Michelle Madrigal on artists leaving GMA-7: “Pag umalis sila, dito lang ako... tiyak may show ako!”

Ayon kay Michelle Madrigal, sa puntong ito ng kanyang career ay wala pa siyang balak umalis ng Kapuso network. Sabi niya, “Yung lilipat or parang gusto ko nang iwan yung network, hindi ko iniisip. Parang sa akin, hangga’t may kontrata ako, and habang binibigyan nila ako ng projects, masaya ako.”


Hindi ikinaiinis ni Michelle Madrigal kahit pantay na halos ang role nila ni Bela Padilla sa Love & Lies ng GMA-7.

Noong umpisa, lumalabas na si Michelle ang leading lady ni Richard Gutierrez sa soap opera, pero ngayon ay lumalabas na bida na rin si Bela.

Sabi ni Michelle sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Okay naman sa akin.

“Ako naman, every show na ibinibigay sa akin, lagi naman akong grateful.

“And every opportunity, ang ginagawa ko lang talaga yung best ko talaga, para mapansin nila yung performance ko.

“Sa akin, hindi naman yun kung sa billing or kunyari, siya yung bida, pero kung hindi naman maganda ang performance mo...

“Kung hindi mo naman gagalingan, para sa akin balewala lang din, di ba?

“So, mas importante sa akin na mapansin ng GMA yung performance ko bilang artista nila kesa yung, ‘Ay leading lady ka na!’ or ganito-ganyan.

“Basta nabibigyan ko ng justice yung bawat role na ibinibigay nila sa akin...

“And pag nakikita nila ako, ‘Uy, congratulations, ang galing mo!’ masaya na ako doon.”



BIG BREAK. Maituturing ba na ang role ni Michelle bilang si Cathy sa Love & Lies ang pinakamalaking break niya sa kanyang career?

Sagot niya, “Yes. After ng Kung Aagawin Mo Ang Langit, iyon una yun, yung kaming dalawa ni Carla [Abellana].

“And then after that, yung Faithfully na five naman kaming girls, and then ito.

“Yung Temptation of Wife, parang baliw-baliwan lang ako doon e.

“Parang dumaan lang ako doon para manggulo nang slight dahil halos two to three months lang ako nandodoon.”

Ang tinutukoy ni Michelle ay ang papel niya bilang si Chantal sa Temptation of Wife.



MARIAN RIVERA. And since nakatrabaho niya si Marian Rivera sa Temptation of Wife, tinanong ng PEP si Michelle kung ano ang reaksiyon niya sa balitang aalis na diumano sa GMA-7 si Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Hindi ko nga alam kung tototo ba iyon o hindi.

“Sa akin naman, nanghihinayang ako kung totoo yun.

“Kasi, si Marian isa sa pinakamagaling na artista natin ng GMA... and sana, hindi.

“Kasi, gusto ko pa rin siyang makatrabaho pa and, iyon nga, gaya ng sinabi ko, isa siya sa pinakamagaling na artista ng GMA.

“Nakakapanghinayang kung mababawasan na naman ang GMA ng magaling na artista.”

NETWORK TRANSFER Nakakontrata pa si Michelle sa GMA-7 hanggang ngayong taon. Paano kapag ilipat siya ng talent manager na si Annabelle Rama sa ibang istasyon kung natapos na ang kontrata niya?

“Bakit?!” natatawang tanong ni Michelle.

Si Richard Gutierrez na “kapatid” niya sa pangangalaga ni Annabelle ay nababalitang lilipat na sa ibang network kapag natapos na ang kontrata nito sa GMA-7.

Sabi ni Michelle tungkol dito, “E, sila yun na mga patapos na ang contract.

"E, ako, hindi ko muna iniisip yun...

“Matagal pa, halos mga November-December.

"So siguro, ako ano na lang... masaya kasi ako dito, e.

“Yung lilipat or parang gusto ko nang iwan yung network, hindi ko iniisip.

“Parang sa akin, hangga’t may kontrata ako, and habang binibigyan nila ako ng projects, masaya ako.

“So wala namang reason for me to leave.”

Ayaw na ba niyang bumalik sa ABS-CBN, kung saan siya nagsimula sa artista search na Star Circle Quest?

Sagot ni Michelle, “Hindi naman sa ayaw... kasi maliit naman ang mundo natin.

“Like ikaw, siyempre at some point, pag naging comfort zone mo na ito for a few years, gusto mo na namang mag-try ng bago.

“So, lilipat ka na naman, either ng [TV]5 or [ABS-CBN]2.

“E, tatlo lang naman ang network natin, so at the end of the day, makakatrabaho mo lahat.

“So, sa akin right now, hindi ko talaga iniisip yung lilipat or kung anuman... hindi pa sumasagi sa isip ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORK HARDER. Sa batch nila sa Star Circle Quest, isa si Michelle sa aktibo pa rin hanggang ngayon.

Kasabayan niya noon ang nanalong si Hero Angeles; ang runner-up na si Sandara Park, na miyembro na ngayon ng K-Pop group na 2NE1; at sina Roxanne Guinoo, Joross Gamboa, Melissa Ricks, Joseph Bitangcol, Neri Naig, Errol Abalayan, at Raphael Martinez.

Sabi ni Michelle, “Kaya Lord, thank you! Lagi kong ipinagpapasalamat yun lagi.

“Siyempre, looking back sa mga nangyari, parang ako, iniisip ko talaga, sabi ko, hindi naman siguro ako tatagal kung wala akong ginagawang tama, di ba?

“Feeling ko naman, like weekly, nakikita natin ang ABS, ang GMA, ang TV5, naglu-launch ng bagong artista.

“So, kaya ako, every time, natsa-challenge talaga ako to perform well.

“Na hindi ako puwedeng magpatalo sa iba dahil baka mawalan ako ng trabaho.”

At hindi naman siya nawawalan ng projects.

“So, iyon nga, grateful ako na hanggang ngayon binibigyan ako ng GMA ng work.

“And ngayon nga, with Love & Lies, I’m very thankful na iyon, parang ako yung wife ni Richard so happy ako.”



NO REGRETS. Wala raw pagsisisi si Michelle na lumipat siya sa GMA-7 mula sa ABS-CBN.

Aniya, “Oo naman, and kahit naman yung nasa ABS ako, kung anuman yung mga naging shows ko doon, masaya din naman ako.

“And then, noong lumipat, siguro dahil mas konti yung artista ng GMA, mas nabibigyan ka talaga ng opportunties to perform, na mabigyan ng show.

“Kasi, pag panghapon, maganda ang ratings natin, di ba? And pag nagustuhan ka nila, ilu-launch ka nila, and then sunud-sunod.

“Sa akin siguro, sobrang naging suwerte ko talaga yung Kung Aagawin Mo Ang Langit.

“Kasi, simula noong ibinigay sa akin yun, nagtuluy-tuloy na yung shows ko.”

At ngayon ay may balitang mababawasan pa ang mga artista ng GMA-7 dahil lilipat na ang ilan sa kanila sa ibang networks. Ano ang reaksiyon dito ni Michelle?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iyon nga iniisip ko, e. Sabi ko, ‘Lord, hindi talaga ako aalis ng GMA. Umaalis silang lahat, e, dito lang ako.

“Siyempre, pag umalis sila, dito lang ako—tiyak may show ako!

“Wala silang magagawa kundi bigyan ako ng show dahil konti na lang kami!” natatawang sabi ni Michelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN