Rhian Ramos "lucky and blessed" to have worked with late actress Bella Flores

Rhian Ramos on relationship with KC Montero: “Ito yung type ng relationship na you read about or you watch in movies where everything is happy.”


Isang hindi makakalimutang karanasan para kay Rhian Ramos ang makatrabaho ang veteran character actress at "Primera Contravida" na si Bella Flores sa pelikulang My Kontrabida Girl (2012).

Kaya nalungkot nang husto ang Kapuso young actress nang mabalitaang pumanaw na si Bella kahapon, May 19.

“Nagulat ako,” sabi ni Rhian nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas kahapon.

Saad pa niya, “She’s a really wonderful, friendly, and energetic lady.

“I’m happy to say na I was able to work with her in my lifetime. So I consider myself lucky and blessed.

“I really appreciate kasi she’s such a helpful lady, because she’s been in the industry for so long.

“She was even able to ask me about yung mga bits and pieces of my personal life na lumabas sa news. And she gave me advice and stuff like that.

“So I found her to be very kind and friendly.

“I was really grateful… she’s a woman of her stature. She was very helpful.

“And it was good of her to give me that chance to work with her and give me that honor to be able to have her in a movie of mine.”

Taus-puso namang nagparating ng mensahe si Rhian sa yumaong aktres.

Sabi niya, “If there was a chance for me to thank her for the kindness that she showed me in the short time na I got to work with her, gusto ko yun iparating sa kanya.”



BELLA’S DAUGHTER. Ikinuwento rin ni Rhian na palaging kasama ni Bella ang kanyang anak na si Ruby Arcilla tuwing may shooting sila noon ng My Kontrabida Girl.

Saad niya, “And gusto ko ring magpasalamat sa daughter niya who was on the set also for the whole movie.

“Kapag nandoon si Ms. Bella, nandoon din yung daughter niya who is also very nice… she loves her mom so much.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You can really see it, e. Even if you don’t talk about it, you can really see it.

“She was really taking care of her the whole time. Siya pa yung nagbabato ng mga lines minsan at nagri-rehearse.

“So I wanna send my love to Ms. Bella’s family…

“Not just me, but I think so many people in the industry thank her for everything that she was able to contribute.”



VACATION TIME. Namaalam na sa ere kahapon ang Party Pilipinas, kung saan isa si Rhian sa naghu-host at nagpe-perform linggu-linggo.

Pagkatapos ng kanyang commitments, planong magbakasyon muna ni Rhian.

Sabi niya, “Actually, aside from Party Pilipinas, Indio is also ending. So balak kong magbakasyon for a change.

“Kasi ano, e… I did a movie bago ako mag-Indio. So hindi rin ako nakapag-Christmas break kasi pam-filmfest yun [Sosy Problems]

“So ito na yung chance ko na makapagbakasyon.

“Pupunta ako ng England for a reunion with my family—with my dad’s side of the family.

“And then, uhm… hopefully also, for vacation and shopping purposes... I can go to the States!” sabay tawa niya.



FAMILY REUNION. Who’s coming with her to England?

“My sister and my dad. Also my dad’s wife and all my British family members,” sagot niya.

Hindi ba niya niyayang sumama ang boyfriend niyang si KC Montero?

“It’s a family thing so I think that would need permission.

“Pero okay naman din. I mean, it’s not like may rule kami na strictly family only… wala namang ganoon.

“Pero hindi pa namin napag-uusapan yung ganoong part noong family reunion ko.

“And marami pa namang time. Kasi first week of July pa naman yun.”

Smooth-sailing naman ang relationship nila ni KC, bagay na labis ipinagpapasalamat ni Rhian.

Pagmamalaki niya, “In over a year na we’ve been together, we haven’t fought.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So that’s very, very different from kung ano yung experience ko before with relationships.

“And parang feeling ko, ito yung type ng relationship na you read about or you watch in movies where everything is happy.”



SEXY PICTORIAL. Maganda ang naging feedback nang lumabas ang sexy cover niya sa isang magazine. Marami tuloy ang nagtatanong kung mauulit ba ito o masusundan pa.

“I don’t know. Huwag kayong masanay. Hindi… joke lang!” sabay tawa ni Rhian.

“Kasi ano, e… when I did that, parang nagkaroon lang ako ng guts na gumawa ng cover na medyo sexy yung theme.

“Kasi sa Indio, first show ko yun na ang costume ko is a little bit sexy also.

“So if I didn’t do Indio, siguro hindi matutuloy yung ganoong photo shoot… I wouldn’t have the comfort level or the confidence.

“In the future naman… well, I don’t know. Kasi, sobrang happy ako sa naging result ng cover na iyon.

“I don’t feel like I need to tap it as of now… maybe in the future. I don’t know."

Ipinagmalaki ni Rhian ang mga nag-ayos sa kanya para sa pictorial.

Sabi niya “If… kasi ano, e… kaya lang naman ako napa-oo doon, kasi everything fell into place.

“Parang everything about it is perfect—from the makeup artist, to the hair stylist, to the photographer, to the clothing stylist, to the person who wrote the article.

“Everything… parang it was such a dream team handling the shoot.

“So if ever something is presented to me na ganoon din ka-perfect yung situation, then I would say ‘yes.’

“Pero if I’m not comfortable with something, I’ll just say ‘no.”



DARING ROLES. Kung medyo malabo pa sa ngayon na maulit ang pagpu-pose niya nang sexy para sa isang magazine, ganoon din kaya kung pagpo-portray ng sexy roles ang pag-uusapan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Rhian, “Uhm… hindi naman.

“Ganoon lang talaga. Parang I need the right team, people that I can trust.

“Kasi, it’s a big deal for me. And it would be a big deal also for my mom and also for the members of my family.

“Kasi, when they watch that, parang it would be, like, awkward!” natawa ulit na sabi ni Rhian.

Dagdag niya, “So because it’s a big deal for us, I will do it for people na I really love.

“Na… are worth it and appreciate what kind of gesture that is.”

If in case mapapayag siyang mag-portray ng sexy role, how far can she go?

“Siguro whatever the MTRCB allows!

“I don’t know. It’s really up to them… not me,” panghuling sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN