Jestoni Alarcon tops list of winning board members in Rizal province 1st district

Jestoni on proving himself as a worthy public servant: “Ako naman, hindi naman sa pagmamayabang, na-prove ko na naman yung sarili ko bilang dating konsehal, vice governor at ngayon ay naging board member... so ang serbisyo ko sa tao talagang ginagawa ko. Trabaho talaga.”


Masayang ibinalita ni Jestoni Alarcon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sa Ang Latest ng TV5 na nagwagi siya bilang board member sa first district ng Rizal.

Bukod sa nagwagi, dobleng saya pa niya dahil number one ang ranking niya among the winners.

Kahit daw may mga bumabatikos sa mga taga-showbiz na pumasok sa larangan ng pulitika, ang sa kanya naman daw ay papatunayan na lang niya na may karapatan din siyang magsilbi sa bayan.

Lahad niya, “Number 1 tayo sa first district ng Rizal, bale noon pa naman yan e, [mga batikos]... kapag ang mga taga-showbiz ay pumapasok sa pulitika, noon pa naman yan binabatikos.”

“Hanggang sa darating na panahon siguradong babatikusin pa rin, pero nakita naman nila ang nagiging serbisyo ng mga katulad naming showbiz na talagang nagtatrabaho kami.

“Marami tayong mga kasama na na-prove nila ang mga sarili nila—sila Vilma Santos, at kung sino pa.”

“At ako naman, hindi naman sa pagmamayabang, na-prove ko na naman yung sarili ko bilang dating konsehal, vice governor at ngayon ay naging board member... so ang serbisyo ko sa tao talagang ginagawa ko. Trabaho talaga.”

Nakausap si Jestoni ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last May 15, sa San Alejandro, Quezon Nueva Ecija, kung saan isa ito sa dumayong artista sa lugar bilang bahagi ng isang all-star basketball game na regalo ni Cristy Fermin sa kanyang mga kababayan.

Ano kaya ang pakiramdam ng nag-number one sa botohan?

Aniya, “Well, malaking pasasalamat sa distrito ko, dahil hindi ko rin naman alam na ganun ang mga nangyayari...

“Talagang nagtitiyaga, nagtrabaho, nagsipag at sinuklian naman ng mga tao kaya kami ay nagpapasalamat, ang buong pamilya, ko sa mga mamamayan ng first district ng Rizal.”


PRIORITY PROJECTS. Anu-ano naman kayang mga proyekto ang nakatakda niyang gawin kapag maupo na siya bilang board member sa darating na Hulyo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad nito, “Actually, ang trabaho ng grupo namin yung sangguniang panlalawigan, ang vice governor ang presiding officer...

“Ang sangguniang panlalawigan ay kami ay nagmumungkahi at nagpapasa ng mga ordinansa, resolusyon para pakinabangan ng bawat mga bayan sa probinsiya at sa general public na rin.”

“At the same time, kapag may mga reklamo ang bawat bayan meron kaming mga committee hearing, yun ang pinagtrabahuhan namin diyan.

“May mga programa rin tayong mga ipapatupad katulad na lang ng mga medical missions, livelihood programs, pagbibigay ng mga trabaho sa walang trabaho katulad ng mga job fairs namin... so marami ho yan, marami kaming naiisip na programa para sa aming mga kababayan.”

Last 2010 elections, tumakbo at natalo si Jestoni bilang congressman. Ano kaya ang pakiramdam niya noon na hindi siya pinalad na maging kongresista?

Balik-tanaw nito, “Well, wala na yun e, maraming factor yan e, ayoko namang sabihin na... basta pinagbuti ko yung dati kong trabaho, pero hindi lang pinalad noon, maraming factors, and tapos na yun.

PLAYING BASKETBALL IS FUN. Ang pagdayo nila sa mga probinsiya kasama ng iba pang mga artista upang maglaro ng basketball ay matagal na raw nilang ginagawa.

Sabi niya, “Actually, ang tagal na namin itong ginagawa. e.

“Maybe 15, 20 years yung all-stars basketball namin...

“Talagang sama-sama ang mga artista from junior, bagets, senior... basta masaya ang grupo, may camaraderie... basta napapasaya namin yung bawat probinsiyang napupuntahan namin

“At kahit sa abroad... Asian countries, Asia or Europe, nakakapaglaro kami ng basketball for fund raising, nakakatulong kami sa mga bawat organization, sa mga NGO (non-government organizations) so malaking bagay at the same time nag-eenjoy kami.”

Napikon na ba siya kahit minsan sa mahabang panahong paglalaro ng basketball?

Saad niya, “Hindi naman mawawala yan, ’no? It’s a man’s game.

“Sa laro ng basketball may kalaro kang mababait, may kalaro kang naninira din... e, kami naman very sport naman kami, hanggang maari iiwasan namin yung gulo at mga away.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung kaya, yung sobrang pasensiya ginagawa namin... kumbaga maximum tolerance. Parang game lang ito, huwag tayong umabot sa sakitan para maging masaya

“Kasi ito naman ay hindi naman para sa aming magkalaban kundi para sa mga taong nanonood para mabigyan ng kasiyahan.”

PUBLIC SERVICE IS MY PRIORITY. Kahit na daw magiging busy na siya sa pagsisilbi sa kanyang mga kababayan, tatanggap pa rin naman daw siya ng mga guestings o trabaho sa mga serye.

Sabi niya, “Oo naman, never namang naging hadlang kahit tayo ay nasa pulitika basta ang importante yung commitment ko dun ay nagagawa ko, yung buong linggo ko sa opisina, session, at hindi naman apektado ang taping.

“Usually ang taping naman ay hapon, gabi so pagtapos na yung commitments ko roon ginagawa ko rin ito dahil ito talaga ang trabaho ko.”

“Priority yung work sa kapitolyo, ang showbiz may time naman, para din naman masustentuhan ko naman ang aking pamilya,” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN