Victor Silayan on Krista Miller’s "wild" personality: "Huwag niya masyadong gawin yung mga ganun kasi dyina-judge kaagad siya."

On doing adult scenes, Victor Silayan says, "If it goes to the mga pa-sexy na intimate scenes, like with a partner, it will depend on intensity, who the partner is, anong gagawin, nakahubad ba... Not too comfortable, e. Hindi ako masyadong comfortable sa mga ganyan."


Sunud-sunod ang projects ng model turned actor na si Victor Silayan sa TV5.

Bukod sa primetime reality show na Boracay Bodies, nagsimula na rin ang fantasy series na Cassandra: Warrior Angel, kung saan isa siya sa mga leading men ng bidang si Eula Caballero.

Kasama rin si Victor sa upcoming sexy-drama serye na Misibis Bay. Makakasama naman niya rito sina Ritz Azul, Vin Abrenica, Megan Young, Daniel Matsunaga, Malak So Shdifat, at Luke Jickain; pati na ang veteran stars na sina Christopher de Leon, Vivian Velez, at Boots Anson-Roa.

Bakit sa tingin niya ay sunud-sunod ang proyekto niya sa TV5?

Tugon ni Victor, “I’m guessing kasi summer theme tayo ngayon, e.

"Ako, I came from the image of… Bench endorser ako, Bench model.

“’Yan yung pagka-introduce ko sa TV5, so I guess dun nila binabanatan na… hindi sa nagyayabang, I guess my body is an asset kasi I go to the gym. I do mixed martial arts.

“I’m conscious about my physique.

"So I guess, these shows, tugma sa akin, just like si Daniel [Matsunaga]. He’s fit.

"So I guess that’s why he’s also in the new show right now.”

SEXY ROLES. Kumportable ba siya na bini-buildup ang image niya bilang isang sexy actor?

Pahayag ni Victor, “I wanna say I’m grateful that they’re giving me projects. I mean, work is right. Thankful.

“Not everybody is given work, so comfortability… aaminin ko na medyo parang hindi.

"Siguro, the max is shorts. Up to the shorts. I mean, at least naka-shorts. Hindi brief na mag-aano.

"I want to keep it wholesome. I want to maintain an image na Victor Silayan, hindi siya yung bold star.

“Parang, yes, he has a nice body but doesn’t… hindi siya hubadera, na malaswang tingnan.

“Ang show ko naman, ang first topless was Boracay Bodies, kasi beach naman kaya okay lang talagang magtanggal ng shirt, mag-shorts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Eto naman, this one is Misibis Bay. Nasa resort din, beach na naman, so, maghuhubad talaga ulit ng shirt.

"So, I guess up to that point, I’m comfortable.”

Ngunit aniya, ibang usapan na raw pagdating sa paggawa ng mga maseselang eksena.

“If it goes to the mga pa-sexy na intimate scenes, like with a partner, it will depend on intensity, who the partner is, anong gagawin, nakahubad ba...

“Not too comfortable, e. Hindi ako masyadong comfortable sa mga ganyan.”

Paano ba niya gustong makilala ng publiko?

Ayon kay Victor, “Well, to be honest, I wanna serve as an inspiration to others. I wanna be a model to the public.

“Parang somebody to look up to, na, ‘Yan, si Victor, mabait siya, he’s God-fearing…’

“Pero, he has the body naman, why not do these stuff pero hindi malaswa, walang malisya.”

Gusto ng baguhang aktor na wholesome pa rin ang tingin sa kanya ng mga tao.

Si Victor ay apo ng yumaong veteran actor na si Vic Silayan na gumanap sa mga klasikong pelikula tulad ng Kisapmata (1981) at Karnal (1983).

GIRL FRIENDS. Una nang nabanggit ng TV5 princess na si Eula Caballero na si Victor ang pinakamalapit na kaibigan niya ngayon sa talents ng Kapatid network.

Pag-amin naman ni Victor, “Siya din ang pinaka-close kong artista sa TV5.”

Kuwento niya, madalas nga raw silang gumimik kasama ang Star Factor finalist na si Nikita McElroy.

Nag-click daw agad sila ni Eula dahil “she’s a funny girl, walang arte [and] down-to-earth.”

Ngunit paglilinaw ng aktor, talagang malapit lang silang magkaibigan ni Eula.

Hinahatid pa nga raw nito ang Cassandra: Warrior Angel co-star pagkatapos nilang gumimik dahil magkalapit lang ang kanilang bahay.

Dagdag pa ni Victor, “Kumbaga, we’re really comfortable with each other.

"I respect her. She respects me. Hindi kami nagko-cross ng borders.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, friends talaga.”

Nababalitang malapit din daw si Victor ngayon kay Krista Miller, na nakasama niya rin sa Boracay Bodies.

Sabi niya tungkol dito, “Kumbaga ako, I have nothing against the person, kay Krista. She’s a nice person.

"Siguro, ano lang, she’s a bit wild… medyo friendly, she’s friendly naman.

“Pero sometimes, she shows it to other people, nakikita ng ibang tao na lumalandi, pero iba yung napu-portray ng ibang tao.

“Parang kapag nakita nila na gumagano’n siya, sinasabi agad ng mga tao malandi siya.

“So, dapat sana siguro huwag niya masyadong gawin yung mga ganun kasi dyina-judge kaagad siya, lalo na may issue siya kay Cesar Montano and Sunshine, di ba?

“Mas lalong umiinit yung issue na ’yan.

"Siguro, I’m sure may ibang mga babae din na ganyan, pero yun nga, she’s in the industry of showbiz, lahat highlighted.

“Naka-magnify yung ginagawa niya, very sensitive ang mga tao sa ganyan. Lalo nasa Philippines…”



WORK AND SCHOOL. Magtatapos na si Victor sa kursong Economics and Applied Corporate Management sa De La Salle University ngayong taon.

Aniya, hindi naman nagiging problema sa ngayon ang pagsasabay sa trabaho at pag-aaral.

“Right now, wala pa namang school, e.

"So, this summer, tape lang nang tape kaya I have no problem with it. Kasi I can concentrate on taping, e.

“School, mag-i-start first week of June or last week of May ata. Di ako sure, e.

"So I’m guessing mag-i-skip akong one week of class para sa Misibis Bay.

“And when school starts, pag may school, aaminin ko mahirap. Hindi siya biro. Hindi ka puwedeng magloko.

“Kailangan makahabol ka agad sa class kasi may tendency pag may taping, napapa-absent ako, e.

“Pag college, ibang usapan. Pag absent ka, malaki ang mami-miss mo. Madami ’yan.

"So, ako naman, idinadaan ko sa pakiusap sa mga prof.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At nakikita naman talaga nila pag may klase, very attentive naman ako, e. I sit in front of the class. So, lagi talaga akong nakikinig.

“And alam nila, nagkaka-dean’s lister naman ako na status, so they can really see na ano naman ako… very determined.

"If I’m doing work on the side, I’m still studying.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN