Willie Revillame announces end of Wowowillie in October; will take a vacation after his contract with TV5 expires

Isang announcement ang ginawa ni Willie Revillame sa kanyang noontime program na Wowowillie ngayong hapon. Aniya, tatapusin na lamang niya ang kanyang kontrata sa TV5 hanggang Oktubre at magpapaalam na rin sa ere ang kanyang programa.


Ilang araw pagkatapos lumabas ng balitang hindi na raw ire-renew ng TV5 ang kontrata ni Willie Revillame ay nagkaroon ng announcement ngayong hapon, May 21, ang controversial TV host sa kanyang programang Wowowillie.

Ayon kay Willie, tatapusin na lang niya ang kanyang kontrata sa Kapatid network.

Sumulat na raw siya at humingi ng bakasyon kay TV5 Chairman Manny V. Pangilinan.

Saad ni Willie, “Alam ninyo, may mga personal na rason na hindi ko na sasabihin sa inyo.

“Ako muna’y magpapahinga ng ilang buwan, ng isang taon o anuman, e, malalaman ninyo.

"Tatapusin ko na lang po ang kontrata ko sa TV5.

“Ang last day of my contract ay October 15. Maybe October 12 will be the last show ng Wowowillie.

“So, hindi po para malungkot. Ganyan talaga ang buhay. Kasi kailangan ko rin ng time.

"Malungkot lang ay hindi tayo magkikita araw-araw.

"Wala nang sigawan, walang umiiyak sa saya, walang nabibigyan ng pamasahe, walang nabibigyan ng ganito."

Dagdag niya, “Anyway, tingnan po natin, baka may pagkakataon ay magkita-kita pa rin tayo.

"Yun lang po para matapos na ang haka-haka.

"Ako ay sumulat na sa pamunuan ng TV5, ako po ay nagpaalam na—May 17.

"Actually po, sinagot na nila ako na I think tinatanggap nila yung aking pagpapaalam sa TV5.

"Para wala nang news, basta po tatapusin ko ang kontrata ko hanggang October. Sa araw na ‘yan, puro saya."

Pero sa huli ay tila may pahiwatig si Willie na mapapanood pa rin siya ngunit sa ibang bakuran na.

Aniya, “Pag may nagsara na bintana, may magbubukas na pintuan. Basta mag-e-enjoy pa rin tayo.”

Matatandaang noong nkaraang linggo ay may lumabas na report na hindi na raw ire-renew ng TV5 ang kontrata ni Willie dahil sa hinihingi raw nitong talent fee na "P90 million per month."

Hindi raw ito kinagat ng pamunuan ng network at sinabihan na raw ng isang top executive ng TV5 si Willie na hindi na ire-renew ang kontrata niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero inunahan daw ito ni Willie sa pamamagitan ng pagsusumite ng resignation letter, upang palabasin na hindi siya ang pinatalsik.

Ngunit pinabulaanan naman agad ito ng kampo ni Willie, sa pamamagitan ng business unit head ng Wowowillie na si Jay Montelibano.

Sabi ni Montelibano, hindi niya alam kung saan nanggaling ang balitang humihingi ng "P90 million" na talent fee si Willie.

Wala rin daw meeting na naganap kunsaan sinabihan diumano ang TV host na hindi na ire-renew ang kontrata niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN