Geleen Eugenio denies Party Pilipinas was axed because of Ogie Alcasid and Regine Velasquez

Ipinagmamalaki ni Geleen Eugenio ang mga tao sa likod ng defunct musical-variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas. Sabi ng choreographer, “The artists we have are the best... the dancers are the best. Mataas ang respeto ko sa aming mga directors... our executive producers are the best.”


Si Geleen Eugenio ang dance directress ng musical shows ng Kapuso network, kabilang na ang kasasara lang na Party Pilipinas.


Inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Geleen ang kanyang saloobin tungkol sa pagwawakas ng musical-variety show ng Kapuso network.

Aniya, “To all of us naman ay malungkot, e.

“I know and I trust this network that it will have a better show to come.

“And the artists will have a better place and sana ay dito pa rin.

"It’s just a matter of trusting the network and the bosses, ’coz you know, in every home, the parents know best.”

Balitang ang papalit sa Party Pilipinas ay ang musical-game show na Sunday All Stars (SAS).

Totoo bang may mare-retain pa rin sa artists ng Party Pilipinas, o ibang mga mukha na ang mapapanood sa kapalit na show?

Sabi ni Geleen, “That I do not know, I really don’t know.

“Basta for sure, the network has something good to do and fulfill.

“Ang GMA ay mahal kami, kaya nga Kapuso. It’s just trust."

Sa palagay ba ni Geleen ay dapat na ngang tapusin ang Party Pilipinas?

Tugon niya, “It’s a matter of being positive din.

"Sabi nga, you can’t have everything. It maybe long or short... I just trust the network.

“It’s like a home. It’s our home. Like for me, it’s home to me for like... eighteen years?

“So, in every home, dapat mong pagkatiwaalan ang iyong nanay at tatay.

“We are in a network—at yun ang pananaw ko.”



BIG SURPRISE. Hindi raw handa ang mga involved sa Party Pilipinas na mawawala na kaagad ito sa ere. Ano ba ang dahilan at isinara na ito?

Sabi ni Geleen, “We don’t know... we don’t know. There’s a reason for it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung anuman ang desisyon ng network, susunod lang ako... nirerespeto ko.

“God has plans, we just continue our dreams.”

May kinalaman ba ito sa balitang si Ogie Alcasid ay lilipat sa TV5 at susunod naman ang asawa nitong si Regine Velasquez?

Sabi ni Geleen, “Definitely not. Hindi ganoon ang network.

“Yung sabi nila na damay-damay, hindi ganoon ang GMA-7.

“Ang network naman ay laging may plano, hindi naman sila nagpapabaya.

“Kasi, look... kung hindi ganoon ang network, hindi ako magtatagal nang ganito.”

Dugtong niya, “Ako, alam mo naman na ang dami ko na ring pinagdaanan na ganitong situation.

“Like, mga thirty-six years na ako sa trabahong ito. Napunta na ako ng Channel 2, Channel 9, 4, at here na nga sa 7.

“It’s like noong dumating ang millenium, parang na-stock na kami sa iisang network.

“Dito kasi, kaya ako tumagal, kasi they know how to respect their artist.

“They know where to put them... so let’s just wait and leave it to them.”



UNCOMPETITIVE. Affirmation ba ang pagkawala ng Party Pilipinas na mas kinikilala at mas marami ang mga nanonood sa katapat nilang programa, ang ASAP ng ABS-CBN?

“No, hindi ako naniniwala diyan,” mariin niyang sagot.

“I know that Party Pilipinas was a good show.

“The artists we have are the best... the dancers are the best.

“Mataas ang respeto ko sa aming mga directors... our executive producers are the best.

“And I belong to the best.”



COMPARISON. Ano ang pakiramdam ni Geleen na nakukumpara siya sa choreographer ng G-Force na si Teacher Georcelle, na siya ring choreographer sa ASAP?

Paglilinaw ni Geleen, “A, hindi, mas matagal ako sa kanya.

“I am the dance directress and they are choreographers.

“Being a dance directress ay malayo yun sa kinauumpisahan pa lang ng mga choreographers ngayon.

“So, hindi... not to be compared.”

Dugtong pa niya, “I hardly choreograph now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For the past four years, I do more on the technical side of the performances of the artists.

“And our choreographers now are the young choreographers who studied ni Los Angeles, San Francisco... which includes my son, Miggy, who is also US-based.

“So there’s no question about choreography being back... late.

“Choreography in GMA is still number one.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN