Kris Lawrence on last show of Party Pilipinas: “Biglang-bigla ang announcement na lahat kami, nawalan ng trabaho!”

Kung may pagkakataon daw ay gusto ring subukan ng singer na si Kris Lawrence ang pag-arte. Sabi niya, “Gusto ko po, actually. Gusto ko po. Na-try ko nang umarte sa ilang guestings ko dati. Pinaka-last nga yung sa story ni Kat [Katrina Halili] sa Magpakailanman.”


Kagaya ng iba pang Kapuso stars at artists na bahagi ng Party Pilipinas, nalungkot din si Kris Lawrence sa pamamaalam ng kanilang programa.

Ayon kay Kris, nagulat sila sa biglaang pagkawala ng musical-variety show na tumagal sa ere ng tatlong taon.

“Lahat din po kami nagulat. Last week lang sinabi sa amin na last episode na this week.

“So, biglang-bigla ang announcement na lahat kami, nawalan ng trabaho!” sabay-tawang biro ni Kris nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa lobby ng GMA Studios last Sunday, May 19.

Balitang isang pinaghalong variety at game show ang ipapalit sa Party Pilipinas, na ang magiging titulo raw Sunday All Stars. Umaasa si Kris na makasama pa rin siya sa bubuksang programa ng GMA-7.

“Sana po. Pinagpi-pray ko po iyon. Sana nga.

"Kasi sabi rin, maraming hindi na makakasama sa bagong show. Hindi ko lang po alam."

Hindi ba niya pinaplano na subukan din ang pag-arte?

Sagot ni Kris, “Gusto ko po, actually. Gusto ko po.

“Na-try ko nang umarte sa ilang guestings ko dati. Pinaka-last nga yung sa story ni Kat sa Magpakailanman.”



MUSIC ALBUM. May lungkot man siyang nararamdaman sa pagkawala ng Party Pilipinas, napalitan naman ito ng tuwa at excitement dahil sa lalabas niyang bagong album.

Sabi ni Kris, “Luckily, I’m gonna launch an album.

“So kahit papano, magiging visible pa rin ako kasi ipu-promote ko ito. I have to keep that up.

“I’m very excited talaga na labas na po yung album ko… nasa printing na.

“Siguro maglu-launch ako first o second week of June… it’s under GMA Records.

“The title of the album is called Spread the Love—it’s a pure OPM album.

“About 70 percent ng album, ako ang nagsulat at nag-arrange.

“So that’s why sobrang proud ako sa album na ito, kasi sobrang pinaghirapan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat ng songs sa album na ito, proud ako.



FOR KATRINA. Karamihan sa laman ng album ni Kris ay may kinalaman sa pagmamahal niya sa partner niya at ina ng kanyang anak na si Katrina Halili.

Aniya, “Pinakagusto ko yung ’Sabihin Mo Naman,’ which I wrote for Kat when she broke up with me noon.

“And that one, I was… kapag mahal mo ang isang tao, tapos bigla silang nawala, parang... ’Ano ang gagawin mo sa feelings na nararamdaman mo? Parang… saan ko ito ilalagay?’

"Kaya… ‘Sabihin mo naman… ako yung mahal mo.’ Ganoon ang message ng song.

“Yung song na ’Di Matatanggap,’ para rin sa kanya [Katrina]… six songs yung isinulat ko para sa kanya.

“That’s why I like this album, kasi lahat ng pinagdaanan ko, may pinaghugutan talaga.

“And yung mga songs that I wrote for Kat, she likes it.

"Narinig na niya lahat ng songs na ito,” sabay ngiti ni Kris.



FIRST BABY. Kumusta na sila ni Katrina ngayon?

“Okey naman kami. We’re going strong, we’re happy.

“We’re stronger than ever, me and Kat.

“At yung sentro ng goals namin ngayon sa buhay ay yung pagpapalaki kay Katrence," pagtukoy ni Kris sa anak nila ni Katrina.

Bumalik na si Katrina sa pag-arte. Kasama siya ngayon sa epicserye na Indio kaya nabawasan na ang time nito para sa kanilang baby ni Kris.

Paano sila nag-adjust sa sitwasyong pareho silang nagtatrabaho?

Ayon kay Kris, “You know, it’s funny. God works in most mysterious ways.

"Parang saluhan lang talaga, e. Because on her days of taping, nasa bahay lang ako. I’m taking care of the baby.

“Pero nagkakataon na kapag ako naman ang may trabaho, wala siyang schedule for work.

"So it’s like… saluhan kami.”

Si Katrence ba, hindi hinahanap si Katrina sa mga panahong wala ito sa tabi ng ina?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You know, may napansin kami. Kapag nawawala kami more than two days…

“Kasi, may mga time na nagkakasabay din kami ni Kat na parehong may trabaho, parang… may tampo yung bata.

“Parang… kapag tinatawag mo siya, dadaanan ka lang ng mata niya.

“Eight months na siya… parang may isip na talaga,” nangingiting kuwento ni Kris.

Ano ang ginagawa nila kapag ganoong parang may tampo sa kanila ang bata?

“Kailangan… you have to make up for the lost time by being present.

“You have to be seen by her, kailangan niyang maramdaman yung energy mo.”

Ano ang mahirap kapag wala si Katrina at si Kris na lang ang nasa tabi ni Katrence?

“Well, you know, we’re blessed na we have a yaya… we have such a good yaya for her, si Ate Mimi… she’s a great yaya.

“So she makes our live so much easier."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN