Derek Ramsay denies calling Sam Milby "gay"; Sam says Derek will not say anything like that to him

Tinuldukan na nina Derek Ramsay at Sam Miby ang isyu tungkol sa kanila, kung saan tinawag diumanong "gay" ni Derek si Sam. Pinabulaanan na ito ni Derek at personal na rin daw niyang tinawagan si Sam upang linawin ang isyu.


Kumakalat ngayon ang balitang tinawag diumanong "gay" ni Derek Ramsay si Sam Milby.

Nag-ugat ang isyu sa pagitan nina Derek at Sam nang maging paksa ito last week sa radio program nina Jobert Sucaldito at Ahwel Paz sa DZMM na Mismo.

Kuwento raw kasi ng isang source ni Jobert, nagpapa-impress daw si Derek sa isang singer-actress.

Nang malaman daw ni Derek na malapit ang singer-actress kay Sam, sinabi raw ni Derek sa singer-actress na, “Why Sam? He is gay.”

Ayon naman sa panayam ni Sam na lumabas sa abs-cbnnews.com ngayong araw, May 22, tinawagan na raw siya ni Derek upang personal na linawin ang isyu.

Naniwala naman daw ang Kapamilya star na hindi totoo na sinabi iyon ng Kapatid star.

Dagdag pa ni Sam, matagal na niyang kilala si Derek at hindi raw ang tipo nito ang magsasalita ng ganun.

Kuwento ng Fil-Am actor-singer, “Siya ang tumawag sa akin.

"When he was explaining to me, natuwa ako kasi I know he wouldn’t say anything like that.

"Derek, I’ve known him for a long time.

"He knows me, he knows what I am, he knows what I’m not, so I know he wouldn’t say anything like that.”

Natuwa rin daw siya na kaagad nilinaw ni Derek sa kanya ang isyu.

Sabi ni Sam, “Even if he didn’t call me and I heard about it first, I wouldn’t have believed na he will say something like that.

"I know Derek. I know Derek is one of those guys who will be there for me. He’s a good friend.”

May idea kaya siya kung saan nanggaling ang ganitong klaseng isyu?

Sagot ni Sam, “I have no idea. I can’t think of anybody who can say that.

"Ganun talaga sa showbiz. You have issues that come out. Some of these you just have to laugh at kasi ganun talaga sa showbiz.”




"NO TRUTH TO THIS." Samantala, sa pamamagitan ng direct messaging sa Twitter, nagbigay na rin ng pahayag si Derek sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa isyu sa kanila ni Sam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “It’s not true. Jobert Sucaldito apologized about this already. Kaibigan ko si Sam and we spoke about it.”

“There is no truth to this.”



Sa pakikipag-usap naman sa telepono ng PEPkay Jobert, sinabi nitong gusto lang niyang protektahan ang "anak-anakang" si Sam tungkol sa nasabing isyu.

Kinumpirma nitong nagkausap na nga sila ni Derek at pinabulaanan daw ng aktor ang isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN