Maxene Magalona remains friends with ex-boyfriend Renz Fernandez

Bagamat nagwakas na ang relasyon nila, sinabi ni Maxene Magalona na magkaibigan pa rin sila ng ex-boyfriend niyang si Renz Fernandez. Sabi ni Maxene, “Ayoko namang umabot kami sa samaan ng loob ni Renz. Maliit lang ang mundong ginagalawan natin, lalo na dito sa showbiz. We can bump into each other unexpectedly. Kaya it’s better to end things na maayos at magkaibigan pa rin kami.”


Isa sa mga nalungkot sa pagpanaw ng veteran actress na si Bella Flores noong May 20 ay si Maxene Magalona.

Nakatrabaho ni Maxene si Bella sa afternoon drama series ng GMA-7 na Trudis Liit (2010) na pinagbidahan ng child star na si Jillian Ward. Ginampanan dito ng yumaong “primera kontrabida” ang role na Granny Hershey.

Hindi nakapunta sa burol ni Bella si Maxene dahil nagsimula na siyang mag-taping para sa bagong afternoon series na Mga Basang Sisiw. Ngunit ipinagdasal daw niya ang beteranang aktres dahil naging malapit siya rito noong magkatrabaho sila.

Kuwento ni Maxene, “Noong una talaga, takot ako kay Tita Bella, kasi nga sa mga kuwento ng ibang artista tungkol sa pagiging kontrabida niya.

“Pero noong binati ko siya sa taping, she smiled at ang ganda ng ngiti ni Tita Bella.

“Doon na kami nag-start na magkuwentuhan. I discovered na ang bait-bait pala ni Tita Bella.

“Marami siyang kuwento sa amin noong panahon nila sa Sampaguita Pictures.

“Nakatrabaho rin kasi niya ang Lolo Pancho [Magalona] and Lola Tita [Duran] ko.

“Marami siyang naging kuwento about my lolo and lola na ikinatuwa ko naman talaga.

“Kasi konti lang ang alam kong mga kuwento during their time as movie stars.”

Sina Pancho Magalona at Tita Duran ay sikat na mga artista noong ’50s at mga magulang ng ama ni Maxene na si Francis Magalona, na yumao na rin noong 2009.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maxene sa GMA Network Center last May 24.



REEL AND REAL. Dahil sa magandang karanasan niya sa pakikipagtrabaho kay Bella, napatunayan ni Maxene na hindi lahat ng mga gumaganap na kontrabida ay masama sa tunay na buhay.

“Tita Bella was such a joy to work… never namin siyang narinig na nagreklamo.

“She was always smiling—masayang-masaya siya parati tuwing taping namin.

“Kaya ipinagdasal ko talaga si Tita Bella.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko man siya nasilip sa huling pagkakataon, I prayed for her soul in heaven.

“May she rest in peace and maraming salamat kay Tita Bella for being such a wonderful person sa aming lahat,” sabi ni Maxene.



FIRST KONTRABIDA ROLE. Samantala, bilang tribute na rin kay Bella, gaganap si Maxene sa unang kontrabida role niya sa Mga Basang Sisiw.

Ang Mga Basang Sisiw ay hango sa pelikulang may kaparehong titulo na ipinalabas noong 1981.

Pinagbidahan ito noon nina Helen Vela, Janice de Belen, Julie Vega, Sheryl Cruz, at Che-Che.

Makakasama naman ni Maxene sa remake ng Mga Basang Sisiw sina Lani Mercado, Raymond Bagatsing, Gardo Versoza, Caridad Sanchez, Mike Tan, Renz Valerio, Bianca Umali, Kimberly Faye, Hershey Garcia, at Miko Zarsadias.

Si Ricky Davao ang direktor ng teleseryeng ito na magsisimula sa June 3.

Gusto raw ni Maxene na sumubok ng ibang roles at tapos na siya sa pagiging api-apihan sa kanyang mga nagawang mga teleserye noon.

Huling napanood si Maxene sa mga seryeng Faithfully at Indio.

Saad niya, “I’m 26 years old na and I’ve been in this business for 13 years na.

"It’s time for change, for reinvention.

“Timing lang na dumating ang role na Vicky Sta. Maria, the main kontrabida in Mga Basang Sisiw.

“Pero ibang klaseng kontrabida siya. You will get to sympathize with her.

“May sarili siyang istorya kung bakit siya naging cruel and heartless sa istorya.

“Maninibago sila sa akin dito… I will be giving it my all and I pray that it will be all worth it,” sabi niya.



BREAKUP. Gusto raw maging focused ni Maxene sa kanyang career pagkatapos magwakas ng kanyang eight-month relationship kay Renz Fernandez, ang anak ni Lorna Tolentino at ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez.

Sinabi ni Maxene na ginawa nila ni Renz ang lahat para maisalba ang kanilang relasyon, pero hanggang dito na lang daw talaga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya, “If you are no longer happy with something, there’s no reason to hold on to it anymore.

“Kami ni Renz, we wanted to make things work, kaya nga umabot kami ng eight months.

“Pero lumalabas pa rin yung mga nagiging problema namin with one another. Yung akala mo na okey pala kayo, hindi naman pala.

“Marami pala kaming hindi napagkakasunduan at nagkapatung-patong na yun.

“Kesa naman lumaki pa ang problema namin, we decided to part ways…"

Ngunit dagdag ni Maxene, "But we’re friends naman.

“Ayoko namang umabot kami sa samaan ng loob ni Renz.

“Maliit lang ang mundong ginagalawan natin, lalo na dito sa showbiz. We can bump into each other unexpectedly.

“Kaya it’s better to end things na maayos at magkaibigan pa rin kami.”

Pinakamahirap daw para kay Maxene ay ang "pakipag-break" niya sa pamilya ni Renz, lalo na sa ina nitong si Lorna.

Saad niya, “Somebody told me nga na it’s harder to break up with the family kesa sa boyfriend mo… totoo pala iyon.

“Naging close kasi ako sa family ni Renz, lalo na kay Tita Lorna.

“We tweet one another parati… nagkukumustahan kami. As in parang mother ko na rin si Tita Lorna.

“Kaya noong maghiwalay kami ni Renz, mas nahirapan akong sabihin iyon kay Tita Lorna.

“I know kasi na mas malulungkot siya sa nangyari sa amin ni Renz.

“But Tita Lorna said na mabuti na yung magkaibigan pa rin kami ni Renz.

“Mas mabuti na raw iyon kesa sa mag-iwasan kami.”



GOOD INFLUENCE. Kung mayroon daw magandang impluwensiya si Renz kay Maxene, ito ay ang pagiging aktibo sa sports.

Sabi ng young actress, “Kay Renz ko natutunan ang maging conscious sa katawan ko. Na kailangan nating mag-workout and have a healthy lifestyle.

“I’m into boxing and running, and I watch what I eat now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Renz ang nag-engganyo sa akin to take good care of my body. And because of him, I lost a total of 20 pounds na.

“We might not get along sa ibang bagay, but when it comes to having a healthy lifestyle, Renz got me into it and I like to thank him for that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN