Barbie Forteza plays kontrabida in Anna Karenina remake; releases self-titled music album.

Barbie Forteza on her new music album: “Kasi, binigyan nila ako ng chance para magawa ko yung isa sa mga pangarap ko talaga... na akala ko hanggang pangarap na lang! Kasi, medyo hindi maipaliwanag ang aking boses!”


Sa kauna-unahang pagkakataon ay mapapanood si Barbie Forteza na gumanap ng role na may pagka-kontrabida.

Ito ay sa remake ng Anna Karenina ng GMA-7 kung saan gaganap siya sa papel na Karen.

“Pero yung character ni Karen, hindi siya yung typical na kontrabida kundi ano siya… babaeng bakla,” sabi ni Barbie.

Kinumpirma niya ito nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa new building ng GMA Network last Sunday, May 19.

Sabi pa niya, “Kasi yung mommy ni Karen, ganoon. So namana niya yung ganoong personality.

“Tapos, wala rin siyang masyadong pinag-aralan.”



UNTYPICAL. Bago at talagang kakaibang role ito para kay Barbie kumpara sa mga nauna niyang ginampanan na mabait at laging umiiyak dahil inaapi.

Tapos, biglang mapapanood siya portraying a character na palaban.

“Oo nga, e,” kumpirma niya.

“Hindi nga ako makapaniwala nang sinabi sa akin na ako si Karen.

“Pero masaya ako, kasi unang-una—for a change.

“Kasi, as much as possible, ayokong hintayin ko pang magsawa yung mga manonood sa akin.

“Na lagi na lang akong umiiyak, lagi na lang ako talunan.

“Gusto ko naman ngayon, sa bawat show, ibang Barbie lagi yung makikita nila.

“E, parang ang hirap nang baguhin ng atake sa lahat kung parati at halos pare-pareho lang yung role mo.

“So ngayon, masaya ako dahil napaka-challenging noong role,” saad niya.

Ipinagmamalaki rin ni Barbie ang tulong at paggabay ng kanyang batikang director na si Direk Gina Alajar.

“At saka excited ako kasi si Direk Gina yung director namin.

“So confident ako na merong magga-guide sa akin bilang bago nga ako sa pagganap bilang kontrabida.

“Tantiyado na ako ni Direk Gina at saka madali, kasi, kaibigan ko lahat ng mga katrabaho ko.

“Kumbaga, alam nating lahat na walang personalan.

“Kasi, ngayon madalas ang mga kontrabida, may mga sakitang pisikal sa mga eksena,” paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOVETEAMS. Dalawa pang mga young stars ang makakasama ni Barbie at ang bawa’t isa sa kanila ay may mga ka-loveteam.

Sabi niya, “Makakasama ko rito bilang mga lead din si Krystal Reyes bilang si Anna at si Joyce Ching naman po si Nina.

“Ka-loveteam ko po dito si Derrick Monasterio.

“Ang ka-partner po ni Joyce, si Hiro Magalona, tapos, si Julian Trono naman ang kay Krystal.

“Si Maureen Larrazabal naman po ang gaganap bilang nanay ko,” dagdag niyang kuwento.

Nakatakdang mapanood ang Anna Karenina very soon kasunod ng 24 Oras.

“Masaya raw si Barbie na balik-primetime ulit siya after ng Luna Blanca.

Ikinatutuwa rin niya na sila ulit ni Derrick ang magkatambal.

“Pang-third na namin itong sa Anna Karenina.

“Uhm… masaya! Masayang kasama si Derrick.

“Kasi, ano siya, e… hindi siya yung mayabang na…

“Kumbaga, hindi siya nahihiyang magtanong kung okay lang ba kung ganito o ganyan ang gagawin niya sa eksena.

“Lagi siyang nagtatanong kung komportable ka ba. Alam mo yun?

“At sa sobrang komportable na namin sa isa’t isa, natatantiya namin o kaya…

“Kumbaga, close kami para itanong yung mga bagay na medyo nakakailang. Ganyan…

“Ayun! Kaya masaya siyang katrabaho, kasi nga, kaibigang-kaibigan ko na siya talaga,” pagmamalaki niya sa ka-loveteam.

RECORDING ARTIST. Isa pang ikinai-excite ngayon ni Barbie ay ang pagkakaroon niya ng album—recording artist na rin siya ngayon.

“Well, hindi ko naman talaga masasabing professional singer ako!” sabay tawa niya.

“Iyon nga ang isang ipinagpapasalamat ko sa GMA at sa MCA Music.

“Kasi, binigyan nila ako ng chance para magawa ko yung isa sa mga pangarap ko talaga.

“Na akala ko hanggang pangarap na lang!” sabay tawa ulit ni Barbie.

“Kasi, medyo hindi maipaliwanag ang aking boses!” birong sabi pa ng Tweenstar.

“Pero bilang… pinush ko naman, at bilang pinagkatiwalaan naman ako ng MCA Music at ng GMA…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Talagang pinagsikapan ko na kahit papano ay umayos yung boses ko! Ha-ha-ha!”

May pressure ba ang pagpasok na rin niya sa recording?

Na kailangan, kagaya ng iba ay maka-gold o platinum record award din dapat ang album niya?

“Hindi. Kasi nga… ako, thankful ako kasi kahit papano binigyan ako ng chance para magkaroon ng album.

“Pero, never ko namang pinangarap na magkaroon ng ganyang record award.

“Actually, okay na sa akin na meron akong album.

“Nagulat nga ako dahil hindi ko inakala na magkaka-album ako.

“Basta I was told na parang magmi-meeting daw with MCA Music.

“Sabi ko… ’Ha? Bakit?’

“Tapos, seryoso silang lahat. Nakikipag-usap sila sa amin, hindi ko sila maintindihan na… totoo ba sila?

“Gagawin ba nila talaga akong recording artista?” tawa ulit niya.

“Kaya… tuwang-tuwa ako talaga—dream come true for me!” natutuwang sabi ni Barbie.

IN THE OFFING? Kasunod kaya ng kanyang self-titled album ay ang pagko-concert na rin?

“Ayyy!” natawang tili ni Barbie.

“Hindi po. Hindi naman aabot sa ganoon.

“Katulad po ng sinabi ko, hindi naman po ako professional singer para magkaroon ng mga ganyang bigtime na events.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN