Ai-Ai delas Alas on husband Jed Salang: "Ang basurang itinapon, wag mo pupulutin."

Patuloy pa rin ang pagpu-post ni Sancho delas Alas ng mga mensahe sa Twitter at Instagram patungkol sa "ex-husband" ng kanyang ina na si Jed Salang. Ngunit sinabihan na ni Ai-Ai ang kanyang mga anak na mag-"move on na."


Bukod sa mga naunang posts ng isang “Sancho delas Alas” sa Twitter at Instagram, may mga panibago na naman itong posts sa Instagram ngayong araw, May 20.

Si Sancho delas Alas ang panganay na anak ng komedyanang si Ai-Ai delas Alas. Ang dalawa pa niyang anak ay sina Sophia at Sean Nicolo, na parehong nakabase ngayon sa Amerika.

Sa unang post ni “Sancho” sa Instagram, ipinakita nito ang screen shot ng tweet sa kanya ng isang lalaki na nagngangalang “Elmer Besanez” na may IG account na “EBesanez”:

“@Just be strong Jed Salang. I know you’re being judged without fair trial. Kaya mo yan…”

Ang caption naman na inilagay ni Sancho sa ilalim ng screen shot ay “Boyfriend ni jed salang.”

Si Jed Salang ang asawa ni Ai-Ai na hiniwalayan ng aktres matapos ang tatlumpung araw na pagsasama.

Ang post na ito ni “Sancho” ay mayroon nang 81 comments, na halos lahat ay nagpapahayag ng galit sa diumano’y ginawa ni Jed kay Ai-Ai.

Sa kanyang panayam sa The Buzz kahapon, May 20, sinabi ni Ai-Ai na sinasaktan diumano siya ni Jed at mayroon din daw third party sa kanilang paghihiwalay.

(CLICK HERE to read related story.)

Nag-comment naman sa naturang screenshot ang isang “Sophia delas Alas” na may username na “sophdelasalas.”

Si Sophia ang pangalawang anak ni Ai-Ai na nasa Amerika ngayon.

Sabi ni “Sophia”: “Ohmygosh. May isa pang kabit?! Ohno. There’s a whore on the loose.”

Pagkatapos mag-comment ni “Sophia” ay nag-comment din ang isang “Ai-Ai delas Alas”:

“hayaan mo na bebe… ANG BASURANG TINAPON WAG M PUPULUTIN… let GO Let GOD.. MOVE ON NA TAYO MGA ANAK… HEALING PROCESS NA.. wag na PATOL”

Nag-“I love you” naman si “Sancho” sa kanyang ina.

Sagot naman ni “Ai-Ai”: “I LOVE YOU BABY BOY… thank you for your UNCONDITIONAL LOVE.”

Samantala, ang Twitter account na “@EBesanez” ay deactivated na ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

USER NOT FOUND. Pagkatapos ng tatlong oras ay muli na namang nag-post ng larawan si “Sancho” sa kanyang Instagram account—ang Instagram profile ni Jed (“@jed_salang8”) na may 3,446 followers at 303 photos.

“User not found” na ang nakalagay rito at hindi na mabuksan.

Ito ang mensahe ni “Sancho” sa pagkawala ng Instagram account ni Jed: “Anyare? Di mo na kaya?

May nagtanong naman kay Sancho ng ganito: “sino to paps? HIT?”

Sagot ni Sancho: “ex-husband ni mama na bakla paps.”

Komento naman ng isa pang IG user: “Haha matapang lang pala pag isang babae lang kaharap…e ang dami daming babae na galit sa kanya.”

Sabi naman ni Sancho: “si Mama lang naman kinakaya kaya niya.”

Sa ngayon ay wala pa ring anumang pahayag na ibinibigay si Jed sa mga naging rebelasyon ni Ai-Ai kaugnay ng paghihiwalay nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN