Carla Abellana says no to quick wedding: “Excuse me, gusto ko ng magandang wedding. Ayoko ng mabilisan!”

Sa loob ng tatlong relasyon nila ng kasintahang si Geoff Eigenmann, sinabi ni Carla Abellana na natutunan na nilang mag-adjust sa isa’t isa upang maiwasan ang madalas na pagtatalo.


Tatlong taon na ang relasyon nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann, pero aminado ang Kapuso actress na nagkakaroon pa rin sila ng mga pagtatalo.

Subalit hindi gaya dati, mas alam na raw nila kung paano lutasin ang mga hindi nila pagkakaunawaan.

Sabi ni Carla sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I wouldn’t say walang problema.

"Siyempre dumadaan din yung problems, pero we always [have] communication.

"Kahit busy or may ginagawa or upset, dapat pag-usapan ang mga problema, huwag tatalikuran.”

Dagdag pa ni Carla, kung mayroon man silang alitan, hindi raw nila ito pinapatagal ni Geoff.

“Okay lang if you’re at the height of your emotion; nagalit ka or something.

"Okay lang, basta tapusin kaagad ang problema, di na patatagalin.

“Both of us adjust in many ways.

"Acceptance din… hindi naman more ako yung nag-a-adjust.”



SPENDING QUALITY TIME. Nakatakdang gumawa ng teleserye si Carla sa GMA-7 kasama sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez, ang My Husband’s Lover.

Gaganap bilang mag-asawa sina Tom at Carla, at magkakaroon ng relasyon si Tom, na isa palang gay, kay Dennis.

Naitanong din kay Carla kung may bago rin bang proyekto ang kanyang boyfriend sa Kapuso network.

Sagot niya, “Wala pa ho, nagpapapayat muna siya.”

Ang pinakahuling proyekto ni Geoff ay ang Forever na pinagbidahan nila ni Heart Evangelista.

Hindi naman daw nagiging balakid ang trabaho para magkaroon sila ng quality time ni Geoff.

Ani Carla, “It gets in the way kapag pareho ho kaming busy.

“Buti na lang, so far, that has happened maybe once or twice lang...

"Normally, ang nangyayari ho sa amin, ako may soap, siya wala. Siya may soap, ako wala…

"So balance... so normally I can visit him on the set.”

Kapag pareho silang busy sa trabaho, marami naman daw paraan para mag-communicate, kagaya ng cell phones.

“Okay lang naman din sa amin to be apart ng ilang days na diretso, as long as nag-uusap naman kami sa phone. Sanay na din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May mga times na isang linggo o more than a week na hindi nagkikita,” kuwento ng anak ng dating heartthrob na si Rey "PJ" Abellana.

Kamakailan din ay nagpunta sa US sina Carla at Geoff para dalawin ang ilang miyembro ng pamilya ni Geoff. Biniro tuloy si Carla ng ilang press na baka nagpakasal na silang dalawa sa Las Vegas, Nevada.

“Hindi naman, ayoko,” mabilis na tanggi ni Carla.

“Excuse me, gusto ko ng magandang wedding. Ayoko ng mabilisan!”

Sa ngayon daw ay wala pa silang balak magpakasal ni Geoff.

Dugtong pa ni Carla, ang ikakasal daw ay ang bunsong kapatid ni Geoff na si AJ Eigenmann sa June.

Gaganapin ang kasal sa US kaya baka hindi na makasama si Carla dahil by that time ay nagte-taping na siya para sa kanyang teleserye.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN