Julia Barretto dismisses talk that aunt Claudine is against her joining showbiz

Ito ang pahayag ni Julia Barretto sa obserbasyon ng marami na siya na ang susunod sa yapak ng kanyang tiyahin na si Claudine Barretto. Sabi ng young actress,“Wow! Grabe! Sobrang compliment yun—Tita Claudine—di ba, napakagaling niyang actress? Nakaka-flatter yun, kasi parang sinasabi nila na magiging magaling ako, di ba?”


Bagamat isa lamang baguhan sa mundo ng showbiz, marami na ang nakakakilala kay Julia Barretto dahil sa kanyang dalang apelyido.

Si Julia ay mula sa pamoso at kontrobersiyal na pamilya ng mga Barretto. Ang ina niya ay ang dating aktres na si Marjorie Barretto, at tiyahin naman niya ang top actresses na sina Gretchen at Claudine Barretto.

Ngunit bukod sa pagiging Barretto ay may isa pang koneksiyon si Julia sa showbiz—ang kanyang ama ay ang komedyanteng si Dennis Padilla.

Si Dennis ay anak naman ng yumaong komedyante na si Dencio Padilla.

Hiwalay na ang mga magulang ni Julia na sina Marjorie at Dennis, at pinaniniwalaang "not in good terms" ang samahan ng mga ito ngayon.

Sa kabila nito, hindi raw apektado si Julia sa estado ng relasyon ng kanyang mga magulang lalo na’t papaangat na ang kanyang career.

Sabi niya, “Look at me… napaka-okay ko, napaka-happy ko.

"Wala talagang time for sadness, walang time for anything, just stay positive in life.

“Hindi ko na yun problem, sa kanila na yun.

"Okay kami—my siblings and daddy namin.”

May schedule bang dalaw sa kanila ang ama?

Sabi ni Julia, “Hindi naman dapat, pero di ba nga, I’ve been busy...

"Siya [Dennis] rin, nag-campaign siya, tapos gumagawa yata siya ng movie, Raketeros.

“It depends sa schedule namin kung free siya or free kami."

Tumakbo si Dennis bilang board member sa lalawigan ng Laguna ngunit natalo ito.

Kailan sila huling nagkita at nagkasama nito?

Sabi ni Julia, “I’m not sure when, pero siguro a few months back before campaign, before siya mag-start mag-campaign.

“Kasi nga, favorite ko yung pizza kaya palagi niya kaming dinadala sa Shakey’s... kasi favorite namin yun.”

Nasulat dati na hindi buo ang pagpayag ng ama na pumasok si Julia sa showbiz dahil gusto nito na tapusin muna ang pag-aaral ng anak. Ano ang dahilan at napapayag din ito sa bandang huli?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng Star Magic talent, “Hindi naman sa ayaw niya, nakausap ko naman siya about that.

“Ever since naman, noong bata pa ako, siya yung supportive about the acting… it’s okay with him.

“Pag nasabi ko sa kanya ang mga gagawin ko, sobrang mae-excite yun.”

Sa isang interview ni Dennis ay nabanggit nito na nakikita niya na ang anak ang susunod sa yapak ng tiyahin nitong si Claudine Barretto. Ano ang reaksiyon ni Julia rito?

“Wow, grabe! Sobrang compliment yun—Tita Claudine—di ba napakagaling niyang actress?

“Nakaka-flatter yun, kasi parang sinasabi nila na magiging magaling ako, di ba?

"Thank you, Papa."



GOOD AUNT. Hiningan din ng reaksiyon si Julia sa isyung nagkagalit-galit daw ang magkakapatid na Barretto—Gretchen, Marjorie, at Claudine—dahil hinaharang diumano ni Claudine ang pagpasok ni Julia sa ABS-CBN.

Pero ayon kay Julia, “For me, yes, hindi niya magagawa...

“I don’t wanna talk about that, comment about that, because yung mga pinag-uusapan ng mga titas ko, my mom, sa kanila na lang yun.

“Yung mga nasasabi sa akin, ayoko na lang pansinin.

“Regarding that, hindi ko sila nakakausap about it na kami na, ‘Julia, ikaw ang reason...’ Wala namang ganoon.

“Sa kanila na lang yun, sila na lang ang mag-usap-usap about that.

“Ayoko talagang ma-affect, ayokong pag-usapan.”

Ngunit marami raw magagandang alaala si Julia sa kanyang "Tita Clau."

“We used to be with her every day, grocery every day, sa house every day, movies, kain...

“The little things, yun talaga ang pinakamasaya, yung mga bonding moments—super close talaga.”



IN THE FAMILY. Kilalang generous sina Gretchen at Claudine, kaya tinanong ng PEP si Julia kung masasabi niyang generous din siya tulad ng mga tiyahin.

Sagot niya, "I’m generous, but honestly may pagkakuripot."

Ano ang naman ang mga katangiang nakuha ni Julia mula sa dalawa niyang tiyahin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kay Tita Claudine ko siguro, yung passion niya sa acting.

"Kasi, sobrang mahal niya ang pag-arte. E, yun din ang super na gusto kong gawin.

“Sa Tita Gretchen ko, pareho rin. Sobrang gusto niya ang pag-arte.

"Pero siguro yung fashion side, saka yung palaging pagiging masayahin niya."

Sabi pa ni Julia tungkol kay Gretchen, “Sa work, pag pumupunta ako, alam mo yung late na, pero ang saya niya pa rin?

"Ganoon ako, energetic."

Ano naman ang namana niya sa kanyang ina na si Marjorie?

“Yung mommy ko naman, siguro all in all… the way I think, the way I handle things.

“I think I’m kinda like my mom—parang the same person.”



REMAKE. Sobra naman ang saya at excitement ni Julia sa pagsisimula ng Cofradia, ang launching project niya sa ABS-CBN.

Si Julia ang pangatlong aktres na gaganap sa role na ito, pagkatapos nina Gloria Romero noong 1953 at Gina Alajar noong 1973.

Sabi ni Julia, “Grabe, hanggang ngayon, hindi ko ma-explain kung gaano ako kasaya.

“Ang tagal ko na itong hinintay, tapos ang opportunity na ibinigay sa akin, bida kaagad, di ba?

“Sobrang saya ko, sobrang blessed, sobrang thankful, lahat!

"Ang saya ko, nae-excite na ako."

Si Confradia ay isang babaeng takot umibig dahil sa kanyang maitim na balat. Sa tulong ng isang mahiwagang kandila, magiging isa siyang magandang babae.

Dahil paiitimin sa istorya si Julia, may kinausap na raw silang doktor na titingin naman sa balat niya.

“May mga cream na ibibigay para walang mangyari,” sabi niya.

Bago rin magsimula si Julia ay sasailalim muna siya sa ilang workshops.

“Oo nga, e, kaya magkaka-workshops para matulungan ako, pero we’ll find the way… maraming acting workshops,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN