Sherilyn Reyes denies forbidding ex-husband Jun-Jun Santiago to see their son

Mariing pinabulaanan ni Sherilyn Reyes-Tan na ipinagkakait niya ang panganay na anak sa tunay na ama nitong si Jun-Jun Santiago. Wika ng aktres: “I leave that decision to my son. Ayokong makialam sa gusto niya—sa nararamdaman niya.”


Nagulat at nagtaka si Sherilyn Reyes sa mga lumalabas na balitang ipinagkakait daw niya ang anak niyang si Paoie sa ama nitong si Jun-Jun Santiago.

May nagparating daw kay Sherilyn tungkol sa balitang ito na mabilis namang pinabulaanan ng aktres.

Dating kasal si Sherilyn kay Jun-Jun Santiago—kapatid ng showbiz personalities na sina Randy, Rowell, at Raymart Santiago.

Nagpakasal sila noong 1997 ngunit naghiwalay rin noong 2001 pagkatapos ng apat na taong pagsasama.

Nagkaroon sila ng isang anak, si Reily Paolo o Paoei, na 15 years old na ngayon.

Na-grant ang annulment nina Sherilyn at Jun-Jun noong 2008.

Pagkaraan ng apat na taon, December 2012, ikinasal si Sherilyn sa long-time boyfriend nito—ang basketball player na si Chris Tan.

May dalawa silang anak—sina Quirsten (11 years old) at Anya Sabrina (1 year old).

SURPRISED. Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine ntertainment Portal) si Sherilyn sa taping ng Kakambal ni Eliana sa Heroes Hills Subdivision, Quezon City, binigyang-linaw niya ang isyu tungkol sa dating asawa.

Pahayag niya, “Sa totoo lang, nagulat naman ako. Saan naman nila nakuha ang balitang ‘yan?

“Noong una, natawa lang ako kasi parang, ‘Joke ba ito?’

"Pero noong may ilang tao na nagsasabi sa akin, teka, parang seryoso na ito.

“Parang hindi lang ito basta nasulat lang—may pinanggagalingan.

“Actually, nagugulahan ako kung bakit may ganitong lumalabas ngayon.

“Tahimik ang pamilya ko… hanggang maaari, I don’t want my kids to be involved sa ganitong usapan.

“Nakakapagtaka lang kung bakit may ganito ngayon.

“Hindi naman dapat, di ba? I mean, puwede naman akong kausapin nang direkta at hindi na idaan sa ibang tao.

“It’s sad because parang pinapalabas na may problema ako, na sa totoo lang, walang problema at all,” diin ni Sherilyn.



CHILD’S DECISION. Ayon kay Sherilyn, hindi niya pinipigilan ang kanyang anak na si Paoei na makita ang tunay nitong ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lagi nga raw niyang tinatanong ang anak kung gusto nitong puntahan ang kanyang ama, na isa na ngayong executive sa ABS-CBN.

Pero ang bata raw ang nagsasabing ayaw nito.

Saad ni Sherilyn, “Hindi ko naman puwedeng pilitin ang anak ko sa isang bagay na ayaw pa niyang gawin, di ba?

“Bilang ina naman, I want to protect my children.

"Pero never ko naman nagawang siraan kay Paoie ang tunay niyang ama.

“I never said anything bad against his father.

“Lagi kong sinasabi sa anak ko na sabihin lang niya kung kailan niya gustong makita ang daddy niya at ako pa ang magdadala sa kanya.

“I leave that decision to my son. Ayokong makialam sa gusto niya—sa nararamdaman niya.

“If he feels na he’s not ready, then he’s not ready.

"That’s my son’s decision para sa sarili niya.

“Kaya unfair naman yung sabihin nila na ipinagdadamot ko ang anak ko… hindi naman tama iyon, kasi it’s not true.”



CHANGE SURNAME. Marami ang nag-akala na in-adopt na ng mister ni Sherilyn na si Chris Tan si Paoie para maging “Tan” na ang apelyido nito.

Pero itinanggi ito ni Sherilyn.

Aniya, “Paoei grew up na si Chris na ang lagi niyang nakikita at nakakasama.

“Chris treats Paoei na parang panganay na namin… he loves my son na parang tunay niyang anak.

“Naisip na rin namin yung gawin nang “Tan” si Paoei, pero ako na rin ang nagsabing huwag na lang.

“Para wala na ring problema and, of course, out of respect sa pamilya ni Jun-Jun.

“Isang Santiago ang anak ko and he will remain as one.

“Si Chris naman, he is okay with that—as long as walang magiging problema.

“Para naman kay Chris, eldest niya si Paoei at mahal na mahal niya ito.”



SHOWBIZ KID. Dahil teenager na si Paoei, wala ba itong balak na pasukin ang showbiz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Guwapo at matangkad si Paoei at puwede itong i-buildup na isang matinee idol kung papasukin nito ang showbiz.

Sabi ni Sherilyn, “Actually, bata pa lang si Paoei, marami na ang gustong kunin siyang mag-artista.

“Pero mas gusto kong mag-concentrate siya sa school.

“Tsaka, depende ‘yan sa anak ko… kung gusto niya, kailangan pa rin ng consent ng father niya.

“Ayokong magdesisyon sa mga gagawin ng anak ko without letting his father know.

“Kita ninyo naman, kasama parati si Jun-Jun sa anumang desisyon ko with Paoei, tapos palalabasin pang ipinagdadamot ko ang bata.

“Ang weird, di ba? Parang bigla na lang may ganyan.

“Sa totoo lang, nakaka-stress!” tawa pa niya.



CREDIBLE KONTRABIDA. Ayaw namang sisihin ni Sherilyn ang sunud-sunod na paglabas niya bilang kontrabida sa TV kung bakit may ganitong impression sa kanya ngayon.

Sabi niya. “Seryosohin ba nila, e, trabaho lang naman itong ginagawa ko?

“Hindi naman porke’t nagsusungit at tumatalak ako sa TV, e, ganoon na ako in real life.

“Huwag naman literal at marami ang nakakakilala sa akin at malayung-malayo ako sa mga ginagampanan ko sa TV na ganid, suwapang, mataray, at bungangera.

“Magaling lang siguro ako at napapaniwala ko sila!” tawa niya ulit.

Pinuri nga ni Jean Garcia si Sherilyn dahil sa realistic na pag-arte nito bilang kontrabida.

Sa Kakambal ni Eliana ay nagkaroon ng matinding confrontation scene ang dalawa kunsaan kinabahan nang husto si Sherilyn.

Kuwento niya, “Kasi naman, kailangan kong sampalin si Ms. Jean!

“Naku naman, e, idol ko ‘yan! Parang hindi ko magagawa yun sa paborito kong kontrabida.

“E, kasi nga, ako ang kontrabida at si Ms. Jean ang mabait sa show, kaya kailangan daw masaktan ko si Ms. Jean. As in!

"Kinabahan talaga ako noong sabihin sa akin na may ganoon akong eksena.

“Kahit na matagal na kaming magkakilala ni Ms. Jean, ngayon ko lang siya talaga nakasama sa isang teleserye, tapos magkaaway pa ang roles namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bago nga kunan yung eksena, nag-usap kami at sinabi ko na kinakabahan ako.

“Sabi naman ni Ms. Jean na okay lang, basta magawa lang daw namin nang maayos yung eksena in one take, makakaraos kami pareho.

“Kaya buti na lang at one take lang yun. Pero sobra kong niyakap si Ms. Jean at nag-sorry ako agad.

“Natawa lang siya at sinabi niyang masanay na raw ako dahil marami pa kaming gagawing eksenang tulad noon.

“Basta huwag lang daw ako ma-carried away dahil baka makasakit talaga ko.

“Promise ko naman na always in control naman ako.”



BAD INFLUENCE. Careful din si Sherilyn dahil may one-year-old daughter siya na baka ma-trauma kapag napanood siya sa kanyang pagiging kontrabida.

“As much as possible, ayokong papanoorin si Eia ng mga shows na nagsusungit at tumatalak ako.

“Baka isipin niya na lukaret ang mommy niya!

“Kasi naman, madalas pa naman na pinagsusungitan ko ay mga bata… baka naman pagtaguan na ako ng anak ko.

“Sila Paoei at Quirsten kasi, sanay na sila sa mga ginagawa ko. Alam nilang acting lang at hindi na sila affected.

“Itong baby girl ko ang iniingatan ko. Kapag talakera ang role ko sa isang show, binibilin ko na huwag ipapanood kay Eia.

“Pero kapag mga guestings ko sa mga tulad ng Mars or Kusina Master, puwede ‘yan sa baby girl ko.

“Huwag lang talaga yung nagtataray at nanlilisik ang mga mata ko sa TV!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN