Jennylyn Mercado plans to spend more time with son Alex Jazz and boyfriend Luis Manzano now that her Sundays are free

Libre na ang araw ng Linggo ngayon ni Jennylyn Mercado dahil pareho nang nawala sa ere ang mga programa niyang Party Pilipinas at H.O.T. TV. Pero susulitin daw ito ni Jennylyn sa pamamagitan ng pagbibigay-oras sa kanyang pamilya, lovelife, at sports.


Nalulungkot si Jennylyn Mercado sa pagkawala ng Sunday musical-variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas.

Pero kapalit naman nito ay ang mga plano niya para hindi masayang ang panahon sa nakagawiang routine tuwing Linggo.

Pagkatapos ng live airing ng Party Pilipinas noong May 19, eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn sa basement parking ng Kapuso network.

Sabi niya, “Siyempre naman, parang nakagawian ko na pag Sunday, gigising ako ng umaga.

“Tapos, magpe-prepare and then punta na ako sa studio.

“Minsan, may mga rehearsals pa kami days before the show or Saturday pa lang pag technical rehearsal… nakaka-miss din.

“Nakakalungkot talaga, kasi SOP pa lang, kami na yung magkakasama e.

“Pero naisip ko, yung Sunday ko, ilalaan ko na lang sa family, sa anak ko.

“At least, mas may time na ako ngayon para sa anak ko at sa sarili ko.”

Kabilang daw sa mga mami-miss ni Jennylyn sa show ay ang co-host niyang si Raymond Gutierrez.

Sabi ng StarStruck alumna, “Kasi Showbiz Central pa lang, magkakasama kami.

“Sabi ko nga kay Raymond, mami-miss ko siya kasi ang dami naming pinagsamahan.”

Bukod sa Party Pilipinas ay magkasama rin sina Jennylyn at Raymond sa H.O.T. TV, na kamakailan lang ay nawala na rin sa ere.

Alam ni Jennylyn na kahit nawala ang dalawa niyang programa ay magkakaroon pa rin siya ng ibang pagkakaabalahan. Kaya susulitin muna raw niya ang pansamantalang pamamahinga tuwing Linggo.

Sabi niya, “Family day na yun. Sigurado, bonding talaga nang bonggang-bongga!

“Siguro kailangan ko ring magpahinga sandali kaya nawala sa akin yung H.O.T. TV, which is Sunday showing rin, at Party Pilipinas.”



NEW SHOWS. Nakatakda na ring magtapos sa Hunyo ang fantaseryeng kinabibilangan ni Jennylyn, ang Indio.

Sabi ng aktres tungkol dito, “Nakakalungkot rin pero talagang ganoon. Alam ko namang may magandang kapalit ‘yan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman talaga mababakante si Jennylyn dahil may bagong reality show siyang lalabasan sa June.

“Eto yung Anak Ko ‘Yan, daily show ‘yan… Monday to Friday.

“So, mag-start kami mag-taping May 27. Ang taping namin niyan, three times a week.

“Meron pang isa na parang ganoon din. Pero iniisip ko pa rin yung time para sa sarili ko at sa anak ko.

“Pag kinuha ko yun, baka wala na, wala na akong oras,” sabi niya.



BACK TO SPORTS. Maliban sa makakasama niya nang mas mahabang oras ang anak na si Alex Jazz, magkikita na rin sila nang madalas ng boyfriend niyang si Luis Manzano tuwing Linggo.

Nais din ni Jennylyn na balikan ang sports na isinantabi niya nang maging abala siya sa kaliwa’t kanang showbiz commitments.

Saad niya, “Gusto kong bumalik sa ginagawa kong lifestyle, sa sports… wala na. Wala na talaga akong time.

“Kaya nga ‘etong June, may dalawang race akong sasalihan sa triathlon… kaya nga dire-diretso na. Na-miss ko rin yung sports ko.”

Balak din ba niyang bumiyahe habang hindi pa nadadagdagan ang trabaho niya?

Sabi ni Jennylyn, “Hindi ko natanggap yung travel, kasi magkakaroon ng conflict sa taping ng Anak Ko ‘Yan, e.

“First week namin, kaya hindi ko natanggap yung mga offer for out-of-town show.

“Meron din kaming out of the country sana. Pero hindi na nga natuloy dahil sa taping ng reality shows ko.”



BIRTHDAY CELEBRATION. Noong May 15 ay nagdiwang si Jennylyn ng kanyang ika-26 kaarawan.

Ano ang regalo sa kanya ni Luis?

“Ahm… ano? Isang bagay na gustung-gusto ko!” bulalas niya.

“Di ba, nag-a-underwater ako?

“Binilhan niya ako ng underwater case na may mga strobe [lights] na para doon sa bago kong camera.

“’Yan yung Sea & Sea underwater photography housing… ‘Yan yung ginagamit ng pro—professional casing—na pang-diving.

“So, ibinaba ko yung SLR [single lens reflex] ko at doon ko inilalagay yung camera ko, then may strobe siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Walang nabalitang malaking selebrasyon si Jennylyn, pero may nangyari namang salu-salo noong mismong birthday niya.

Kuwento niya, “Sa taping, hinandaan ako ng Indio.

"Pero wala naman akong naibigay sa kanila… sila yung nagpa-party sa akin.

“Ang ginawa nila, bilang birthday ko naman noong day na yun, sinigurado nila na maaga akong matatapos.

“Ang dami-dami ko ngang eksena… umaga pa lang, nagsisimula na ako.

“Noong natapos ako ng alas-singko ng hapon… pagkatapos noon, nagpa-party na.”



BIRTHDAY WISH. Ano ang birthday wish niya?

“Wala na. Kasi, okay naman ang lahat sa buhay ko.

“Ang wish ko na lang, yung health ko maging okay, pati sa anak ko, sa mommy ko, sa lahat ng mga mahal ko sa buhay.

“Yung sa amin ni Luis… na magtuluy-tuloy lang.

“And para naman sa career, magdire-diretso lang siya, pagtiwalaan pa ako ng network, ng GMA-7.

“Nangangako akong susuklian ko kung anuman yung ibinibigay nila sa akin."

Dagdag ni Jennylyn, “Materyal, wala na, e.

“Parang sobra naman ako kung hihingi pa ako ng iba pa—yung hindi na lang nabibili ng pera.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN