Rocco Nacino on Dan Brown’s metaphor that Manila is the "gates of hell": “Ewan ko, siguro may bad experience siya with the Philippines"

Rocco on Lovi Poe: “It’s still the same. Tulad ng sinabi ko kanina, ang tagal na kaming hindi nagkikita. Pero we’ve been texting at nakakapag-usap naman kami sa phone. She’s busy with her new house, and I’m happy with what she has been doing. When I’m with her, masaya lang.”


Ilang episodes na lang ay mawawala na sa ere ang GMA-7 afternoon teleseryeng Unforgettable na nag-premiere telecast noong Pebrero.

Pinangungunahan ito nina Kyllie Padilla, Mark Herras, Pauline Luna, at Rocco Nacino, sa direksyon ni Gina Alajar.

Kaya hindi maitago ni Rocco Nacino ang kalungkutan nang makausap ito ng PEP.ph ( Philippine Entertainment Portal) kahapon, Sabado, May 25, sa set ng StarTalk TX.

Ayon kay Rocco, “Malungkot ako kasi patapos na naman ang isang show kung saan kasama ako.

“Siyempre, kahit medyo huli na akong pumasok sa Unforgettable, marami yung masasayang moments namin during the tapings... yung mga kulitan. Lahat-lahat.

“But, I’m happy also na I was given this opportunity and I take it as a blessing na nakasama ako dito.

“Despite na patapos na siya, very successful naman yung show.

“We don’t know na after a week or two weeks ay meron na uli tayong soap. So, ganun lang talaga.”

PARTY PILIPINAS ENDS. Dagdag pa nga raw sa kanyang kalungkutan ay ang pagkawala na rin sa ere ng Sunday variety show na Party Pilipinas, kung saan kadalasan ay nakikita si Rocco sa production numbers.

Ang huling episode ng Party P ay ipinalabas noong May 19.

Pag-amin ng baguhang aktor, “Oo, sobra ang lungkot. Anything naman na you lose na napamahal na sa ’yo, malungkot, di ba?

“But it really does happen. I don’t take it negatively.

“Ang iniisip ko, there are more good things to come. Ayaw ko munang sabihin, pero alam ko na there are more good things to come.”

Tulad ba ng Sunday All Stars na magsisimula na in two-weeks time?

May balita na isa siya sa mga mare-retain sa dating mainstays ng now-defunct Party P.

“I can’t say pa, e,” pagtanggi niyang magkumpirma, pero nangingiti siya na maaaring mangahulugang bahagi nga siya ng SAS.

Ngunit dagdag ni Rocco, “Wala pa namang pasabi sa akin. Hindi ko pa rin nga alam kung ano concept ng bagong show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ang alam ko ay more on interaction with the audience. Pero may halong musical variety show pa rin ’ata siya.”

Sa palagay ba niya ay makikipagtapatan ito sa ASAP ng kabilang network, kung ang pag-uusapan ay kumpetisyon at ratings?

Pag-amin ng dating Starstruck finalist, “It’s a risk. But I think it’s a good risk.

“We should not be afraid of taking risks. At ako, naniniwala ako na with this risk, papalo ’yan.

“Magugustuhan ng tao ’yan.

“At aabangan nila ’yan every Sunday. Sigurado ’yan.”

ALJUR’S CAR ACCIDENT. Speaking of risks, napag-usapan namin ang tungkol sa nangyaring aksidente kay Aljur Abrenica— kaibigan at kasamahan niya sa Kapuso network.

Matatandaang noong nakaraang May 16 ay naaksidente si Aljur sakay sa kanyang bagung-bagong Dodge Challenger SRT8.

Aniya, “From what I heard, hindi naman yata si Aljur ang nagda-drive nun. Merong motor na… mahirap talaga ang mag-react ng ganung kabilis kasi pareho sila puyat, e.

“Ako rin, I like driving fast. I like the adrenaline. Kaso, kapag masisikip ang daan, dapat medyo menor ka lang.”

Wala pa naman daw aksidenteng nangyari sa kanya mula noong matuto siyang mag-drive ng sasakyan.

Saad niya, “Wala pa. Pero minsan nakatulog ako habang nagmamaneho.

“Buti na lang wala akong kasalubong na kotse at wala ngang aksidenteng nangyari.

“From that experience, natuto na ako... na kung sobrang pagod, huwag magmaneho. Wag mag-drive kung puyat.

“Sa pagbili kasi ng car, dapat may proper knowledge ka at discipline.”

FILM PROJECTS. Tanong ng PEP.ph: Ano ba ang pinagkakaabahalan niya ngayon?

Kuwento ni Rocco, “Hayun, katatapos ko lang ng Burgos under Direk Joel Lamangan for Cinemalaya Film Festival, and then magpapahinga muna ako ng one week, tapos diretso na ako sa Ibong Adarna.

“Tatapusin ko na rin yun, tapos magpi-prepare na ako para sa Bayan Ko Season 2.

“Tapos maggi-guest uli ako sa isang show ng one of our primetime princesses and meron pa akong isang project na pinaghahandaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron pa akong two indie films na gagawin, so I’m really excited. Kaya nagpapasalamat ako sa GMA kasi inaalagaan nila ako.”

Mukhang nalilinya siya sa mga roles na may kinalaman sa historical characters.

Ano ang pakiramdam niya dito? Hindi kaya ma-typecast naman siya ?

Natawa ang Kapuso actor, “Oo nga, ano? Well, I’m taking it on a positive note.

“Since hindi ako lumaki dito sa Philippines, lumaki ako sa Singapore, I feel good kasi I learn more about the Philippines.

“Yung history natin... yung culture,” saad niya.

DAN BROWN’S CONTROVERSIAL METAPHOR. Appreciated niya raw ang Pilipinas kahit sobrang ganda ng Singapore, kaya disappointed siya sa nababalitang negatibong naisulat ni Dan Brown tungkol sa ating bansa, partikular na sa siyudad ng Maynila.

Sa kanyang pinakabagong nobelang “Inferno,” tinawag ni Brown ang Maynila bilang “gates of hell.”

Bagamat fictional lang ang nasabing paghahalintulad, umani pa rin ng batikos si Brown mula sa mga Pinoy.

Sentro ito ngayon ng kontrobersiya, lalo na’t gusto ng mga kinauukulan na ideklara siyang persona non-grata.

Pahayag ni Rocco sa tonong nadismaya, “Sayang, fan pa naman ako ni Dan Brown.

“Medyo nakaka-turn off yun, pero gusto ko ring malaman kung bakit niya nasabi yun para maintindihan.

“Siguro may ibang interpretation yun, pero sana mag-ingat siya sa mga salita niya.

“Kahit we live in a world of free speech and free opinion, dapat pag-isipan pa rin nila kung ano ang magiging epekto nito sa mga tao.

“Ewan ko, siguro may bad experience siya with the Philippines pero malamang may explanation siya for that.

“Hahanapin ko yung explanation niya para malaman ko kung bibili pa ba ako ng libro niya o hindi.”

LOVI POE. Tungkol naman kay Lovi Poe ang sunod na napag-usapan namin.

Bilang isa sa malapit na kaibigan ng aktres, ano ang pakiramdam niya na finally ay nagdesisyon itong manatili sa GMA-7?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kamakailan lang ay pumirma si Lovi ng three-year exclusive contract sa Kapuso network.

Nangingiting pagmamalaki niya, “I’m happy. I’m very happy na she’s back.

“Ka-text ko nga siya kanina at sabi ko sa kanya, ‘Welcome back.’

“Siyempre, mami-miss ko ’yan kapag lumipat siya ng ibang station.

“At least, kung halimbawa totoong magkakasama kami sa SAS, magkikita uli kami.

“She’s too busy right now at ganun din ako kaya hindi pa kami nagkikita.”

Ano na ba ang real score sa kanilang dalawa?

“It’s still the same,” paliwanag niya. “Tulad ng sinabi ko kanina, ang tagal na kaming hindi nagkikita.

“Pero we’ve been texting at nakakapag-usap naman kami sa phone.

“She’s busy with her new house, and I’m happy with what she has been doing.

“When I’m with her, masaya lang,” pagtatapos niyang kuwento.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN