Julia Barretto on Barretto family feud: “Hindi ko ‘yon problema. It’s not for me to face or to talk about. Sa kanila na ‘yon, ang saya-saya ko, e!”

“Sa kanila na lang ‘yon. Sila na lang muna ang mag-usap-usap about that. Ayaw ko talagang magpa-affect, ayaw kong pag-usapan,” says Julia Barretto about the current rift between, on one hand, her mother Marjorie and Tita Gretchen and, on the other hand, her Tita Claudine and Lola Inday.


Sa kabila ng matinding kontrobersiyang kinakaharap ng kanyang pamilya ngayon, nananatiling masaya ang Star Magic talent na si Julia Barretto.

Ito ay dahil nabigyan na siya ng malaking break sa telebisyon—ang pagbibida niya sa TV remake ng Cofradia.

Ang Cofradia ay isang komiks serial noong 1952, kunsaan ang pangunahing tauhan ay itim ang kulay ng balat.

Isinalin ito sa pelikula noong 1953 at ang gumanap sa title role ay si Gloria Romero. Muli itong isinapelikula noong 1973 at ang ang bida naman ay si Gina Alajar.

FAMILY FEUD. Nitong mga nakaraang linggo ay naging mainit ang pangalan ng ina ni Julia na si Marjorie Barretto dahil sa paglabas ng isang “photo scandal” sa Internet at tabloids.

Bukod pa rito, nagkaroon din ng palitan ng maaanghang na salita sa pagitan ng kanyang Lola Inday, Tita Gia, at Tito Joaquin.

Ito naman ay nag-ugat sa hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga magkakapatid na Barretto sa showbiz—sina Gretchen at Marjorie laban kay Claudine.

Ngunit kahit gaano kabigat ang mga isyu, hindi naman daw ito ipinaramdam kay Julia ng kanyang inang si Marjorie.

“Hindi naman niya ipinaramdam sa akin, hindi niya pinabigat sa akin,” sabi ni Julia sa press conference na inihanda sa kanya ng Dreamscape kahapon, May 24, para sa Cofradia.

Ayon pa sa young actress, masaya pa nga ang kanyang ina nang ibalita nito sa kanya ang proyektong pagbibidahan niya sa ABS-CBN.

Kuwento ng dalaga, “Parang she was, ‘Julia, yehey, I have good news for you!’

“Kasi nga, di ba, despite everything that’s been... there’s good news.

“We were both happy, very thankful. Church lang kami every day.

"We’re a strong family.”

STRONG MOM. Tiniyak din ng 16-year-old Star Magic talent na “okay” naman ang kanyang ina.

Lalo nga raw siyang bumilib sa ina nang lumabas ito sa The Buzz para linawin ang kumalat na larawan niya sa Internet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang linggo bago nito ay nagbigay na rin ng pagpapaliwanag si Marjorie sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sabi ni Julia tungkol sa ina, “Ang galing niya, ‘no? Pati ako, ‘Ang galing ni Mommy.’ Napaka-strong niya.

“There’s really nothing to worry about sa mommy ko.

“Napaka-strong and magaling siya mag-handle sa mga situations na ganun.”



"HINDI KO ‘YON PROBLEMA." Kung si Julia ang tatanungin, ayaw na niyang makialam sa anumang alitan na meron sa pagitan ng kanyang ina at mga kapatid nito.

“Hindi ko ‘yon problema. It’s not for me to face or to talk about.

"Sa kanila na ‘yon, ang saya-saya ko, e!” tumatawang sabi pa ni Julia.

TITA CLAUDINE, TITA GRETCHEN. Samantala, inamin ni Julia na naging malapit din siya sa kanyang Tita Claudine, na kaalitan ngayon ng kanyang ina at ng kanyang Tita Gretchen.

Gayunman, hindi raw niya sinubukang makipag-usap sa kanyang Tita Claudine o sa kanyang Lola Inday, na unang naglabas ng liham patungkol kay Gretchen.

Paliwanag ni Julia, “Gusto ko sila muna ang magkaayos, maging quiet muna, bago mag-usap-usap about it.”

Ngunit tiniyak naman niya na kahit ano pa ang mangyari, hindi mababago ang relasyon niya sa kanyang Tita Claudine.

“Hindi naman siya nawala,” sabi ni Julia.

“The thing about our family is, kapag matagal na hindi nagkita, kapag nagkita kayo, parang hindi matagal.

“Close pa rin kami, pareho pa rin ang mga ginagawa namin.

"So, I’m not gonna say na nawala.”

Pagkatapos ay idiniin ni Julia na hindi siya makikisali sa alitan ng magkakapatid na Barretto.

Aniya, “Sa kanila na lang ‘yon. Sila na lang muna ang mag-usap-usap about that.

“Ayaw ko talagang magpa-affect, ayaw kong pag-usapan.

“It’s such a happy day today. It’s been great the past few days.

"It’s been a great week, na wala akong time to think about stuff like those.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



THE NEXT KAPAMILYA LEADING LADY. Samantala, dahil sa ilulunsad na rin siya ng ABS-CBN bilang isang leading lady, sa pamamagitan ng Cofradia, handa na kaya si Julia na humarap sa mga intriga, kagaya ng kanyang ina at mga tiyahin?

Sagot niya, “I would say na I’m ready for it na rin kasi nakasanayan ko na ‘to.

“Kasi, I really grew up with it, ‘yong mga intriga, because I grew up with my titas and my parents na rin.

“So, I’m aware of what can happen once I enter the same business.

“Matagal ko na ‘tong hinintay and it’s finally here, so there’s no backing out.

"I think I’m ready na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN