"Prima Contravida" Bella Flores dies at 84

Sa loob ng 62 years ay binigyang-kulay ni Bella Flores ang daigdig ng pelikula at telebisyon sa pamamagitan ng kanyang pagganap bilang primera kontrabida. Kaninang madaling-araw, May 19, ay binawian na ng buhay si Bella sa edad na 84.


Sumakabilang-buhay kaninang madaling-araw, 1:27 a.m, ang veteran actress na si Bella Flores.

Siya ay 84 years old.

Dinala si Bella ng kanyang anak na si Ruby Arcilla sa Quezon City General Hospital dahil nahihirapan siyang huminga.

May diabetes ang veteran actress at nagkaroon ng mga kumplikasyon ang kalagayan niya nang sumailalim siya noon sa hip surgery.

Nagkaroon din siya ng Alzheimer’s disease at naging bed-ridden hanggang sa kanyang kamatayan.

Sa interview kay Ruby ng dzBB, sinabi niya na dadalhin ang labi ng kanyang ina sa Loyola Funeral Chapel sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Remedios Dancel ang tunay na pangalan ni Bella na isinilang noong February 27, 1929, sa Sta. Cruz, Manila.

Fourteen years old siya nang magsimula ang kanyang showbiz career.

Binansagan si Bella na "Prima Contravida" at "Contravida Queen" ng Philippine Movies dahil sa kanyang epektibong pagganap bilang kontrabida.

Tumagal ng 62 years ang showbiz career ni Bella na unang lumabas sa pelikulang Balaraw noong 1950.

Huling napanood si Bella sa My Kontrabida Girl, ang 2012 movie ng GMA Films na tribute sa mga kagaya niyang kontrabida sa pelikula at telebisyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN