Bernadette Allyson on the possibility of pursuing political career: “I’m not saying yes. Kung maiiwasan, siguro better for me.”

Bernadette on making her kids experience the simple joys of "farm life" in Quezon province: “They like it when they stay in the farm. At yun ang gusto ko. Ayoko naman silang lumaki na puro malls... puro video games. When they are there, nakakalaro sila, nakakatakbo sila. Nakakapitas ng fruits... yung kakainin from the trees. I’m so happy na may ganoong upbringing, may balance.”


Aminado si Bernadette Allyson na magkaibang-magkaiba sila ng mister niyang si Gary Estrada sa maraming bagay.

Sabi nga niya, “very opposite,” raw sila sa maraming bagay. Pero masaya ito na kahit marami silang pagkakaiba mula sa naging upbringing pa lang nila, nagagawa nilang pagtagumpayan yun.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bernadette noong nakaraang Martes sa Dayrit’s, T. Morato Ave., Quezon City, kunsaan silang dalawa ni Gary ang humarap sa ilang entertainment press bilang “thanksgiving” para sa muling pagkapanalo ni Gary bilang Board Member sa Quezon province.

THE BLISS OF TOGETHERNESS. Sabi nga ni Bernadette, “Kaya nga natutuwa ako dahil yung togetherness, malaking factor sa akin.

“There are times na when we argue, ayaw niya yung term na hiwalay. Gusto niya yung togetherness,” panimula niyang bungad.

Hindi pa ba sila nakaranas ng matinding away at umabot sa puntong napag-usapan nila ang paghihiwalay?

Nangiti ito at saka sinabing, “Hindi naman hiwalay. Pero yung ano lang muna... space na lang muna. Parang ayaw niya ng ganoon.”

May pagkakataon nga ba na nagkaroon na sila ng “space” sa pagsasama nila?

“A, hindi, hindi, wala pa… mabait naman si Gary,” pag-amin ni Berna.

Ngayong June, labindalawang taon na silang kasal ni Gary.

Sabi nga namin, marami talaga ang nag-isip noon na hindi sila magtatagal.

Kuwento niya, “Ano yun, may credit din sa kanya. Siyempre, may credit din sa akin.

“Siyempre ako, I came from buo na family. Siya naman, iba rin ang family niya. Pero, pinagkunan niya ng lesson yun... On where he came from and how his family is.

“Ako naman, alam ko yung feeling na buo ang pamilya ko, so ever since, buo talaga kami.

“Sa puntong yun, magkaiba kaming dalawa. I’m the one who showed him how it is to have a complete family. Para ma-appreciate niya ang complete family.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADJUSTMENTS. Dumating din daw sa puntong nag-a-adjust sila pareho dahil si Gary daw, hindi sanay na pumupunta sa mga family gatherings.

“Hindi siya sanay to go to family occasions. Birthday ng pinsan, birthday ng tita, birthday ni ganito...

“Ako hindi. Kasi, sa family namin, sanay kami ng ganoon. Kapag Christmas, we’re all together.

“Siya naman, hindi siya sanay ng ganoon. So, malaking adjustment. Slowly...

“Hindi siya yung second year, okay na agad. Lalo na kapag may okasyon, naku, ang hirap-hirap niyang ’ayain. Pero ngayon, naiintindihan na niya.

“And he knows why we have to be there kasi, pamilya ko yun and usually, sa pamilya ko, maraming ganoong occasion.

“Plus, sa kakapunta rin niya, nakikilala niya ang family ko. So, ngayon, at ease na siya.

“Sabi ko nga, pamilya natin ’to, hindi tayo dapat maging alien sa kanila.

“Tinuturo ko rin yun sa kanya. Like now, we go to Ejercito occasions more often than before. Napipilit ko siya pagdating sa ganoon,” dagdag niyang kuwento.

BONDING WITH ERAP. Maging ang dating Presidente ng Pilipinas na ngayon ay Mayor na ng Manila na si Joseph Estrada at tiyuhin ni Gary ay natutuwa raw na nakakasama na sila ngayon kapag may okasyon o kahit tuwing Linggo na regular na nagsasama-sama ang pamilya nito.

Dagdag pa ni Bernadette, “Na-mention sa amin ni Tito Joseph, before election yun, na pumunta raw kami ng mas regular. Kasi, ang Sunday sa kanila, may okasyon man o wala, palaging may lunch doon.

“So, punta ka lang o hindi. Puwede kang pumunta. Kung pumunta ka, good. Kung hindi, okay lang. Pero sabi nga niya [Erap], dalasan niyo ang punta kasi, hindi namin kayo nagkikita palagi.

“And siyempre, I want them to get to know the kids too. Sayang naman, malaki ang pamilya nila, maraming magpipinsan.

“It’s nice to know who your relatives are. At least, kapag nagkita sa labas, walang ilang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MARRIAGE AS A LEARNING PROCESS. Walang duda na bilang misis, marami rin siyang magandang impluwensiya sa asawa. Pero kung siya ang tatanungin, bilang mister naman si Gary, ano naman ang mga nabago nito sa kanya?

Nakangiting sagot naman ni Bernadette, “Mas simpleng pamilya.

“Totoo naman yun. His love for the farm. I have to admit, Manila girl ako.

“Both my families, mom and dad, wala talagang probinsiya. Hindi naman ako masisisi kung hindi ako mahilig magpunta sa province.

“Pero now, meron na kaming natatawag na province which I’m very, very happy about. At nakikita sa mga anak ko, it’s very balanced.

“And they like it when they stay in the farm. At yun ang gusto ko. Ayoko naman silang lumaki na puro malls... puro video games.

“When they are there, nakakalaro sila, nakakatakbo sila... Nakakapitas ng fruits... yung kakainin from the trees. I’m so happy yung may ganoong upbringing... may balance.”

Bilang misis ng isang politician, masasabi ba niyang nakasanayan na rin niya ang ganoong pamumuhay?

“I’m starting,” saad niya.

“Admittedly noong first term, more on siya lang. Nag-a-adjust pa rin siya. He didn’t oblige me to join naman.

“Pero kapag meron akong time at meron siyang idi-distribute na project and I’m there, sinasama niya ko. Kasama nga rin namin pati ang mga bata.

“At least, nakikita nila kung saan kami nagpupunta. Sino ang tinutulungan ng Papa nila so they will realize how lucky they are.”

HELPING IN GARY’S CAMPAIGN. Noong kampanya, halos tatlong linggo raw silang nandoon lang sa farm at kasamang nagkakakampanya at may pagkakataon na siya lang daw ang nangangampanya para rito.

Malaking bagay rin siya sa pagka-panalo ni Gary bilang Board Member sa 2nd District ng Quezon.

Nakita naman niyang ini-“acknowledge” ng asawa ang tulong niya?

“Oo naman, he’s very happy at nag-immerse talaga ’ko ngayon sa campaign niya. Nag-thank you siya dahil binigay ko talaga ang buong April at May para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Buong summer ng mga bata. Talagang nandoon lang kami sa farm, nagka-campaign for him.

“He’s very thankful at ang sabi ko naman sa kanya, who else would help you, e, tayo naman talaga ang pamilya,” pag-amin niya.

Ang orihinal na plano nilang mag-asawa, si Bernadette na ang tatakbo sa pagiging Bokal at si Gary naman at mataas na posisyon na sana ang tatakbuhin pa.

POLITICAL PLANS? Sa pangangampanya niya para kay Gary, puwedeng sabihin na preparasyon na rin niya yun para sa susunod na eleksiyon?

“I’m not thinking na it’s a preparation for the next election. But now, I can say that I’ve tasted what it’s like. That’s important,” diin niya.

“May fear talaga ako of going to politics, kasi hindi naman ako galing sa political family. Pero sabi ko nga kay Gary, sa pamilya ko, ako ang medyo weird.

“Well, hindi naman weird, pero, ako ang una palagi. Kung titingnan mo sa family ko, walang nag-artista, lahat sila businessman.

“Walang artista, ako lang. Ngayon, dadalhin ako sa pulitika, wala rin namang nag-pulitika sa pamilya ko, ako lang, so the big consideration already is my family.”

Ang mga anak daw nila na tatlong babae ang isa sa kinunsider nila kaya hindi muna siya tumakbo.

Aniya, “Number one priority ko talaga ang pamilya. My family and my kids. Then, yung capacity and knowledge ko. So, I want to be ready.

“Plus, may mga factor sa decision niya to go higher na hindi nagtugma, so, feeling namin, it’s not meant to be, it’s not the right time, let’s not push it.

“Marami na rin akong nakitang nagmadali, tapos hindi nag-succeed.

“Sayang naman ang pagod, hirap, trabaho that we put to his campaign. So, ayokong masayang.

“Kapag ready na. I’m not saying no, I’m not saying yes. Kung maiiwasan, siguro, better for me. I know I will be there for the kids 100%,” giit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RESUMING SHOWBIZ CAREER. Katulad ni Gary, isa rin si Bernadette na gustong magdire-diretso ang kanyang showbiz career.

Ang huling proyektong ginawa niya ay ang Pintada, at tulad ni Gary, si Arnold Vegafria ng ALV Talent Circuit din ang manager niya.

Ayon kay Bernadette, “I want to go back. Kasi, palaging hindi nagtutuluy-tuloy. Papasok ako, mawawala...

“Hindi siya nagtutuluy-tuloy talaga. Hopefully now that I’m with Arnold, ngayon pa lang din ako nagkaroon ng manager ulit.

“Sabi ko sa kanya, sige, ikaw na ang bahala. Let’s work it out so, let’see.”

Dugtong pa niya, “Sabi ko lang kay Arnold, tapos na ang campaign. Hopefully you can find work for me. Na-miss ko na rin.

“I did Pintada, kahit na gaanong ka-busy yun at medyo toxic yun kasi, nagtu-twenty four hours kami.

“Si Direk Cathy Garcia pa yun, so, medyo perfectionist.

“Pero I learned a lot. Yung fear ko as an artist, medyo nawala kasi, meron akong director na nag-guide sa akin.

“Kahit matagal na akong artista, parang first ko ulit ang Pintada because it came after a long time.”

Walang isyu sa kanila ni Gary kahit bumalik siya sa pag-arte?

“Walang isyu. Lalo na ngayon na medyo malaki na ang mga bata, na-work out ko naman ang schedules ng tama.

“Plus, I have trusted people na around me. I have to commend my yaya na eleven years na sa akin,” pagpapasalamat niya.

RELATIONSHIP WITH STEPSON. Bukod sa tatlong anak nila ni Gary na babae, may isa pang anak si Gary kay Cheska Diaz— si Kiko Estrada na ngayon ay isa ng Kapamilya star.

Kinumusta namin si Bernandette sa kanyang relasyon sa kanyang stepson at kung wala bang naging problema sa kanila.

Nakangiting kuwento naman ni Berna, “No, with all honesty. Kasi, hindi ko lang alam, pero, parang maganda ang transition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mag-boyfriend-girlfriend pa lang kami, nakita ko na si Kiko. Seven years old pa lang yata siya noon.

“When we got married, nakita namin siya ulit. I think he was twelve or what, mabait din naman kasi ang bata.

“Ako nga, natuwa, kasi noong first time ko siyang makita na mag-asawa na kami, si Ycee [panganay nila ni Gary] was I think, three or four years old, parang nag-bond sila right-away.

“Walang ilangan bilang kuya at kapatid na babae which, I’m very, very happy about. Hanggang ngayon, kung makikita niyo silang magkasama...

“Maski na si Kiko, 21 years old na, at si Ycee naman eleven years old, nakakapag-usap sila na very normal.

“Yung second ko naman, si Gabby. I think, she’s the one closest to Kiko. Malambing kasi yun.”

Sila ni Cheska, okay ba sila?

“Okay naman kami. We don’t talk regularly because there’s nothing to talk about.

“But when we see, we do talk and okay naman kami. And I think, walang bad blood or anything and my sister-in-law, asawa ng brother ko is her cousin.

“At yung sister-in-law ko, very close to her. Parang magkapatid,” pagtatapos niyang kuwento.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN