Phil Younghusband denies proposing to Angel Locsin: "No... no ring at the moment!"

Hindi pa raw alam ni Phil Younghusband kung kailan siya magpu-propose sa kasintahang si Angel Locsin. Sabi niya, “Oh, I don’t know, I don’t know with the idea. She still has her career. I want to support her. I think this year is probably too soon. But I just wanna be with her.”


Nang magwagi si Angel Locsin bilang Actress of the Year sa 44th Box Office Entertainment Awards, katuwang si Angelica Panganiban, ay sinabi niyang wala na siyang mahihiling pa.

Bukod daw kasi sa bagong karangalang natamo ay may kasintahan siyang guwapo na ay mabait pa—ang football player na si Phil Younghusband.

Ayon nga sa obserbasyon ng iba, masuwerte si Angel dahil kitang-kita ang pagmamahal sa kanya ng boyfriend dahil mukhang lahat ay gagawin ni Phil para sa ikaliligaya ng aktres.

Kahapon, May 26, ay ipinalabas ang taped interview ni Phil sa The Buzz kung saan tinanong ito tungkol sa naging sorpresa niya kay Angel.

May kaugnayan ito sa pagdating sa Pilipinas kamakailan ng Hollywood star na si Vin Diesel.

Kuwento ni Phil, “Last week, bumili ako ng toy car so I can get it signed from Vin Diesel. Kasi, fan siya [Angel] ni Vin Diesel.

"So I want it to get her a gift.

"Hindi niya alam na gusto ko gawin yun. Surprise lang yun. She didn’t know I went to get it.

“I waited for the lines and I’ve been asking everyone.

“I will do anything for Angel and I’m glad she liked it.”

Binigyang-linaw rin ni Phil ang isyung diumano’y nag-propose na siya kay Angel para mapakasalan na ang aktres.

Sabi niya, “Not yet, not yet.

“Like I’ve said, I wanna be with Angel but I didn’t propose yet.

"In the future, I plan to, but not yet.”

Hindi totoong binigyan na niya ng engagement ring si Angel?

“No... no ring at the moment!” natatawang sagot niya.

Posible kayang ngayong taon na rin niya gawin ang pagpu-propose kay Angel?

“Oh, I don’t know, I don’t know with the idea.

"She still has her career. I want to support her.

"I think this year is probably too soon. But I just wanna be with her.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN