Max Collins on starring in a primetime series: "Napi-feel ko lang, parang mas respected po ako."

Bagamat naging leading lady na siya sa isang primetime series, hindi naman daw nangangahulugan na magiging mapili na si Max Collins sa mga susunod niyang proyekto. Sabi niya, “May na-prove po kasi ako and that’s how I feel na kahit paano, may na-prove ako. But anything, wala namang nagbago, ganoon pa rin."


Sa isang linggo ay pupunta ng Bohol si Max Collins para sa shooting ng kanyang kauna-unahang indie film, ang Bamboo Flowers.

Ang pelikulang ito ay ididirek ni Maryo J. de los Reyes para sa 1st Sineng Pambansa National Film Festival, na magtatampok sa ilang batikan at premyadong mga direktor.

Sabi ni Max sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “First indie ko nga kaya super excited ako.

“Napakaganda ng role at nabasa ko yung script...

"Parang subtle lang ang kuwento nila—tatlong kuwento. But then, magkaiba ang mga kuwento.

"So, yung isa, si Ms. Mylene Dizon at si Ruru Madrid magkasama.

“Tapos, may isa pa, si Tita Irma Adlawan at si Tito Spanky Manikan.

“And then, si Julio Diaz din kasama po sa kuwento namin ni Orlando Sol.”



LAST PROJECT. Sa telebisyon naman, mahigit isang buwan na ang nakalilipas magmula nang matapos ang tinampukang primetime series ni Max sa GMA-7, ang Pahiram Ng Sandali.

Bagamat hindi naman siya nawawalan ng trabaho—gaya ng Magpakailanman nila ni Aljur Abrenica at iba pang guest appearances—ay umaasa siyempre si Max na magkaroon muli siya ng teleserye.

Aniya, “Sana magkaroon na, pero ganoon talaga, e… waiting muna.

“At least, blessed ako na may mga guestings, may mga trabaho.

“Like nag-guest din po ako sa Vampire Ang Daddy Ko, last week sa Bubble Gang.

“So, thankfully, tuloy-tuloy lang po.”



CHOOSY. Aminado si Max na malaking oportunidad ang dumating sa kanyang career nang maging leading lady siya ni Dingdong Dantes sa Pahiram Ng Sandali.

Mas mahirap o may pressure ba ngayon ang pagtanggap ng kasunod na proyekto pagkatapos niyang maging bida sa Pahiram Ng Sandali?

Tugon ni Max, “Pressure? Nape-pressure po ako, kasi you’re only as good as your last project.

“So, kahit na sino ang maging partner ko, dapat maganda talaga ang performance ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And if my leading man is on the same level of me, in terms of fame, kailangan maganda talaga ang chemistry namin so we can both…”

Mas may limitasyon na ba siya ngayon pagdating sa casting?

“Hindi ko alam kung mahirap akong i-cast because of that.

“But sana, sa akin, okay lang kahit sino ang maging partner ko.

“I don’t know kung nahihirapan silang i-cast ako, kasi willing naman ako to any role given—sana maganda lang ang kuwento.

“I’m willing to work regardless of whoever my partner is,” saad niya.



LEADING MEN. Naitanong din namin kay Max kung sino pa ang gusto niyang maging leading men sa mga susunod niyang proyekto.

Sagot niya, “Si Richard Gutierrez, gusto ko siyang makatrabaho…

"Si Gabby Eigenmann, gusto ko rin siyang makatrabaho.

“Siguro kasi, si Richard, matangkad siya. Para puwede akong mag-heels.

"At saka, magaling naman siya.

“May status talaga siya at may narating na siya and it would be an honor to work with him.

“Si Gabby naman, kumportable na ako sa kanya at magkakilala na kami and he’s a great actor.

"It would be nice to work with him.”



STARTING OVER. Matagal na rin sa showbiz si Max, pero nang lumipat siya sa GMA-7 ay para siyang nagsimula ulit.

Ngunit naging maganda ang kanyang simula dahil nagbida siya agad sa kanyang ikalawang proyekto.

Nararamdaman ba niyang nakikilala o sumisikat na siya ngayon?

Sagot ni Max, “Hindi naman, hindi naman… ang napi-feel ko lang, parang mas respected po ako.

“May na-prove po kasi ako and that’s how I feel na kahit paano, may na-prove ako.

"But anything, wala namang nagbago, ganoon pa rin.

“In terms of fans, yun po siguro.

"Kasi, noong nagkokontrabida po ako sa ABS-CBN pa, yung fans, I think pinepersonal nila ang character.

“I think, tinanggap nila ang character ni Cindy sa Pahiram ng Sandali, medyo dumami naman po ang mga fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatuwa na marami naman po ang sumusuporta sa akin.”

Sa mga fans na nagtu-tweet sa kanya, sino ang gusto ng mga ito na makitang kapareha niya?

“Yung mga fans, usually si Dong [Dingdong Dantes] pa rin. Kasi, nagustuhan nila ang tandem nina Alex at Cindy.

“So, majority, si Dong pa rin.

"Tapos, si Benjamin [Alves] din, sa Coffee Prince.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN