Gary Estrada wins second term as Quezon board member; defends Ejercito-Estrada clan on political-dynasty issue

Nanguna ang aktor na si Gary Estrada bilang board member sa kanilang distrito sa Quezon Province noong nakaraang eleksyon. Pero noong una’y bilang governor o congressaman ang kanyang target. Aminado si Gary na “Magiging ipokrito ako kapag sinabi ko sa inyong hindi ako nanghihinayang. Nanghihinayang ako na hindi ako lumaban sa mas mataas. Tao lang ako, may panghihinayang din.”


Muling nagwagi ang aktor na si Gary Estrada bilang board member o bokal sa ikalawang distrito ng Quezon Province nitong nakaraang eleksyon.

Ito na ang ikalawang termino ni Gary, na nakakuha ng pinakamaraming boto sa lahat ng tumakbong board member sa lalawigan.

Bago ang eleksyon ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Gary.

Naikuwento niya noon ang plano niyang tumakbo sana sa mas mataas na posisyon—bilang congressman o bise-gobernador. Ang misis niyang si Bernadette Allyson naman daw ang tatakbong bokal.

Ngunit sa huli ay nagdesisyon nga si Gary na muling tumakbo bilang board member.

Nang makausap muli ng PEP si Gary noong Martes, May 21, sa Dayrit’s restaurant, tinanong namin siya kung hindi ba siya nanghinayangna sana ay mas mataas na puwesto ang itinakbo niya noong nakaraang eleksyon.

Tugon niya, “Magiging ipokrito ako kapag sinabi ko sa inyong hindi ako nanghihinayang.

“Nanghihinayang ako na hindi ako lumaban sa mas mataas. Tao lang ako, may panghihinayang din.

“They offered me the two positions na mas mataas, pero siyempre, hindi naman natin masasabi na magiging successful ako kung yun ang nilabanan natin.

“May panghihinayang, in a way, but I’m happy with the decision that we have made.”



STRATEGY CHANGE. Bakit nagbago ang desisyon niya na tumakbo sa mas mataas na posisyon?

Paliwanag ni Gary, “Actually, my family, si Bernadette, she wasn’t ready to run. Maliliit pa ang mga anak ko.

“Noong unang beses ko ngang tumakbo, hindi siya halos nakatulong sa akin sa kampanyahan. Pumunta lang siya, isang beses.

“Pero ngayon, napakiusapan ko na siya.

“For three weeks, she had her own group campaigning for me. Yung mga bata [anak nila], kasama niya.

“Noong una, maliliit ang mga bata, hindi ko siya napakiusapan para umikot.

“Ngayon, medyo nagkakaedad na ang mga bata, kahit paano, puwede na naming iwan sa biyenan ko… nakatulong siya nang malaki.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Posibleng bang mas mataas na posisyon na ang tatakbuhin niya sa susunod na eleksiyon?

“I’m hoping, I’m hoping,” sagot ni Gary.

“Kung hindi man ako lumaban, siya [Bernadette] ang lumaban.

"Kung tumaas man ako ng posisyon at lumaban siya, mas okay pa rin yun. Or my son [Kiko Estrada] because he is old enough.

"Knowing my wife, she doesn’t’ really…

"Ang problema niya lang talaga, ang pinakasalan niya, sa politics talaga.”



SUPORTIVE WIFE. Malaking bagay raw talaga sa pagkapanalo ni Gary ang misis niyang si Bernadette.

“I’m very thankful. At least, nakita rin niya yung ginagawa ko.

“Kasi, ang nangyari sa amin, pagkagaling ko ng trabaho, pag-uwi ko ng bahay, kukulitin ako niyan na, ‘Kumain tayo, lumabas tayo, manood tayo ng sine…’

“Sabi ko, ‘Hon, puwede bang magpahinga muna ako?’

“Ngayon, nasubukan na niya ang hitsura ng ginagawa ko, siya na rin mismo ang makakapagsabi na, ‘Magpahinga tayo.’"

Labindalawang taon nang mag-asawa si Gary at Bernadette. May tatlo silang anak na babae at ang panganay nilang si Ycee ay labing-isang taon na.

Biro namin kay Gary, nakaya niyang maging faithful husband sa loob ng 12 years.

“Ang sama nito!” natatawang buwelta niya.

Dagdag pa niya, “Ano ba ang pagkakakilala ninyo sa akin?

“Sinabi ko naman yun, when I get married, at saka sa aming pamilya naman, kahit paano.

“And I had the time of my life… almost everything that single man o bachelor would ever want.”

Malaking bagay ba na ang mga anak niya ay puro babae?

“Of course, of course!” natatawa niyang sabi.

May mag-aartista rin ba sa mga anak nila?

Sabi ni Gary, “Kung ako ang tatanungin ninyo, sana hindi na.

“May anak na kasi ako, si Kiko, he entered showbiz already, he’s also in Annaliza.”

Si Kiko ay anak ni Gary sa dating kasintahan na si Cheska Diaz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa ba siya sa nagdedesisyon para kay Kiko?

“I always give him advice. I always say to keep his feet on the ground.

“You know, like, ‘Love your career… try to better yourself every now and then.’

“Ganoon ako, I always take work seriously.

“Pero si Kiko, nag-aaral pa rin siya, La Salle Benilde, he’s taking up Public Administration.”



DYNASTY. May nagbiro naman kay Gary na tila nagtatayo na siya ng political dynasty sa Quezon.

Pero sabi niya, “Actually, no.

"Funny nga, ang nakakalungkot dito, pinagbibintangan nila na ang Ejercito-Estrada raw, kami raw po ay dynasty.

“Napapanood ko sa TV, pero saan po kayo makakakita na dynasty pero ang aking tiyuhin [Erap Estrada] ay alkalde ng Maynila?

“Ako, as far as I know, ang ID ko po ay provincial board member.

“Ang kapatid ko [ER Ejercito] naman, nasa ibang lalawigan. Ang pinsan ko [Jinggoy Estrada], nasa national level.

"So, nasaan ang dynasty.

“Nakakalungkot nga, kung banatan kami sa TV, miyembro kami ng dynasty.

“Ang pagkakaalam ko sa isang dynasty, sa iisang bayan, iisang probinsiya.

“Nakita ninyo po bang sa iisang bayan o probinsiya kami?

“Kaya kami po ay hindi dynasty… kami po ay naglilingkod sa iba’t ibang lugar sa ating bansa.”

ACCOMPLISHMENTS. Sa unang termino niya bilang board member ng Quezon, anu-ano ang maipagmamalaki ni Gary na mga nagawa niya sa kanyang distrito?

“Aside sa mga ordinances, I think we are the only office of the board members na nakapagpagawa ng mga kalsada sa lahat ng bayan na nasasakupan namin.

“Nakapagpagawa kami ng school buildings sa lahat ng bayan.

“Yung five towns, one city, lahat yun, may kalsada kami.

"Lahat yun, may school building kaming napagawa.

“Usually kasi, kapag board member, kami ay legislative lang, we don’t have the budget of an executive.

“We don’t have the pork barrel, we don’t have funds to create a projec... basta legislative purely.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But one thing I’m very proud about, yung rehabilitation of the barangay halls.

“Kasi, the first form of our government is a barangay. Pero maraming barangay, lalo na sa aming distrito, na dilapidated.

“Kaya yun ang naging priority project ko.

"Nakakatulong ako... ang sarap mag-entertain ng ating mga kabarangay kung kahit paano, maayos ang ating barangay hall.

“Kaya yun ang isa sa naging achievements namin.

"Nakapagbigay rin kami ng mga patubig.

“Kumbaga, ang ibinigay sa aming posisyon, board member, pero ang naging kilos namin, board member, parang congressman.”

Natawa naman si Gary nang biruin namin kung preparasyon na ba niya ang huling eleksyon para sa pagtakbo niya bilang governor o congressman.

“Hindi naman, hindi naman!”

Isa pa sa ipinagmamalaki ni Gary ay ang industriya ng turismo sa Quezon.

Kung magbobotohan nga raw sila ng mga kasamahan niya, gusto niyang hingin ang komite ng turismo dahil marami raw silang magagandang tanawin sa probinsiya.

“May ilog kami doon na napakaganda, ang puti-puti.

“Sa amin din ang Balesin Island, although hindi ko sakop yun, pero Quezon pa rin…

"Villa Escudero... ang dami, actually.

“Plano kong kunin ang turismo [committee] ng Quezon para mai-promote.

“Hindi lang sa tanawin mayaman ang Quezon, pati sa mga pagkain.”



COLLEAGUE RICHARD GOMEZ. Bago naluklok sa puwesto si Gary ay dalawang beses siyang natalo sa eleksyon.

Kaugnay nito, tinanong ng PEP si Gary kung ano ang masasabi niya kay Richard Gomez na sa ikatlong pagkakataon ay nabigo sa kanyang kandidatura?

Tumakbo si Richard bilang mayor ng Ormoc City ngunti natalo.

Sagot ng dating matinee idol, “You know what, I called him nga…

"I feel sad. Kasi, unang-una, he prepared for it. This time around, naghanda naman siya.

"He’s a good friend of mine. Bibisitahin ko nga.

“Ako’y nalulungkot. Unang-una, maganda ang intensiyon ni Goma and I think, malaki ang magagawa niya bilang alkalde with all his ideas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang problema siguro, hindi nakaguhit sa kapalaran niya itong 2013.”

May mga nagsasabi namang baka hindi para kay Richard ang pulitika. Maipapayo ba ni Gary, bilang kaibigan, na tumigil na ito sa pagtakbo?

Tugon niya, “Hindi, hindi ko masasabi sa kanya yun—huwag siyang susuko.

“Kapag lalaban ka, tuluy-tuloy ang laban—that makes you better.

“At saka, siya lang ang makakapagsabi sa sarili niya kung tama na, tama na.

“Walang taong makakapagsabi sa kanya nun kundi sarili niya.

“And if you’ll ask the opinion of a friend, I will tell him to continue with the fight—he will just get there."

Kuwento pa ni Gary, “Meron sa amin, mayor ng Tiaong… he ran five times, he lost five times, and on the sixth try…

“Yun, hindi na siya mapalitan ngayon!”



LOW PROFILE. Nabanggit ni Gary na hindi siya ang tipo ng pulitiko na may mga naglalakihang tarpaulin o larawan na nagkalat sa lugar na nasasakupan.

Ano ang masasabi niya sa kanyang kapatid na si Governor ER Ejercito na maraming naglalakihang tarpaulin at billboards sa Laguna? Magkaiba lang kaya sila ng strategy?

Sabi ni Gary, “Hindi ko lang alam. Siguro he has his own or it works for him.

"Para sa akin kasi, e, you know me, my entire career, hindi ako mahilig.

“Kung puwede nga lang nating iwasan ang ganoong istilo ng publicity, puwedeng iwasan.

“You know me guys, hindi ako ganoon.

“Kung puwede nga lang na simple, tahimik na strategy. Magkakamay tayo, magkakainan...

“Si Gorio [palayaw niya] pa rin ito, hindi pa rin nagbago. ‘Eto pa rin ang pananaw ko sa buhay ko.

“Hindi kasi ako mahilig… I’m forced to lang.

"Makikita mo ang unang display ko ng tarpaulin, ang mukha ko, ang liit lang.

“I wanted to show people that we work, to show them na yung pinagkatiwala sa akin na bokal, pero ang kilos ko, gobernador.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SHOWBIZ CAREER. Matagal-tagal na rin ang huling proyektong ginawa ni Gary bilang artista—ang afternoon soap ng GMA-7 na Kokak (2011).

Talaga bang nasa pulitika na ang puso niya ngayon?

Tugon niya, “Actually hindi. Kasi, kung ako ang tatanungin mo, ang career ko, pag-aartista.

“Kung gusto mong maging corrupt ako, e, di mag-pulitika na tayo habang-buhay.

“And to be honest with you, sa posisyon ko, wala ka namang funds, walang ano…”

Si Gary ay nasa pangangalaga ni Arnold Vegafria.

Nagbiro pa nga ang aktor na baka raw puwedeng bulungan ang mga network na puwede na siyang magtrabaho.

Sabi pa niya, “Ako ay gustung-gusto ko nang magtrabaho.

"Actually, when I won the first term, I missed acting.

“If you’ll ask me, my career pa rin talaga is pag-aartista… ang karera ko talaga, pag-aartista.”

Hindi ba siya mapili sa mga projects o roles?

“Hindi naman, ang sa akin lang, I just have to know the role and yung mga kasama ko.”

Tuwang-tuwa nga si Gary dahil yung ginawa raw nila noon na episode ni Rosanna Roces sa Maalaala Mo Kaya (2012) ay nag-trending pa raw.

Natatawang sabi niya, “Naisip ko nga, ’May manonood pa ba sa amin?’

“Biruin mo, magugulat ka, ilang beses akong pinakiusapan ni Arnold na gawin ko yun.

“Dalawang beses kong tinanggihan to do the project.

“Tapos, hanggang sa ang ginawa nila Arnold, tinanggap ang project nang hindi ko alam… silang dalawa ng asawa ko… napakawalanghiya!

“Pero luckily, noong tinanggap nila, noong umuwi ako ng Manila, diretso pala akong taping.

“At ang nakakatuwa, buti tinanggap nila. Marami pa rin palang nagmamalasakit sa akin.

“The story is very simple… reunion ng high school.

“Napakasimple ng kuwento pero marami pa rin palang nagmamahal sa amin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN