Steven Silva saddened by Party Pilipinas’ end; says he learned a lot from the show

Inamin ni Steven Silva na “worried” siya sa pagtatapos ng dalawa niyang show, ang Indio at Party Pilipinas. Pero umaasa daw siya na “sana may next na dumating sa akin na show.”


Magkasunod na magtatapos ang mga show na kinabibilangan ni Steven Silva.

Una’y ang Sunday noontime variety show na Party Pilipinas, na ang huling airing date ay ngayong araw, Mayo 19, at ang primetime epic-fantaserye na Indio na magtatapos ngayong Mayo.

Inamin ni Steven sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kahit papaano ay nag-aalala siya sa pagtatapos na ito ng kanyang mga show.

Pero tiwala naman daw siya sa kanyang home network na GMA-7, at sa ngayon ay umaasa na lamang siya na, “sana may next na dumating sa akin na show.”

“But at the same time it’s also time for me to rest and of course prepare for upcoming shows,” pag-amin niya.

Nakausap ng PEP si Steven noong Mayo 17, sa Mother’s Day event na isinagawa ng ilang GMA Artist Center talents sa Kaisahang Buhay Foundation, Inc., sa Project 4, Quezon City.

LEARNED A LOT. Taong 2010 nang palitan ng Party Pilipinas ang defunct Sunday noontime variety show ng GMA-7 na SOP.

At isa si Steven sa mga regular performer ng Party Pilipinas, kaya naman sigurado ay mami-miss niya ang naturang show.

Lalo na’t ang ilang mga kasamahan niya sa industriya ay minsan doon lamang niya nakikita o nakakasama.

Aniya, “I’m sure some of the people there, yung mga artists, kapag wala yung Party P, e, hindi ko masyado nakikita after Party P.

“There are artists na I only see sa Party P, siyempre kapag wala yung Party P, I don’t think we’ll see each other that often... mga staff, pati mga artists.

“So uhm, so I think that’s what I’ll miss—yung bonding time with the artists, and the staff.”

Pero kung mayroon man daw siyang mahalagang natutunan sa show, bukod sa pag-awit at pagsayaw, iyon ay kung paano makisalamuha sa mga fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Steven, “I’ve grown so much in Party P, I’ve learned so much.

“Hindi lang sa singing or sa dancing, uhm, also teaching other artists how to reach the fans, how to connect to the fans.

“Kasi yung Party P, that’s a live show. So you’re really under the spotlight. It also teaches you how to... you know, be disciplined, kailangan talaga mag-rehearse, you have to be ready.

“Kahit yung mga times na wala kaming shows, nagwu-workshop ako sa dancing, sa singing para pagdating sa show ready din talaga ako.

“So, it really teaches you about performing and discipline,” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN