Nadine Samonte confirms having a boyfriend; asserts: “Kung masasabi kong in love ako, e di, nandoon na yung ano, na parang kami na… may ganoon na nga sa stage na yun.”

Halatang in love na nga si Nadine Samonte. Pahayag niya: “Yung may mababasa lang ako na text na, ‘Good morning, my life. Good morning, my happiness, di ba?’ Di ba parang ang sarap ng gising mo?”


Kabilang si Nadine Samonte sa mga nag-perform sa kakatapos na Nora at 60 birthday tribute para kay Superstar Nora Aunor na ginanap sa Meralco Multi-Purpose Hall noong Martes, May 21.

Sumayaw si Nadine kasama ang iba pang mga TV5 artists na sina Edgar Allan Guzman, Vin Abrenica at Eula Caballero.

Napabilang sina Edgar at Eula sa programa dahil nakasama nila si Nora sa nagwakas na seryeng Sa Ngalan ng Ina.

Si Vin naman ay gumanap na anak ng Superstar sa kakatapos pa lang na seryeng Never Say Goodbye.

Panay ang sabi ni Nadine sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang dance number na hindi niya akalaing makakasayaw siya.

Pahayag niya, “Nagpapasalamat lang ako kasi naging part ako ng birthday tribute niya.

“Pinilit ko talagang sumayaw, kasi nga, nami-miss ko na rin siya… masaya ako para kay Nanay [tawag niya kay Nora].”

UNFORGETTABLE. Ano ang mga memorable moments ni Nadine na kasama ang Superstar?

“Doon sa Sa Ngalan ng Ina, ang dami naming scenes together na puro inaapi ko siya, puro away-away. After ng away namin, tawanan… masaya.

“Puro lahat unforgettable moments lalo na yung sampalan. Ako, sinampal ko siya.

“Nahihirapan akong sampalin siya, kasi nga, Ms. Nora Aunor—baka magalit yung fans niya.

“Sabi niya, ‘Okay lang ’yan anak, okay lang ’yan.”

Ano ang mga natutunan ni Nadine kay Nora?

“Marami… isa na nga yung palagay ang loob ko sa eksena.

“Parang pinaparamdam niya sa iyo na, ‘Okay lang yun anak, huwag kang matakot… huwag kang ganyan.’ So, mga ganoon.

“So, noon pa lang, at least, nakakahinga ka nang malalim, nakakahinga ka nang maluwag.

“Yung gusto mong i-arte, nagagawa mo, kasi ipinaparamdam niya sa iyo yung support.”

TOGETHER AGAIN. Muling magsasama sa isang project sa TV5 sina Nora at Nadine sa isang seryeng pagtatambalan ng actress at ng kanyang phenomenal ka-loveteam na si Tirso Cruz III.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko pa alam kung ano yung lawak ng role ko, basta sinabihan ako na kasama ako sa project,” pagbabalita niya.

Kumusta naman ang takbo ng career ni Nadine?

Ayon sa kanya, “Okay naman… wala naman akong maire-reklamo.”

NEW BOYFRIEND. Napag-alaman ng PEP.ph na sa wakeboarding sa Nuvali Sta. Rosa, Laguna, niya nakilala ang current boyfriend ng aktres.

Noong una ay tumanggi siyang pag-usapan ang lalaki dahil hindi naman daw ito taga-showbiz.

“Pag nagsasalita kasi ako about lovelife, parang hindi tumitigil na puro sa lovelife, sa lovelife,” kimi niyang sambit.

“Tapos, may mga nangingialam na. Tapos, sabi ni ganyan… ganoon raw… ayaw ko na ng ganoon.

“Siya rin naman, ayaw niya para raw may privacy.

“Ako naman, very vocal din naman ako sa lovelife, like I’m happy, I’m inspired, I’m in love.”

Sa kakapilit namin kay Nadine, napapayag namin siyang pag-usapan nang bahagya ang kanyang kasintahan.

Ayon sa aktres, taga-Manila ito at kahit may business sa Manila ang pamilya, may sarili naman itong trabaho sa Bataan.

Nasa mukha ni Nadine ang kasiyahan sa lovelife niya ngayon kaya naitanong namin kung talagang nahanap na niya ang lalaking mamahalin.

“Kasi nakikita ko naman na serious siya. Nakikita kong… alam mo ba noong nagkakilala kami?

“First day pa lang, para kaming taon na, na magkakilala? Years na, parang ganoon.

“Sobrang swak yung ugali naming, sobrang nagkakaintindihan kami—hindi ko alam kung anong nangyari.

“Parang bigla na lang ganoon na out of nowhere… parang…”

Naputol ang kanyang sasabihin nang kiligin at humalakhak nang malakas.

“I’m happy, he’s happy. Kung masasabi kong in love ako, e di, nandoon na yung ano, na parang kami na… may ganoon na nga sa stage na yun,” makabuluhan niyang saad.

WEDDING BELLS? Papunta na ba sa kasal ang pakikipag-relasyon niya?

Sa huling interview namin sa kanya, ganitong estado tumatakbo ang plano niya sa mga susunod na taon na dapat ay sa nakaraan pa niyang boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot naman si Nadine, “Actually, hindi ko pa masasabi ’yan, pero let’s see by next year.”

Napag-uusapan na ba nila ang kasal?

“Alam mo? Yun nga, e, sobrang iksi ng panahon, pero it’s kinda weird… pero exciting na… let’s see! Let’s see,” nangingiting sabi niya.

Thirty-three years old daw ang edad ng boyfriend ni Nadine kaya palagay na ang loob niya rito.

“So, let’s see by next year kung ano ang mangyayari… pero I think, it’s getting there,” sabi niya na may himig na asam.

ON DIET. Napansin lang namin na tumaba nang kaunti si Nadine at hindi naman niya kinontra ito.

Sabi pa niya, 15 lbs. daw ang nadagdag sa kanya.

“My God! Alam mo bang hindi na ako kumakain? Pero sabi nga ni Mama, ‘Ang galing niyang mag-alaga, a?!” bulalas at sabay malakas na tawa ng aktres.

Totoo bang magaling mag-alaga ang boyfriend niya?

“Hindi ko alam… ewan ko ba? Nagwe-wake boarding na nga ako e… pero hindi ako alam kung bakit ako tumaba.

“’Yan ang problema ko ngayon, magsisimula pa naman ako ng taping.

“Pero mabilis lang naman akong magpapayat,” pahabol niya.

Kailangan pala bigyan siya ng problema ng boyfriend para pumayat agad?

“Hindi, a! Pangit naman yun! Pero magpapayat naman ako.

“Actually, nagi-start na ako sa diet ko… kailangan ko na talaga.”

Madalas ba siyang pakainin at busugin?

“Hindi naman. Di ba yung sinasabi nila na kapag yung kinakain mo masarap, kahit konti lang, nakakataba rin yun?

“Eto naman, kumakain kami ng healthy food pero yung konti na everytime na magkasama kami.

“Wala kaming ibang ginawa kundi ang tumawa nang tumawa.

“Very light… lahat ng gawin namin, very happy. So, parang wala talagang problema—stress-free,” kuwento pa niya.

Maliban sa kasiyahang naidudulot ng relasyon nila, paano pa siya napapasaya ng boyfriend?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ano kasi ako, e, sobrang liit lang na bagay napapasaya mo na ako.

“Ayoko ng… hindi ako masyadong ano… hindi ako very… palabigay? Hindi ako materialistic… hindi ako ganoon.

“Yung may mababasa lang ako na text na, ‘Good morning, my life. Good morning, my happiness, di ba?’” kinikilig na tawa uli ni Nadine.

“Di ba parang ang sarap ng gising mo?”

Blessing in disguise bang masasabi na hindi sila nagkatuluyan ni Derek Ramsay dahil nagkaroon na siya ng pagkakataong makilala ang inspirasyon niya ngayon?

“Ahmm… hindi ko naman masasabing ganoon. Kasi meron talagang mga tao na depende kung swak kayo sa isa’t isa.

“Siguro, hindi kami swak sa relationship, swak kami bilang friends, yung mga ganoon.”

Sa palagay ba niya, nakita na niya ang lalaking puwede niyang pakasalan?

“Sa ngayon? Siguro, oo. Kasi masaya ako, walang ano, e… okay lahat, e.

“Kung ano ang gusto ko, gusto niya… konting bagay, napapasaya ko siya, napapasaya niya ako.”

MOM’S APPROVAL. Isa pa sa nagpagaan ng pakikipagrelasyon ni Nadine sa kanyang current boyfriend ay ang approval ng Mommy niya sa lalaki.

Sabi nga ng dating Kapuso actress, wala raw anumang negative comments ang ina niya sa kasintahan niya ngayon.

Ibinibigay na raw nito ang lahat ng tiwala sa kanya sa paghawak ng lovelife nito ngayon.

“Saka, tanggap siya ni Mommy—buti na naman—tanggap na niya!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN