Jonalyn Viray hopes to join cast of new show that will replace Party Pilipinas

Bagamat nawala na sa ere ang Party Pilipinas, umaasa ang singer na si Jonalyn Viray na makakasama siya sa papalit na programa rito. Saad ng La Diva member, “Basta, hopeful ako sa next show, kasama pa rin po kami. Magbabakasyon muna yung show for two weeks… yun po ang dinig namin. So by June daw po babalik. Basta po, cross fingers po kami, na sana makasama po kami sa bagong show.”


Isa rin sa mga nalungkot sa pagwawakas ng Party Pilipinas ng GMA-7 ay ang La Diva member na si Jonalyn Viray.

Nagpahayag ng kalungkutan ang mang-aawit sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang live airing ng programa last Sunday, May 19.

Saad ni Jonalyn, “Malungkot po, siyempre, kasi maraming nawalan ng… yung stability.

“Kumbaga, yung iba, na ‘eto lang yung show nila, di ba, tapos nawala pa.

“So, lahat po talaga kami nalungkot… na-shock kami.

“Although, parang weeks before, merong mga tsismis-tsismis na magre-reformat or mawawala yung show...

“Hindi po namin alam, until yung last two episodes pa, yung una yung Team A. Sinabi po sa amin na ‘eto na nga po yung mangyayari.

“Na-confirm na nga po na mawawala na yung show.”

Two weeks before the last episode of Party Pilipinas lang daw nalaman nina Jonalyn ang pagtatapos ng kanilang show.

“Sinabi po sa amin sa technical rehearsal, Saturday po,” banggit niya.



NEW ALBUM. Ang Party Pilipinas lang ang programa ni Jonalyn sa GMA-7, kaya umaasa siyang mapasama sa programang ipapalit dito.

Habang naghihintay si Jonalyn kung pasok siya sa bagong show, may iba naman daw siyang pagkakaabalahan.

Pagbabalita niya, “May album naman po na mapo-promote… kakalabas lang po nung album.

“May mga plans din po this year na may musical na gagawin, pero hindi ko pa po siya puwedeng idetalye until final na po yung project.

“May mga naka-lineup naman po sa labas ng network, mga independent project po.”



NEW OPPORTUNITIES. Hindi ba inisip ni Jonalyn na mag-expand ng kanyang horizon gaya ng pag-aartista?

Sagot ng singer, “Iniisip ko rin po, kasi sayang yung chance—pandagdag rin ng exposure.

“So, kung meron po na magkaroon ng interes na i-guest, kunwari kami [La Diva] sa isang soap, okay naman po sa akin."

Nagpaparamdam na ba ang Kapuso network na bibigyan siya ng bagong project o acting assignment?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually po, sa napag-usapan po namin [management team] noong nakaraan, basta kung saan po may lalabas na bagong opportunity, kunwari nga po sa soap…

“Kung magkaroon ng interes yung iba na kunin kami, willing naman po kami.

“Kasi po, noong hindi pa nawawala yung Party Pilipinas, naka-focus din po ako sa album. Under Creative Media Entertainment—independent label po siya.

“Yung distribution po, under din po sa label. So, eto po yung pagkakaabalahan ko ngayon.

“Magbi-busy po ako sa mga mall tours, sa mga guestings.”

Malaking bagay rin ang nakukuha niyang talent fee sa Party Pilipinas, para sa mga gastusin niya. Paano na ang finances niya ngayon?

Sabi ni Jonalyn, “Totoo po ‘yan. Siyempre weekly, meron kaming income sa Party Pilipinas.

“Basta, hopeful ako sa next show, kasama pa rin po kami.

“Magbabakasyon muna yung show for two weeks… yun po ang dinig namin. So by June daw po babalik.

“Basta po, cross fingers po kami, na sana makasama po kami sa bagong show.”



ON ACTING. Si Jonalyn ang kauna-unahang grand winner ng dating singing search ng GMA-7 na Pinoy Pop Superstar noong 2004. Bakit hindi niya kaagad sinubukan ang acting?

Paliwanag ng 23-year-old singer, “Actually po, noong kakapanalo ko pa lang, a year after, pinasok po kami sa mga soaps—parang guesting-guesting lang po.

“Tapos, nawala siya.

"Nag-focus po kami sa singing muna talaga, para ma-establish yung career namin sa pagkanta.

“For me kasi, ang thinking ko dati, kung may mga acting projects po, okay lang.

“Basta po ang uunahin ko ay yung ma-establish yung singing career ko.

“Pero po ngayon ko lang naisip lang din, since nawala yung Party Pilipinas, ‘Oo nga, ano?’

“Sana nag-venture rin ako into acting… sana itinuluy-tuloy ko, kasi nasimulan ko na po siya noong kakapanalo ko pa lang.”



SINGING CAREER. Wala ba sa plano niya na tumawid naman abroad at subukan ang kanyang kapalaran sa international music scene?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, nagpa-plano rin po ako, e,” sabi ni Jonalyn.

O kaya’y sumali uli sa international singing competitions gaya ng ginawa niya sa World Championships of Performing Arts (WCOPA)? Matatandaang nanalo ng limang gold medals at tatlong plake si Jonalyn sa WCOPA noong 2006.

“Sabi ko nga... oo nga, nakasali na po ako sa WCOPA.

“Parang after that, hindi ko na kinakaya yung pressure na naibibigay sa akin ng singing contest.

“Grabe po talaga, parang nanggaling ako sa singing contest, naramdaman ko po talaga yung hirap.

“Tapos, nag-join po ako sa WCOPA at naramdaman ko na naman yung pressure, yung puyat, yung pagod, kaba, stress… mga ganyan!

“Kasi po, kung magkakaroon ng bagong contest na sasalihan ko, hindi ko alam kung ano na naman ang mararamdaman ko.

“Pero kung tinatawag ako para diyan, okay lang po na subukan ko uli.

“Tapos, nagpaplano rin po na magkaroon ng international exposure.

“Siyempre po, may dumating na mga opportunities sa labas ng bansa.

“So, sana po yung mga naiisip kong mga plano na gusto kong mangyari sa career ko, matupad po,” pagtatapos ni Jonalyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN