Jomari Yllana on alleged rift with Ronald Singson: “Magkaibigan pa rin kami ni Ronald. Wala naman kaming naging problema talaga.”

Jomari on why he isn’t interested in entering politics: “Ilang beses na akong kinu-convince to run for this position. Pero I always turn down the offer. Naisip ko rin, ano nga ba ang gagawin ko? Wala akong kaalam-alam sa ganyan. Politics na ito, e. Hindi ito tulad ng pag-aartista na konting ngiti mo lang at pagpapa-cute, mabenta ka na sa mga tao. Ang sabi nga nila, kapag pumasok sa politics, para kang tumalon sa dagat na puro pating. Nakakatakot at mapeligro.&rdquo


Maganda ang ngiti ngayon ni Jomari Yllana dahil sa “double victory” na nangyari sa kanilang pamilya nitong nakaraang eleksyon.

Nanalo ang kanyang Kuya Anjo bilang councilor sa 5th district ng Quezon City, samantalang ang isa pa niyang kapatid na si Ryan ay nare-elect bilang konsehal sa 2nd district ng Parañaque City.

Kaya masayang-masaya nga raw ang buong Yllana family dahil muling pinagkatiwalaan ng kani-kanilang constituents sina Anjo at Ryan.

“Sobra kaming masaya talaga. Pinagdasal naming lahat ito,” panimula ni Jomari nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Kakambal Ni Eliana sa Heroes Hill Subdivision in Quezon City kamakailan.

“Nakakatuwa dahil sa magkaibang lugar nga tumakbo sila Kuya Anjo at Ryan. Tapos pareho pa silang nanalo.

“Pinaka-natuwa kami para kay Kuya Anjo.

“Nabigyan na naman kasi siya ng pagkakataon na maging public servant ulit. This time sa Quezon City naman.

“I know that kuya will do his best to serve the people of his district in Quezon City.”

Matatandaang dalawang beses nabigo sa eleksyon noon si Anjo. Una ay noong 2007 when he ran for reelection as vice mayor of Parañaque City. Sumunod ay noong 2010 noong tumakbo naman ito as councilor.

“Sobrang mabigat ang nangyaring iyon para kay kuya at para sa aming lahat.

“Noong May 2010 din, our brother Robbie passed away. Kaya sobrang lungkot naman namin noon.

“Parang kabaligtaran lang ngayon. Doble naman ang kasiyahan namin ngayon dahil sa pagkapanalo ng Yllana brothers,” ngiti niya.

Hindi naman daw kinabahan si Jomari para kay Ryan dahil alam niyang mananalo ito ulit bilang konsehal.

“Kay Ryan naman, no question—malakas ang dating niya.

“Kakaiba ang charm ng utol kong ’yan.

“And marami siyang nagawang proyekto noong umupo siya as city councilor.

“Kaya naman binoto siya ulit ng mga taga-Parañaque,” dagdag pa niya.

NO INTEREST IN POLITICS. Tinanong tuloy si Jomari kung may balak ba itong pasukin din ang politics tulad ng kanyang dalawang kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi ng aktor na matagal na raw siyang nakakatanggap ng mga offers na tumakbo for a position in government. Pero panay ang pag-turn down niya sa mga ito dahil hindi pa raw sapat ang kanyang kaalaman sa politics.

“Noon pa ako hinihikayat na tumakbo,” pag-amin niya.

“I had offers noon pa sa Parañaque at sa probinsya namin sa Naga, Camarines Sur in Bicol.

“Ilang beses na akong kinu-convince to run for this position. Pero I always turn down the offer.

“Naisip ko rin, ano nga ba ang gagawin ko? Wala akong kaalam-alam sa ganyan.

“Politics na ito, e. Hindi ito tulad ng pag-aartista na konting ngiti mo lang at pagpapa-cute, mabenta ka na sa mga tao.

“Ang sabi nga nila, kapag pumasok sa politics, para kang tumalon sa dagat na puro pating. Nakakatakot at mapeligro.

“Kung gusto kong maging serious sa ganyan, siguro pag-aaralan ko muna lahat.

“Lahat ng puwede kong ma-absorb sa ganyang trabaho ay pag-aaralan ko.

“Kailangan talaga yung may alam ka sa papasukan mo.

“Hindi ka lang basta papasok at gagamitin ang pagiging celebrity mo.

“Maaaring makalusot ka pero yung kakayanan mo pa rin sa trabaho ang magiging basehan.

“Tulad nga nila Kuya Anjo at Ryan. Bago naman nila pasukin ang mundong ’yan, hinanda na nila ang sarili nila.

“Pinag-aralan nila ang mga dapat at handa silang magsakripisyo.

“Yung talikuran nila pansamantala ang career nila sa showbiz for a career in politics,” diin pa ni Jomari.

SADDENED BY AGA’S ELECTION LOSS. Isa si Jomari sa nalungkot na hindi nanalo bilang congressman si Aga Muhlach sa 4th district ng San Jose, Camarines Sur.

Tinalo si Aga ni Felix William “Wimpy” Fuentebella.

“Akala ko nga siya na ang panalo, e. Nakakagulat lang ang lahat ng pangyayari.

“That’s politics. Kung pader ang kalaban mo, kailangan handa kang banggain ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro may iba pang pagkakataon. If Aga is really serious about politics, ito na ang pagkakataon niyang pag-aralan lahat.

“Para sa next election, handang-handa na siya.”

Mas enjoy nga ngayon si Jomari sa kanyang pagiging active ulit sa telebisyon.

Regular nga siyang napapanood sa afternoon drama series na Kakambal Ni Eliana bilang ama ni Kim Rodriguez.

CONCERT PRODUCTION. Tinanong din namin si Jomari kung kailan ulit ito magiging aktibo sa pag-produce ng mga concerts. Sagot niya na umiiwas raw muna siya rito dahil ayaw daw niyang ma-stress.

Ayon kay Jomari, apat na taon din siyang naging abala noon sa Fearless Productions, ang kumpanya kunsaan naging partner niya si Ronald Singson.

Nakapag-imbita sila ng mga sikat na international recording artists para mag-concert sa Pilipinas. Kabilang dito sina David Cook, David Archuleta, Marie Digby, Kris Allen, Usher Raymond at John Mayer.

Sila rin ang nag-produce ng reunion Valentine’s Day concert nila Pops Fernandez at Martin Nievera noong 2008.

Pag-amin ng aktor, “Nakakapagod din kasi. Kasi aside sa pakikipag-deal sa mga business managers nila, ako rin ang namahala sa promotions for TV and radio.

“Tapos sinasamahan ko rin sila sa mga promo tours.

“Enjoy naman noong una, pero sobrang nakaka-stress.

“May mga na-produce kami na malaki ang kinita. May break-even at merong lugi. Meron din yung abunado pa kami.

“Gano’n naman talaga kapag producer ka. Hindi naman sa lahat ay kikita ka.

“Tapos sa economy natin ngayon, maglalabas lang ng pera ang mga tao sa gusto nilang panoorin.

“Mahirap pa naman tantsahin ang gusto ng mga tao ngayon. Nagiging unpredictable na ang taste ng mga Pinoy ngayon.

“Kaya pahinga muna tayo sa pag-produce ng concerts. Mas relaxed ako ngayon sa pag-arte muna,” ngiti pa niya.

ON FRIENDSHIP WITH RONALD SINGSON. Tungkol naman sa friendship nila ni Ronald Singson, idiniin ni Jomari na okay pa rin sila nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw ni Jomari ang mga haka-hakang lumabas noon na nasira raw ang pagkakaibigan nila, kaugnay diumano ng pagkakakulong ni Ronald sa Hong Kong dahil nahuli itong may dala-dalang pinagbabawal na droga sa airport.

“Magkaibigan pa rin kami ni Ronald. Wala naman kaming naging problema talaga.

“May mga nag-react lang nang hindi tama.

“May mga nagsulat based on sa mga nakarating sa kanilang tsismis.

“Medyo misinformed lang sila. Hindi naman kasi nila alam ang mga tunay na pangyayari.

“Anytime ay puwede kaming mag-venture sa ibang negosyo ni Ronald.

“Pero ngayon, artista muna tayo. I think si Ronald, may iba rin siyang pinagkakaabalahan,” diin niya.

Nakarating nga kay Jomari na nagalit nga raw ang ama ni Ronald na si Ilocos Sur Governor Chavit Singson.

“Nagalit nga raw sa akin si governor. Pati naman kasi si Gov misinformed din.

“But according naman to Ronald noong huli kaming nag-usap, hindi na raw galit si Gov sa akin.

“Napaliwanagan na niya ang daddy niya kaya humupa na raw ang galit sa akin,” pagtatapos niyang paliwanag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN