Michelle Madrigal on FHM Sexiest Women poll: “Wala sa isip ko na dapat ako yung sexiest woman sa Philippines.”

Tahimik ang lovelife ngayon ni Michelle Madrigal dahil abala raw siya sa kanyang trabaho. Sabi niya, “Oo, masaya naman ako ngayon. Kaya masaya ako na sakto lang na hindi masyadong pinag-uusapan, kasi malaki na talaga ang ipinagbago ko.”


Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Michelle Madrigal tungkol sa ranking niya sa FHM poll ng Sexiest Women of 2013.

Sagot niya, “Hindi ko alam, e.

"Alam mo, yearly, pag tinatanong sa akin ‘yan, hindi ko talaga alam.

“Kasi, hindi ko ano... nagpo-promote ako, pero hindi ako yung every day na, ‘Please vote for me!’

“I’m just saying na wala namang masama to promote yourself, kasi siyempre, kung nag-number one ka na, parang ikaw, gusto mo pa rin... gusto mo number one ka ulit. Wala namang masama doon.

"It’s just for me, magpo-promote ako paminsan-minsan, pero hindi siya yung laging nasa isip ko na kailangan mag-number one ako.

“Wala sa isip ko na dapat ako yung sexiest woman sa Philippines.”



NO REST DAY. Ngayong malapit nang magwakas ang primetime series nilang Love & Lies, ano ang masasabi ni Michelle na pinamakahirap na eksena para sa kanya?

“Alam mo, sa totoo lang, ngayon pa lang ako nagte-taping ulit ng talagang tuluy-tuloy.

“Kasi, di ba, na-kidnap ako, parang pag isang araw, doon lang ako. And then puro sila na naman, sila yung ikut-ikot.

“Ako, ngayon lang ako ulit nagte-taping.

“Hindi ko pa nae-experience yung halos puyat na puyat, na antok na antok, na tuluy-tuloy.

“Sila, nagawa na nila, e, yung like dati nag-Monday, Tuesday, Thursday, and Friday, halos every day sila.”

Nagrereklamo ba siya nakakaunti lamang ang taping days niya?

“Hindi ako nagrereklamo,” mabilis na sagot ni Michelle.

“Kasi iyon yung nasa script talaga so hindi ko pa nae-experience yung, ‘Hoy, gusto ko nang matulog!’

“Ako, nasobrahan naman ako sa tulog!”



WHAT IF? Sumunod naman naming kinumusta kay Michelle ang lovelife niya.

“Okay lang. Love and lies. Charot!” natatawang sagot niya.

Nagsinungaling na ba siya sa ngalan ng pag-ibig?

“A, hindi, joke lang yun!”

Sa Love & Lies, may parte ng istorya na kinidnap siya, kaya may nagbiro kay Michelle, paano kung kidnapin siya ng ex-boyfriend niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Huwag namang ganyan, nakakaloka! Ipakidnap ba ako?” tawa na naman niya.

Halimbawa, kidnapin siya ni JC de Vera?

“Bakit ako ipapakidnap ni JC de Vera, o ni Jon Hall? Bakit nila ako kikidnapin?” sabay-tawa ni Michelle.



BETTER. Masaya raw ang lovelife ni Michelle.

“Oo naman, love and career, masaya naman ako.”

Walang lies?

“Wala naman, wala na, tapos na ang lies.”

Sa mga past relationships niya?

“Oo, tapos na ang lies!” at muling tumawa si Michelle.

“Oo, masaya naman ako ngayon.

"Kaya masaya ako na sakto lang na hindi masyadong pinag-uusapan, kasi malaki na talaga ang ipinagbago ko.

“Kung dati puro lovelife ang ikinukuwento ko lagi dati, e, kasi, iyon din naman ang questions lagi sa akin before.

"Dahil siguro bata pa ako, tapos... alam mo yun?

“Kasi ngayon, I’m getting bigger roles kaya mas iniisip ko ang career.

“Kaya parang ang lovelife, okay na sa akin ang hindi masyadong pinag-uusapan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN