Luke Jickain on Misibis Bay co-star Vivian Velez: “She’s still hot!”

Luke on why he prefers older women: “I find mature women really more experienced at para sa akin, mas marami silang pagmamahal na puwedeng ibigay. It’s not that I don’t like women na ka-edad ko. I like them as much as I like women who are slightly older than me. Pero iba nga raw ang mga tinatawag nilang mga ’cougars.’ They have so much experience dahil marami na nga silang napagdaanan sa buhay nila. And what’s more amazing is how t


Gustong subukan ulit ng model-turned-actor na si Luke Jickain ang pag-arte sa telebisyon kaya pumayag siya na mapasama sa cast ng bagong sexy-serye ng TV5 na Misibis Bay.

Makakasama rito ni Luke ang sexy girls na sila Megan Young, Malak So Shdifat at Ritz Azul. Gayun din ang mga hunks na sina Daniel Matsunaga, Victor Silayan at Vin Abrenica.

Ayon kay Luke, matagal din daw siyang umiwas na tumanggap ng acting job dahil sa pakiramdam na kulang pa ang alam niya sa propesyon na ito.

Nasubukan na niya noong umarte sa Imortal at Maria La del Barrio ng ABS-CBN, pero hindi nga siya naging satisfied sa kanyang pinakitang performance doon.

“I’ve been a model ever since I was a child and I know that this is what I’m good at.

“But of course, gusto rin nating sumubok ng iba. Gusto nating mag-level up kumbaga.

“Yung ibang mga kasabayan kong models noon, sinubukan din nila ang pumasok sa showbiz and the others did pretty well naman.

“Noon pa naman, marami nang nag-offer ng movies at TV shows sa akin, but I always say na mas kampante ako sa modeling kasi iyon ang alam ko lang talaga.

“Pero ngayon, I want to explore kung ano pa ang kaya kong gawin.

“I admit, hindi na tayo bumabata at marami nang mga mas batang modelo sa atin ngayon.

“Kaya we need to get into something else, para naman magkaroon tayo ng ibang career aside sa pagiging modelo,” panimulang bungad ni Luke sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa story conference ng Misibis Bay last May 16.

ACTING LESSONS. Nag-aral si Luke sa isang acting school sa New York ng ilang buwan para mas madagdagan ang kaalaman niya sa pag-arte.

Noong bumalik siya ng Pilipinas, inalok siyang lumabas sa muli sa TV via Boracay Bodies sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto nila akong maging isa sa mga contestants ng show. I was hesitant at first kasi nga, sort of a reality show yung concept.

“Pero they explained naman to me all about it at na-convince naman nila ako na sumali na.

“With my exposure there, it led to this role for Misibis Bay.

“This time it’s a lot bigger at masasabi kong complex ang sinulat na character ko sa Misibis Bay.

“Diyan ko na magagamit ang mga napag-aralan ko sa acting school,” ngiti pa niya.

WORKING WITH VIVIAN VELEZ. Sa Misibis Bay ay gaganap si Luke bilang boytoy ng kilalang may-ari ng luxury resort played by Ms. Vivian Velez.

Noong malaman nga ni Luke na si Vivian ang gaganap bilang sugar mommy niya, natuwa ito dahil noon pa man daw ay malaki na ang paghanga niya sa ganda at kaseksihan ng tinawag noong Miss Body Beautiful during the ’70s.

“Una ko siyang nakilala noong nagte-taping kami ng Imortal,” kuwento niya.

“Wala naman kaming mga eksenang magkasama, pero I admire her for her looks. I just can’t believe na sa edad niya ngayon, she still has it. She’s still hot!

“Hindi lang naman ako kundi marami akong mga kaibigan who agree with me that Ms. Vivian is still one hot woman.

“That is, of course, next to her being a very good actress. And I am honored to be working with her in this new series for TV5.”

PREFERS OLDER WOMEN. Hindi naman itinago ni Luke na type din niya ang mga babaeng mas may edad sa kanya. In fact, ang huli nga raw niyang girlfriend ay siyam na taon ang tanda sa kanya.

“I find mature women really more experienced at para sa akin, mas marami silang pagmamahal na puwedeng ibigay.

“It’s not that I don’t like women na ka-edad ko. I like them as much as I like women who are slightly older than me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero iba nga raw ang mga tinatawag nilang mga ’cougars.’

“They have so much experience dahil marami na nga silang napagdaanan sa buhay nila.

“And what’s more amazing is how they take care of their bodies.

“Like si Ms. Vivian, Body Beautiful pa rin siya at her age.

“I guess, there are women talaga who are born sexy na kahit magka-age pa sila, they still know how to carry it.

“Some women, like Ms. Vivian, still live up to their title—Body Beautiful!”

INTIMATE SCENES. At dahil nga meron silang May-December affair sa Misibis Bay, magkakaroon daw ng ilang kissing scenes at bed scenes si Luke with Vivian.

Kaya kayang ma-control ni Luke ang kanyang sarili kapag kinunan na ang mga eksenang iyon?

“I don’t know... bahala na!” natatawa niyang pag-amin.

“Trabaho namin ito bilang mga actors. I will just follow what my director wants me to do.

“Ayokong sabihin na unprofessional ako. Kung ano ang gusto nilang gawin namin ni Ms. Vivian, I am more than willing to do it.

“Pero siyempre, kailangan ng approval from Ms. Vivian.

“Kung payag siya sa mga gagawin naming eksena, walang magiging problema.

“Kahit papa’no, I still respect her for being the actress that she is,” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN