Mike Tan gets busy again after seven months of waiting for next project

Naiintindihan naman daw ni Mike Tan kung bakit natagalan bago nasundan ang huli niyang teleserye sa GMA-7, ang Faithfully (2012). Aniya, “Alam ko naman na gano’n talaga ang trabaho namin, para kaming mga contractor, parang contractor ang trabaho namin, di ba? Depende, three months mayro’n, susunod wala, sunud-sunod mayro’n... depende talaga.”


Masaya si Mike Tan dahil matapos ang pitong buwan niyang paghihintay ay sunud-sunod na naman ang projects niya sa GMA-7.

Nauna na rito ang docu-drama special na Landas, na ipinalabas bago ang nakaraang eleksyon.

Pagkatapos nito ay makakasama siya sa TV remake ng ’80s movie na Mga Basang Sisiw at nag-audition din siya para sa isang role sa primetime series na My Husband’s Lover.

Kuwento ni Mike sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Well, nag-audition ako for My Husband’s Lover.

"And then yung Basang Sisiw, naka-sked [schedule] na talaga siya.

“Nag-audtion lang ako for My Husband’s Lover, and then yung decision, pinanhik sa taas kung saan ako papasok."

Nakausap ng PEP si Mike sa Mother’s Day event na isinagawa ng ilang GMA Artist Center talents sa Kaisahang Buhay Foundation Inc., sa Project 4, Quezon City, last week.



NOT WORRIED. Natagalan man ang kasunod na project niya, naiintindihan naman daw ni Mike ang kalakaran sa showbiz.

Aniya, “Well, lagi naman gano’n, madalas naman gano’n.

"Kung hindi ka magsusunud-sunod, may in between or may pahinga talaga, may interval.

"So wala, okay lang sa akin.

“Alam ko naman na gano’n talaga ang trabaho namin. Para kaming mga contractor, parang contractor ang trabaho namin, di ba?

"Depende, three months mayro’n, susunod wala, sunud-sunod mayroon... depende talaga.

“So, alam ko na ang sistema.

"Wala... wala naman siyang problema sa akin.

"Minsan lang, pag mahaba [ang bakasyon], siyempre nakaka-miss umarte, magtrabaho.

“Minsan nagiging worried ka kasi siyempre wala kang trabaho, e."

Pero dagdag niya, “Well, hindi naman ako pinapabayaan ng GMA, lagi naman may regionals, out-of-town shows, so walang problema.”



CHARACTER ROLE. Isa si Mike sa talents ng Kapuso network na nasubukan na ang pagiging bida at pagganap ng character roles.

Ilan sa mga ginawa niyang shows ay ang Marimar (2007), Maging Akin Ka Lamang ((2008), Kung Aagawin Mo Ang Langit (2011), Legacy (2012), at Faithfully (2012).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kung si Mike ang tatanungin, mas gusto niya raw gumanap ng character roles.

Paliwanag niya, “Para hindi rin ako naiinip sa roles, yung hindi lang steady na mabait, hindi lang yung iyak lang nang iyak... ‘yon yung gano’n.

“Nakakatuwa lang kasi lagi akong napupunta sa mga character role—nasa bida, pero hindi gano’n kabait, may twist.

"So, ‘yon ang okay sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN