Annaliza lead star Andrea Brillantes cites Kim Chiu, Anne Curtis as her favorite actresses

Andrea on why she likes Kim Chiu: “Kasi po nakasama ko na siya, maganda siya at masarap po siyang kasama, tapos ang bait-bait pa niya, tapos magaling po siyang umarte.”


Sa presscon ng Annaliza ng ABS-CBN, tinanong namin ang child actress/lead star na si Andrea Brillantes kung ano ang reaksyon niya sa sinabi ng co-star niyang si Zanjoe Marudo na si Andrea ay magandang bata, tiyak na sisikat at magiging prinsesa ng Kapamilya network.

“Siyempre masaya ako kasi si kuya Zanjoe ang nagsabi sa akin nun e, pambihira lang yun e,” ang pahayag ni Andrea sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sa mga eksenang nakunan na para sa Annaliza, pinaka-nahirapan raw si Andrea sa…

“Yung nagkaroon po ng baha. Kasi po ang lamig po ng tubig.”

Hindi naman daw siya natakot, gininaw lang siya.

Ang pinaka-nagustuhan niyang eksenang ipinagawa sa kanya ng mga direktor ng Annaliza na sina Theodore Boborol at Cathy Camarillo...

“Yung nagkahiwalay po kami ng tatay ko,” pagtukoy ni Andrea sa eksenang nasa sasakyan si Guido (played by Zanjoe) para mag-abroad at hinahabal ito ni Andrea bilang si Annaliza.

“Kasi ang ganda e,” sinabi pa ni Andrea sa naturang makabagbag-damdaming eksena.

FAVORITE ACTRESSES. Ang mga paboritong artista ni Andrea...

“Kim Chiu po,” ang mabilis na sagot ni Andrea.

“Kasi po nakasama ko na siya, maganda siya at masarap po siyang kasama, tapos ang bait-bait pa niya, tapos magaling po siyang umarte.

“Si Anne Curtis din po.”

Hindi pa raw niya nakakatrabaho si Anne.

“Nakikita ko lang po siya sa TV tapos sa Showtime po.”

Paborito rin of course ni Andrea ang Annaliza co-star niyang si Zanjoe.

PAST SHOWS. Ang mga programa sa Kapamilya network na nagawa na ni Andrea...

Alyna, anak po ako ni Shaina [Magdayao] doon, tapos nag-Budoy po ako bilang batang Jessy Mendiola... tapos guestings sa Wansapanataym at MMK at nag-Eboy din po ako bilang tomboy-tomboyang si Princess.

“Tapos, naging young Andi Eigenmann po ako sa Kapag Puso’y Sinugatan.

BATCHMATES.” Mga close friends daw niya sa showbiz ang mga kapwa niya child stars na sina Xyriel Manabat at Kyline Alcantara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala raw rivalry o inggitan sa pagitan nila ni Xyriel.

“Tapos si Kyline din po best friend ko po, kasama po siya dito sa Annaliza, siya po yung magiging Arlene po.”

Kaya aapihin siya ni Kyline.

Hindi ba mahirap iyon, na magkaibigan sila pero aapihin siya nito?

“Medyo nga po nahihirapan po ako kasi kapag po nag-aaway kami, sabunutan, tapos magtatawanan kami,” masaya niyang kuwento.

Wala pa naman daw eksenang umiyak siya nang totohanan dahil nasaktan siya sa pananakit ni Arlene o Kyline.

Nagsu-sorry naman draw sa kanya si Kyline after every sampalan o sabunutan scene.

“Opo, pero kahit hindi okay lang naman sa akin, kasi kailangan talaga yun sa eksena e,” paliwanag niya.

POPULAR IN SCHOOL. Incoming Grade 5 student si Andrea sa Ambassador School For Children sa Teacher’s Village, Quezon City.

Bakasyon ngayon kaya nakakapag-taping si Andrea nang maayos. Paano kapag may pasok na?

“Absent po ako, pero baka po mag-home school na po ako e,” banggit niya.

Ang naramdaman niya nung una siyang sabihan na siya si Annaliza...

“Natuwa po ako pero nung sinabi po sa akin na ako na po yung Annaliza, hindi ko pa po alam yung time na yun na six years ’ata po siya tumakbo, hindi ko pa po alam.

“Tapos, dun po sa trade launch po, dun lang po talaga ako naging masayang-masaya tapos dun na po talaga ako umiyak,” dagdag niyang kuwento.

Ang mga nabili na niya mula sa mga kinita niya sa showbiz…

“Ano po, cellphone tapos iPad.”

Ang wala pa siya na gusto niyang mabili o iregalo sa kanya…

“Ang gusto ko lang po talaga magkaroon ng magandang kuwarto at magkaroon po kami ng bahay tapos ng sarili pong kotse.”

Hindi ba maganda ang kuwarto niya?

“Kasi po kakalipat lang po namin, gusto ko po siyang maging maganda talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam ba ng mga kaibigan niya na sikat na siyang artista?

“Opo.

“Tuwang-tuwa sila tapos pinagmamalaki nila, ‘Yung pupil namin artista!’

“Ganun sila.”

Ramdam raw niya sa eskuwelahan na artista siya.

“Opo kasi lagi akong inaalagaan ng mga kaibigan ko,” pagmamalaki niyang saad.

HAWI GIRLS.” Ang nakakatuwang kuwento pa ni Andrea…

“Nung nag-retreat po kami meron pong mga nagpapapiktyur, ‘O, huwag, huwag... magsi-CR lang, magsi-CR lang.’

“Yung mga schoolmates ko po tapos yung mga classmates ko po, ‘Magsi-CR lang po, magsi-CR lang po.”

Natawa si Andrea nang sabihin namin na may “hawi girls” siya.

PHOTOGRAPHY. Kung hindi siya artista, gusto ni Andrea paglaki niya na maging …

“Director po, tapos kung hindi po director, photographer.

“Kasi gusto ko rin pong masali sa mga behind-the-scenes, tapos gusto ko rin pong maging writer.”

Bakit gusto niyang maging photographer?

“Kasi po sabi ng mama ko magaganda raw yung mga nakukunan ko, tapos, maganda kasi kumuha ng mga pictures, e.”

Sino ang una niyang kukunan?

“Hmmm, sino kaya? Si ate Kim Chiu,” mabilis niyang sagot.

At kapag naging direktor siya, si Zanjoe ang una niyang gustong mai-direk.

Bukod kina Andrea, Kyline at Zanjoe, nasa Annaliza rin sina Patrick Garcia bilang si Lazaro; Carlo Aquino bilang si Makoy, Denise Laurel bilang Isabel, at Kaye Abad bilang si Stella.

Kasama rin sa cast sina Khalil Ramos, Sue Ramirez, Shy Carlos, Jillian Aguila, Reign Tolentino at Kiko Estrada.

Mapapanood na ito simula May 27 sa Primetime Bida ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN