Angelika dela Cruz on still-unsolved case of brother’s death: “Kaso pa rin siya, kasi ang pangit ng justice system sa Pilipinas."

Magta-tatlong taon na ang nakalilipas mula nang mamatay ang kapatid ni Angelika dela Cruz na si Edward dahil sa road accident. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay nito. Kaya hinaing ng aktres, “Sa totoo lang, ako, kung sinuman yung dapat, unang-unang ayusin nila yung justice system.”


Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Angelika dela Cruz sa taping ng GMA-7 primetime teleserye na Mundo Mo’y Akin noong Huwebes, May 16, ang kaso ng yumao niyang kapatid na si Edward dela Cruz ang aming napag-usapan.

Namatay sa isang aksidente si Edward noong June 7, 2010 sa Pampanga.

Nagpapalit ng flat tire ng kanyang sasakyan si Edward nang mahagip ito ng isang delivery truck.

Ayon kay Angelika, hindi pa rin ganap na umuusad ang kasong isinampa nila laban sa nakasagasa kay Edward.

“Kaso pa rin siya, kasi ang pangit ng justice system sa Pilipinas.

“Tatlong taon nang patay, wala pa rin,” wika ng aktres.

Hindi rin nakakulong ang nakasagasa kay Edward na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Sabi ni Angelika, “Every month, katabi ko siya [suspect] sa korte, na gusto mong ganunin pag nakikita mo.”

Lagi raw sumisipot ang aktres sa hearing ng kaso.

“Oo, kahit may taping, ipinapaalam ko.”

Bakit wala pang nangyayari?

“Alam mo naman sa Pilipinas... Sa totoo lang, ako, kung sinuman yung dapat unang-unang ayusin nila, yung justice system...

“Sa totoo lang... sa totoo lang.

“Kasi, alam mo kung sa ibang tao ‘yan, yung mawawalan ng pag-asa sa justice system, papatayin na lang din nila, ganti na lang!

“Kaya maraming ganoon, e. Papatayin mo na lang! Di ba?

“Kasi, manggagalaiti ka, e, dahil wala, e. Ako nanggagalaiti, e.”

Hindi ba nagpaparamdam si Edward?

Sabi ni Angelika, “Wala, wala akong ganoon, e. Bihira ko nga siyang mapanaginipan, e.

“Mas madalas pa nga si Orion [Casareo, Angelika’s husband] na managinip kay Edward, e.

“Kasi siya ang nag-identify ng body, e. Siya ang nagbuhat ng body, silang dalawa ng kuya niya.

“Hindi nila ako pinababa, alam nila siguro na maloloka ako.

“Three years na, three years na siya.”



NO INFLUENCE. Ano raw ang dahilan at hindi pa nakukulong ang driver na nakasagasa sa kanyang kapatid?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ewan ko sa kanila, hindi sila nakakatuwa!

“Ay, dito talaga sa Pilipinas, bulok ang justice system!” hinaing ni Angelika.

Hindi naman daw pera-pera ang labanan.

“Wala na ngang pera yung kalaban namin, e. Ayaw naman naming mam-bribe. Kasi, siyempre…”

Hindi rin daw sila lumalapit sa mga maiimpluwensiyang kakilala nila.

“Hindi, e. Kasi, pag lumapit ka, sasabihin na makukulong yung tao…

“Kahit sabihin mong dapat lang, kasi talaga namang... Hello, pinatay na nga niya, e!

“Pero, sasabihin naman nila ipinakulong dahil ginamitan ng impluwensiya.

“Ayaw naman namin ng ganoon, mapupulaan… ikaw na nga yung namatayan, napintasan ka pa.”



JUSTICE DELAYED. Medyo matagal-tagal na nga ang kaso.

“Tsaka alam mo yung, halimbawa, may absent, ire-reschedule uli, parang...

“‘Ay, wala po ba kaming... akala ninyo po ba wala kaming ginagawa sa mga buhay namin?’ E, buwan-buwan...

“Dyusko, si Daddy nga, minsan ayoko nang isama, e.

“Kasi, tuwing nakikita niya yung driver, iyak siya nang iyak... hanggang ngayon—siyempre tatay yun, e.

“E, ako, matigas kasi ako sa ganyan, nang-aaway ako, tsaka hindi ako iyakin, e.

“Pero siyempre, ang daddy ko naaawa ako. Kaya madalas, ‘Huwag ka nang sumama, ako na lang mag-isa.’

“Maaawa ka e, di ba? Makikita mo yung nakapatay, makikita mo yung tatay mo.

“E, si Daddy, kakatapos lang ng treatment niya sa cancer.”

Prostate cancer ang tinutukoy na sakit ng ama niyang si Ernie dela Cruz.

Gaano na katagal ang treatment?

“Naku, buwan din!” bulalas ni Angelika.



HANGING ON. Marami palang pinagdadaanang pagsubok si Angelika.

“Ay, oo! Sunud-sunod ako.

“Tinawagan nga ako ni Daddy noong isang araw. Sabi niya, ‘May nakita sila sa liver ko.’

“Sabi ko, ‘Kaka-remission mo lang, e, ilang buwan pa lang tayong walang iniisip, bakit problema na naman?’

“Hindi ko nga alam, e.

"Sabi nila, may ano daw... may tama, so papa-check pa niya. Basta may… hindi ko alam, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero dati, bago siya nag-treatment, wala yun, tapos pina-ultrasound.”

Kahit raw ang ina ni Angelika ay hindi pa nakaka-move on sa pagkamatay ni Edward.

Aniya, “Silang dalawa, ang mommy ko din, umiiyak pa rin hanggang ngayon—silang dalawa.

“Alam ninyo, pag Pasko nga, yung Christmas tree namin, yung mga ornaments namin, mga picture frames na maliliit, tapos puro pictures ni Edward.

“Naku, maiiyak ka! Hindi ko talaga tinitingnan ang Christmas tree.

“Tapos, yung anak pa ni Edward, kamukhang-kamukha niya—napaka-pogi!”

Nasa poder ng ina ng bata ang anak ni Edward pero pinapahiram daw sa kanila palagi.

Ipinanganak ang bata isang buwan pagkamatay ni Edward.

“Carbon copy siya ni Edward,” nakangiting sabi ni Angelika.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN