Glaiza de Castro still in denial over end of Party Pilipinas

Ikinalungkot ni Glaiza de Castro ang pagkawala sa ere ng weekly musical-variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas. Marami raw kasi siyang magandang alaala sa programa at dito rin daw nahasa ang talento niya sa pagkanta.


Naabutan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza de Castro sa isang restaurant sa Tomas Morato, Quezon City noong Linggo, May 19.

Kasama ni Glaiza ang ilang masusugid na tagahanga na kagagaling sa Sunday noontime-variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas na nagtapos na noong araw na iyon.

Kahit naka-sunglasses, mapapansing nangingilid ang luha sa mga mata ng aktres.

Inalam namin kay Glaiza kung ang pagkawala ba ng Party Pilipinas ang dahilan ng hindi niya maitagong emosyon.

Pag-amin niya, “Sobra ngang emosyonal... sobrang… ewan ko, in denial pa siguro.

“Nandoon yung hope pero ngayon lang nagsi-sink in—ganito pala.

“Kahit papaano kasi ay napamahal na siya... yung tao, e.

“Mga kasama mo sa trabaho at yung every Sunday ay nag-aabang, nagtu-tweet... nagte-text para sabihin na ‘Oy, napanood kita.’”



TALENT VENUE. Isa pa sa hindi niya makakalimutan sa Party Pilipinas ay ang pagbibigay-daan nito sa kanyang talento.

“Sobrang dami talaga,” malungkot na sabi ni Glaiza.

“Yung dito ako nagkaroon ng self-confidence bilang isang performer. Tapos, every week ay parang natsa-challenge ka.

“Tapos minsan, parang wala lang.

"Pero sa sobrang daming nangyayari, e, natuto ka.”

Parang isang malaking pamilya raw sila na nagtutulungan at naggagabayan sa bawat production number na kanilang ginagawa.

“We all learn from each other, kahit by observing lang.

“Alam mo yung ganoon? Nakaka-inspire.

“Kahit walang strong bonding, kapag nagkikita lahat, nagkakaisa.

“At saka yung kahit hindi kayo araw-araw na nagkikita, maaalala mo ang mukha ng taong ito.

“Na ang taong ito ay makulit, hetong taong ito ay mabait, hetong taong ito ang madalas kong kakuwentuhan...”



TALENT MANAGEMENT. Matagal nang nasa pangangalaga ng kanyang manager na si Manny Valera si Glaiza. Minsan nang napabalita na lilipat ang aktres ng ibang talent manager ngunit hindi naman ito natuloy.

Ano ang opinyon ni Glaiza sa mga artistang lumilipat ng managers?

“Ano na ba ang nangyayari sa mundo? Ba’t may ganyan?” natatawang tanong niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero dagdag ng Kapuso actress, “Yung sa akin ay respeto lang. You have to know when to move on.

“Kasi, once na umalis tayo, saka na lang natin nari-realize kung ano ba talaga ang gusto natin sa buhay natin.

“Basta kung ano yung goal natin, forward na lang tayo lagi.

“Kahit sabihin pa na’ Oy, wala ’yang utang na loob...’ Respeto na lang sa desisyon ng tao.

“Nangyayari naman talaga ‘yan, di ba?

“Yun talaga ang nature ng tao. Hindi maiiwasan na yung change, yung hurt.

“Sabihin natin, ito yung side ng manager, heto yung alaga niya. Inalagaan niya ‘yan, e. Kahit papaano ay napamahal na siya sa taong ito.

“Kahit minsan ay galit ako sa taong ito, minsan naman ay natutuwa.

“Part talaga ‘yan ng pagma-manage, nagkakaroon ng ibang level of relationship.”

May panahon na naintriga rin siyang lilipat ng manager.

“A, oo,” pag-alala niya.

“Ako, ayokong mag-burn ng bridges, kasi kung anuman ang mangyayari ay nirerespeto ko talaga.

“At saka in the first place, wala naman... kaya ayaw kong gawin na big deal.

“Kung ano kasi, pinag-uusapan naming pamilya ang magiging desisyon.”

Wala pa naman daw silang problema ni Manny Valera.

Sabi pa ni Glaiza, “Tumutulong ang nanay ko sa pag-aasikaso sa career ko. Pero, wala kaming problema ng manager ko.

“Lagi naman sila na gumagabay sa akin. Walang gaanong bigat, hindi mabigat dalhin.”

Ano ang magiging dahilan para siya kumalas kay Manny?

“Depende. Pero ayoko nga munang mag-isip, ini-enjoy ko muna yung present... focus lang ako sa present.

“Sabi nga sa Bible, ‘Don’t worry about the things you need because the Father will provide you.’ So, ganoon.”



HARD WORK. Nagtayo pala ng negosyo si Glaiza, ang Galura Multi Arts Talent Center. Galura ang tunay na apelyido ng aktres.

Pagmamalaki ng actress-singer, “Ay, oo. Yung pamilya ko kasi ang nag-isip niyan. Siyempre, damay na din ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naisip kasi naman, na maganda ring makatulong kami sa mga kabataan na may pangarap na tulad namin noon.

“Kasi, masarap isipin na may mga natutulungan ka and at the same time ay kumikita ka rin.

“Tulung-tulong kami lahat. Si Tatay kasi kumakanta, si Nanay din.

“Kapatid ko naman na si Alchris, umaarte.

"So basically, bawat isa sa amin ay maiaambag, may maitutulong.”

Nagbalik-tanaw si Glaiza sa kanyang nakaraan noong nagsisimula siya.

“Sobrang hirap din yun," nangingiting wika niya.

“Alam ninyo naman yung pagsisimula ko... open book naman yun.

“Naaalala ko yung kotseng bulok ng tatay ko, kung saan-saan na rin nakarating, kahit minsan ay naaawa na ako sa tatay ko.

“As in, sobrang tiyaga naming lahat, sama-sama.

"Kahit papaano’y nagbubunga na rin.

“Yun ang gusto naming gawin sa magiging agency namin—na ang lahat ng pangarap ay nagsisimula sa isang pangarap.

“Pero siyempre, dapat ay may gagawin ka rin para matupad ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN