Bong Revilla says son Jolo’s victory last election is sweeter because "siya talaga ang naghirap"

Sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang epicserye sa GMA-7 na Indio, marami raw alalala ang maiiwan nito kay Bong Revilla. Sabi niya,“Pinakamahirap na nagawa ko ito sa tanang buhay ko. At saka feeling ko, dito ako natutong umarte talaga!”


Sa kasagsagan ng nakaraang eleksyon, nag-multi-tasking si Senator Bong Revilla sa kanyang mga tungkulin at commitments.

Tumulong siya sa pangangampanya ng kanyang misis na si Lani Mercado at anak na si Jolo Revilla, habang tuluy-tuloy rin ang taping niya para sa kanyang epicserye sa GMA-7, ang Indio. Bukod pa rito ang tungkulin niya bilang senador.

Tumakbong muli si Lani bilang kongresista at si Jolo naman ay kumandidato bilang vice-governor sa lalawigan ng Cavite. At sa kabutihang-palad naman ay parehong nagwagi ang mga ito.

Kaya naman halata ang pagiging masaya ni Bong nang dalawin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa taping ng Indio sa Marilao, Bulacan noong nakaraang linggo.

EPICSERYE. Una munang napag-usapan ang tungkol sa pinagbibidahan niyang epicserye.

Kuwento ni Bong, “Itong Indio, nakakatuwa.

"Lalo na kahit saan ako pumunta, ang tawag sa akin, ‘Indio! Indio!’

“Talagang matutuwa ka.

"Kapag tinanong mo, ’Sino ang mga nanonood?’ Taas lahat ng kamay, libo-libo!”

Bilang una niyang teleserye ang Indio, masasabi ba ni Bong na nakamit niya ang inaaasahan niya sa paggawa nito?

Tugon niya, “A, yeah, oo, na-fulfill siya. Sabi ko nga, first and last… mahirap, e."

INDIO, THE MOVIE? Kahit magtatapos na ang Indio sa Hunyo, may balak daw si Bong na ituloy ang istorya nito.

Pero pag-amin niya, "Mahirap, mahirap siya… isa lang ako. Movies na lang, gumawa na lang tayo ng pelikula.”

Kinukunsidera rin daw ni Bong na gawing pelikula ang Indio.

Aniya, “Iniisip namin na gawing pang-Metro Manila Film Festival itong Indio.

“Baka Indio The Movie. Baka…baka… pero mas papalakihin pa ang mga set… mas iba.”

Naging espesyal ba sa kanya ang karakter niya bilang Indio?

Tugon ni Bong, “Siyempre, kapag pinaghirapan mo ang isang proyekto, magma-mark ‘yan sa puso mo—like Panday, Agimat, then ito.

“Pinakamahirap na nagawa ko ito sa tanang buhay ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang dugtong pa niya, “At saka feeling ko, dito ako natutong umarte talaga!”

Kung sakali ngang gawing pelikula ang Indio, posibleng si Dondon Santos pa rin daw ang magiging direktor nito.

THE END. Ano ang mami-miss ni Bong sa Indio ngayong malapit na itong magwakas?

Sagot niya, “Siyempre yung habit namin. Kumbaga, 6 a.m. gising ka na o 5:30 in the morning.

“Makakarating ka sa bahay mo, mga five in the morning [the following day]. Ganoon kapagod.”

Sa mga babaeng cast ng Indio, sino naman ang pinaka mami-miss niya?

“Lahat sila! Mami-miss ko ang magagandang dilag!” natatawang sabi ni Bong.

Dugtong pa niya, “Lahat sila mababait at magagaling!”

Ilan sa mga kasama ni Bong sa Indio sina Jennylyn Mercado, Rhian Ramos, Maxene Magalona, Solenn Heussaff, Ehra Madrigal, Sam Pinto, Ellen Adarna, at Rachelle Ann Go.



NEW CHARACTER. Pumasok na rin ang karakter ni Katrina Halili bilang si Burigadang Pada Sinaklang Bulawan o Goddess of Greed and Vengeance.

Kumusta naman ang pagtatrabaho nila?

Sabi ni Bong, “Siya ang kontrabida natin dito at napakagaling niya. Masarap siyang katrabaho.”

Hindi ba siya naiilang kay Katrina?

“Hindi naman… panay nga ang po, e!” natawang sagot niya.

Matatandaang si Senator Bong ang isa sa tumulong noon kay Katrina nang masangkot ito sa sex scandal ni Hayden Kho.

Napag-uusapan pa ba nila ang tungkol dito?

“A, hindi, hindi na… hindi namin pinag-uusapan yun.”

Masaya raw si Bong para kay Katrina na malaki na ang ipinagbago mula noong kasagsagan ng kaso nito.

“Natutuwa ako na at least naka-move on siya.

“Mas magandang huwag na lang pag-usapan yun para mabura na yun sa isip niya.”



ELECTIONS. Bago mag-eleksyon, ang misis ni Bong na si Lani ay naging busy sa pangangampanya, habang siya naman ay ilang araw sa isang linggo nagte-taping.

Naging problema ba ang schedule nilang mag-asawa?

Sabi ni Bong, “Hindi naman. Although siyempre, nag-adjust din siya... lalo na siya at nangangampanya siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di bale, magbabakasyon na lang kami after nitong election.

“Hindi pa namin napag-uusapan kung saan, pero sabi ko, ‘Halika, magbakasyon tayo.’

"We really need to go out of the country.”

Dahil busy sa pagte-taping, masasabi ni Bong na ang anak niyang si Jolo talaga ang solong nagtrabaho sa pangangampanya sa kandidatura nito bilang vice-governor ng Cavite.

Saad ng senador, “Itong pagkapanalo ni Jolo, konti lang ang na-contribute ko riyan. Siya talaga ang naghirap.

“Kaya sabi ko, ‘Ang sarap ng victory mo, anak. Dahil ikaw talaga ang naghirap diyan.’

“Dati kasi, yung laban niya sa barangay na naging board member siya, e, parang ganoon lang.

“Kaya sabi ko, ‘This time, ‘eto, nakatikim ka ng tunay na laban.’”

Biro namin, pisikal na laban ba?

Kuwento naman ni Bong, “Kagabi, sabi niya sa akin, ‘Papa, sana hindi na lang ako lumaban kung ganito lang.’

“Pero sabi ko, ‘Hindi, kaya natin ito.’”



WITH GIRLFRIEND JODI. Sa panahon ng kampanya, sinabi ni Bong na pumupunta ang girlfriend ni Jolo na si Jodi Sta. Maria.

“Pumupunta… yun ang inspirasyon ni Jolo.”

Botong-boto ba siya kay Jodi para sa anak?

“Oo naman, oo naman,” pagsisiguro niya.

“At sana, maayos na ang annulment niya [Jodi]. Ang alam ko, malapit na yun na dedesisyunan ng court.”



PROUD FATHER. Ang isa pang anak ni Bong na si Inah Revilla-del Rosario ay nakatapos na ng kolehiyo. Ano ang pakiramdam ni Bong dito?

“Of course, I’m very proud.

"Legal Management si Inah. At saka, maglu-Law siya sa Ateneo… ipagpapatuloy niya.

“Yun ang hiling ko sa kanya kaya ako ang magbabayad ng kanyang tuition fee.”

Ang isa pa niyang anak na si Gianna Revilla ay na-cast ang paa kailan lang.

Sabi ni Bong, “Sumayaw yata sa Party P na naka-heels ang kilos niya. So yun, nasimentuhan ang paa niya.”

Napapanood niya ba ang anak sa Teen Gen?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, parang Kris Aquino ang dating niya!” natawang sabi nito. “Okay naman, cute naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN