Kathryn Bernardo denies scolding personal assistant over umbrella issue

Ano sa palagay ni Kathryn Bernardo ang dahilan kung bakit patok sa publiko ang tambalan nila ni Daniel Padilla: “Pareho kasi kami ng gustong mangyari, nagtutulungan kami. Feeling ko, isa yun sa mga reason, yung teamwork, saka yung hindi kayo nagsasapawan. Suportahan kayo, pinoprotektahan ninyo ang isa’t isa. Tulungan kayo sa lahat ng bagay.”


Pinabulaanan ng young actress na si Kathryn Bernardo ang intrigang sinisigawan daw niya ang kanyang personal assistant sa harap ng maraming taon kapag hindi siya napapayungan nito sa mga shooting o taping at nasa gitna sila ng arawan.

“Payong talaga?” natatawang sabi ni Kathryn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Pero aniya, “Hindi po. Ngayon ko nga lang ‘yan nalaman.

“Hindi naman totoo ‘yan. Parang lalo na kung maraming tao, bakit mo babastusin ang P.A. mo?

“Kung simpleng payong lang, kung may nakalimutan, parang nakakatawa.”

GOT TO BELIEVE. Sa nakaraang victory party cum thanksgiving ng pelikulang Must Be Love ay inanunsiyo at ipinalabas ang teaser ng teleseryeng pagtatambalan muli nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa ABS-CBN—ang Got To Believe.

Sinabi ni Kathryn na excited at masaya siya sa bagong proyekto nila ni Daniel, pero ayaw raw niyang ma-pressure.

“Exciting, very excited kami sa project na ito, kasi parang rom-com talaga siya.

“Tapos si Direk Cathy [Garcia] pa na ito ang specialty niya.

“Very fun ang story niya, and hinahanap siguro ng tao sa primetime yung very light lang, yung fresh lang, young.

“Mapapanood nila ito sa serye namin.”

Dagdag ng Kapamilya star, “Right now, pinagpe-painting workshop nila ako kasi nga artist ako dun sa soap.

"Yun pa lang ang alam ko.”

LOVETEAM TO BEAT. Tulad ni Daniel, labis din ang pasasalamat ni Kathryn na naging tagumpay ang pelikula nilang Must Be Love.

Saad niya, “Masaya talaga kasi yun naman talaga, e… pag movie naman, hindi naman porke’t gumawa ka ng movie, okay na. Kailangang kumita, hindi nalugi.

“Masaya kami kasi naging okay naman siya, at maraming salamat sa lahat ng nanood, sa lahat ng sumuporta para sa movie na ito.”

Noong Linggo, May 19, ay pinarangalan sina Daniel at Kathryn bilang Most Promising Male and Female Star sa 44th Box Office Entertainement Awards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano sa palagay ni Kathryn ang sikreto ng kanilang tambalan at ganoon na lang ang pagtanggap ng publiko sa kanila?

Sabi ng young actress, “Pareho kasi kami ng gustong mangyari, nagtutulungan kami.

“Feeling ko, isa yun sa mga reason, yung teamwork, saka yung hindi kayo nagsasapawan.

“Suportahan kayo, pinoprotektahan ninyo ang isa’t isa. Tulungan kayo sa lahat ng bagay.”

Maganda ngayon ang itinatakbo ng career ni Kathryn. May gusto pa ba siyang gawing proyekto o role na gampanan?

Sagot niya, “Parang nangyari na, e.

“Kasi, parang gusto kong gumawa ng parang light lang na teleserye, nangyari na siya sa Princess And I.

“Basta ang gusto ko, iba-iba ang role kada soap or kada movie, para hindi pare-pareho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN