Ryza Cenon on expecting more substantial roles from her home network: “Kasi nag-level up na ’ko, so sana rin sila mag-level up din for me.”

Ryza on her renewed "image" brought about by her recent FHM Magazine cover stint: “Wala pa akong masyadong nakikita ngayon, kakalabas lang. Pero sa tingin ko, ang tingin sa akin ng tao ngayon, lady na. Hindi na nene o pa-sweet.”


Nagkaroon ng pocket interview ang GMA Artists Center para kay Ryza Cenon noong Huwebes, May 23 sa 17th Floor ng GMA Building.

Kaya masayang naikuwento ni Ryza sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang naging karanasan niya noong magkaroon siya ng autograph signing para sa kanyang May 2013 cover issue ng FHM Magazine.

SUCCESSFUL AUTOGRAPH SIGNING. Natutuwa ito na marami ang dumating at pumila para papirmahan ang binili nilang FHM Magazine.

Sabi nga ni Ryza, “Yung autograph signing, successful po...

“Marami pong tao... mapa-lalaki, babae...

“Meron pa nga, may kapansanan, pumila po ro’n... pipi siya.

“Masaya naman po ang FHM staff, napa-dinner nga po kami.”

Dugtong pa niya, “Medyo masama pa nga ang pakiramdam ko dahil medyo may sakit ako that time.

“Nagkaroon din ako ng kulani, dalawa sa leeg ko at sa ibabaw ng shoulder ko.

“Bale masakit po siya, every night, nagkakalagnat ako, on and off po siya.”

Natanggal naman daw yung isang kulani niya at nakapagpa-check-up na rin daw siya. Naghihintay na lang daw siya ng result.

ALARMED OVER LYMPH NODE CONDITION. Pero, may naikuwento si Ryza na naka-engkuwentro raw niyang fans sa isang mall show nila ng primetime series na Indio.

Ayon kay Ryza, “Sinabihan po kasi ako na three to five days akong kailangang magpahinga. E, may mall show ng Sunday.

“Hindi ako pinayagang hindi mag-mall show, kasi kailangan. Kaya sabi ko na lang, ako na lang ang unahin, kakanta lang ako ng isa, then aalis na rin ako.

“Kaso ang weird, may nagpa-video greeting sa akin, para raw sa girlfriend ng kapatid niya na may sakit.

“Niloko ko pa kasi sabi ko, ako rin may sakit. Tapos sabi niya, hindi siya basta sakit, may taning na siya.

Patuloy niyang kuwento, “So, tinanong ko kung ano ang nangyari, pinakita sa akin ang picture. Una raw, may cancer cell sa liver, gumaling daw. Tapos, nagpunta ng Dubai, nagkaroon ng brain tumor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos ini-open niya— at hindi niya alam na may kulani ako. Sabi niya, nagsimula lang daw sa bukol, kulani.

“So, napraning ako. Kaya sabi ko sa sarili ko, kailangan ko na bang matakot? Kaya pag-uwi ko sa bahay, natakot ako, iyak ako. Napraning ako, sobra!

“E, sabi pa naman, kapag sa leeg ang kulani, sa taas ang infection,” pag-aalala niyang pahayag.

ARRYTHMIA. Ang totoo niyan, mayroon palang heart condition si Ryza.

Meron itong arrhythmia na nagiging dahilan ng irregular na pagtibok ng puso.

Kinumusta nga namin siya kung okay na ba siya at kung naaagapan ang condition niyang ito.

Sabi niya, “Yung sa akin, na-stop. Lalo na kapag naii-stress ako, sobrang stress, doon siya nangyayari.”

Pero sino ang nag-aalaga sa kanya lalo na kapag nagkakasakit siya?

“Hmmm, Tita ko... mga Tita at lola ko,” natawa niyang sagot.

FHM COVER GIRL. Sa isang banda, natutuwa naman si Ryza sa kinalabasan nga ng kauna-unahan niyang pagpu-pose sa FHM. Nakikita raw niya ang kaibahan ng tingin ng tao sa kanya ngayon.

Sa palagay daw niya, positibo naman daw ang naging “outcome” ng una niyang pagku-cover sa men’s magazine.

“Wala pa akong masyadong nakikita ngayon, kakalabas lang. Pero sa tingin ko, ang tingin sa akin ng tao ngayon, lady na,” pagmamalaki niya.

“Hindi na nene o pa-sweet. Pero ngayon, hindi ko pa masasabi kung ano na ang nagbago kung sa career ha, kasi kalalabas pa lang.”

CHANGE OF IMAGE. Pero ano ang inaasahan niyang pagbabago?

“Siguro po, meron naman po kasi, nag-promise naman po sila, ang GMAAC na may pagbabago.

“Kasi, tinanong ko rin naman po sila na kapag umoo po ba ko, may magbabago ba?

“Kasi, alam ko rin naman po ang iba, nagpu-pose, wala naman pong nangyayari.

“Sabi naman po nila, oo, meron.

“So, yun ang pinanghahawakan ko ngayon,” banggit ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INDIO FINALE. Ang GMA-7 epic-seryeng Indio ay magtatapos na ngayong Biyernes. Ano naman ang masasabi ni Ryza sa pagtatapos nito?

Aniya, “Okay naman, another show na magtatapos ng maganda. Sana, meron na ulit para magtuloy-tuloy.

“Natuwa naman ako sa Indio, kasi marami naman ang nanonood. Marami rin ang nagtu-tweet sa akin na gusto raw nila ako sa Indio.

“Bagay raw ako ro’n, maganda raw ako dahil bagay na ako raw ang Kastila, yung ganoon.”

May inaasahan na ba siyang kapalit ng Indio para sa kanya?

WISHES FOR BIGGER ROLES. Naging tapat naman si Ryza sa pagsasabi ng, “Sana medyo mas malaking role. Sana hindi na yung katulad ng mga recent kong shows na palaging support lang.”

Sawa na siyang mag-support?

“Hindi naman sa sawa,” pag-klaro niya.

“Pero siguro, ako na mismo ang nag-level up sa sarili ko.

“So, sana naman as a network na hawak nila, sana rin i-level up din nila ko as an artist.

“Kasi, nag-level up na ’ko, so sana rin sila mag-level up din for me.”

Puro mature roles na ang gagawin niya?

“Oo naman, sana, mabigyan nila ako ng magandang role.”

Ngayong naranasan na nga niyang mag-cover girl sa men’s magazine na FHM, posibleng masusundan pa ang mga pagpu-pose niya?

“Hindi naman, hindi ko naman siya yung susunurin nang susunurin,” diin niya.

“Pero siguro may susunod pa rin, hindi ko lang masasabi kung gaano pa ba ka-daring ang kaya kong gawin.”

FHM 100 SEXIEST RANKING. Sa July, sa 100 Sexiest Women In The World Victory Party ng FHM, sinigurado na ni Ryza sa amin na kasama siya sa rarampa at posible rin daw na mag-perform siya.

Sa ngayon ba, ano ang ranking niya?

“So far, ang nakita ko po, parang 22 yata.

“Before kasi, wala ako. Natanggal ako last year, although past years, palagi naman akong nakakasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Unang-una, nasa 30+ ako pero, bumababa kasi, hindi naman ako active,” saad ni Ryza.

Isa rin ba siya sa gustong kumarir na makasama sa Top 10 Sexiest Women?

“Ngayon kasi, parang naging part na rin siya ng ano ko sa Instagram na vote for me.

“Para ma-promote na rin ang FHM cover ko,” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN