JC Tiuseco willing to wait for his big break: “Maganda kapag inilagay ka do’n, ready ka na, may ipapakita ka na.”

Hindi naman daw nasayang ang apat na taon ni JC Tiuseco sa showbiz dahil nabigyan din naman siya ng mga proyektong itinuturing niyang paghahanda para sa mas mabibigat na roles.


Ayon sa Kapuso hunk na si JC Tiuseco, matiyaga siyang maghihintay na mabigyan ng lead role sa isang teleserye.

Naniniwala siya na kapag handa na siya ay mabibigyan din siya ng big break.

Simula nang manalo siya bilang Sole Survivor sa Survivor Philippines noong 2008, nakagawa na rin ng memorable projects ang model turned actor sa mga programa ng GMA-7. Ilan sa mga ito ay ang afternoon soaps na Sisid at Kokak noong 2011.

Sabi ni JC sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Siguro lahat naman ng new actors or nag-i-start pa lang, dream talaga nila na umabot do’n, e.

“Siyempre, ako naman, that’s one of my dreams.

"Pero kailangan step by step yung pagkuha nun. Hindi naman basta-basta ibibigay sa ‘yo.

“Okay naman ako dun na maghintay, kasi hindi rin maganda na bigla kang ilalagay do’n, tapos hindi ka pa ready.

Katuwiran pa niya, “Maganda pag inilagay ka dun okay na, ready ka na… may ipapakita ka.

"Hindi yung binigyan ka ng magandang role o magandang lead role, tapos sasabihin ang acting mo, ‘Ay, hindi naman pala pang-lead, e.’

"After that, what’s going happen to you? You’re going to go down, di ba?”

Hindi rin naman daw nasayang ang higit sa apat na taon niya sa showbiz.

Saad niya, “Kasi for me, those four years, nakita ko naman yung progress, nung mga ibinibigay nilang role sa akin.

"Like before, wala, tapos eventually they gave me a kontrabida role na nagustuhan ko.

"Kasi I got to play the role of Ahmed [in Sisid] na bad boy talaga… na naging psycho.

“Tapos, okay naman yung mga next roles na ibinigay nila sa akin, like preparing me for the big role [in the future].

"Hindi ako naiinip… stepping stone.”



WHAT’S NEXT FOR JC. Katatapos lang gawin ni JC ang teleseryeng Temptation of Wife na pinagbidahan nina Marian Rivera, Glaiza de Castro, Rafael Rosell, at Dennis Trillo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibinahagi ni JC sa PEP na may nakatakda siyang gawing teleserye ngayong Mayo subalit hindi pa niya ito maidetalye. Ang nasabing project daw ay panghapon.



SHOWBIZ ADJUSTMENT. Si JC ay nasa pangangalaga ng Mercator Model and Artist Management ni Jonas Gaffud. Mula sa pagiging modelo, nakapag-adjust na raw ngayon si JC sa industriya ng showbiz.

Pag-amin niya, naging mahirap ang unang dalawang taon niya sa showbiz, lalo pa’t natural daw siyang mahiyain.

“Sobrang hirap mag-adjust like people [and] surrounding.

"Tapos mahiyain pa ako dati. Di talaga ako lumalabas, di ako nagsasalita.

"Yun ang mahirap sa akin. Kailangan kong mag-adjust agad at mag-adapt sa environment ko.

“Tingin ko [naging] okay naman. Madami naman akong natutunan at marami pang kailangang [matutunan],” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN