miyembro ng AKA Jam, na kagrupo ni Alyssa, pero ang sabi lang nito sa text mesage noong May 15:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sorry po no comment po…pls ask nalang our publicist…”

Sinubukan din naming kunan ng pahayag ang publicist ng grupo noong May 15, at tinawagan ito nang dalawang beses nitong May 18, pero hindi ito sumasagot.

Si Raquel naman, pinadalhan ng witer na ito ng text messages nang dalawang beses—noong May 12 at May 15.

Pinadalhan din namin siya ng mensahe sa Facebook, at pinadalhan uli ng text message ng PEP.ph noong May 18. Subalit hindi ito sumagot.

Kinontak na rin ng PEP ang nagpapakilalang “road manager” ngayon ni Charice na si Glenn Aldueza, pero wala rin itong sagot.

Bukas ang website na ito sa pahayag ng lahat ng taong sangkot sa isyung ito.

X Factor finalist Alyssa Quijano" data-url="https://www.pep.ph/news/38724/pep-exclusive-charice39s-ninong-robert-ybera-clarifies-reported-tanan-of-the-singer-and-x-factor-fin" data-desc="Robert Ybera talks about two incidents that allege that Charice and X Factor finalist Alyssa Quijano eloped." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a552c9a8e.jpg"> X Factor finalist Alyssa Quijano" data-url="https://www.pep.ph/news/38724/pep-exclusive-charice39s-ninong-robert-ybera-clarifies-reported-tanan-of-the-singer-and-x-factor-fin" data-desc="Robert Ybera talks about two incidents that allege that Charice and X Factor finalist Alyssa Quijano eloped." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a552c9a8e.jpg"> X Factor finalist Alyssa Quijano" data-url="https://www.pep.ph/news/38724/pep-exclusive-charice39s-ninong-robert-ybera-clarifies-reported-tanan-of-the-singer-and-x-factor-fin" data-desc="Robert Ybera talks about two incidents that allege that Charice and X Factor finalist Alyssa Quijano eloped." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a552c9a8e.jpg">


X Factor finalist Alyssa Quijano" data-url="https://www.pep.ph/news/38724/pep-exclusive-charice39s-ninong-robert-ybera-clarifies-reported-tanan-of-the-singer-and-x-factor-fin" data-desc="Robert Ybera talks about two incidents that allege that Charice and X Factor finalist Alyssa Quijano eloped." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a552c9a8e.jpg"> X Factor finalist Alyssa Quijano" data-url="https://www.pep.ph/news/38724/pep-exclusive-charice39s-ninong-robert-ybera-clarifies-reported-tanan-of-the-singer-and-x-factor-fin" data-desc="Robert Ybera talks about two incidents that allege that Charice and X Factor finalist Alyssa Quijano eloped." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a552c9a8e.jpg"> X Factor finalist Alyssa Quijano" data-url="https://www.pep.ph/news/38724/pep-exclusive-charice39s-ninong-robert-ybera-clarifies-reported-tanan-of-the-singer-and-x-factor-fin" data-desc="Robert Ybera talks about two incidents that allege that Charice and X Factor finalist Alyssa Quijano eloped." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a552c9a8e.jpg"> X Factor finalist Alyssa Quijano" data-url="https://www.pep.ph/news/38724/pep-exclusive-charice39s-ninong-robert-ybera-clarifies-reported-tanan-of-the-singer-and-x-factor-fin" data-desc="Robert Ybera talks about two incidents that allege that Charice and X Factor finalist Alyssa Quijano eloped." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a552c9a8e.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN