Vaness del Moral on plans to marry boyfriend Biboy Ramirez: “Kailangan ng preparation at ipon… hindi puwedeng sabak nang sabak.”

Kahit marami ang nakakapansin sa kakayahan niya sa pag-arte, panay supporting roles ang naibibigay na assignments kay Vaness del Moral. Sabi niya tungkol dito, “Parang wala naman akong karapatang mamili… Kung meron, e, di meron… kung wala, e, di sana meron.”


Isa si Vaness del Moral sa maituturing na masuwerteng cast ng epicserye ng GMA-7 na Indio.

Mula kasi nang mag-umpisa ang teleserye ay kasama na siya at hindi nawala o namatay ang karakter niya.

Sabi ni Vaness sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Yun naman ang sinabi nila sa akin noong storycon pa lang, na yung story ko, tatagal siya hanggang ending.

“Siyempre, yung ganoong katagal na magkakasama kami, ang sarap ng feeling.

“Ang tagal na naming nagte-taping simula last year, October.

“Tapos ngayon, tapos na ang taping, parang sana na-extend pa kami.”

Kung sa ibang mga teleserye ay kontrabida ang role na ginampanan ni Vaness, dito raw sa Indio ay "naghihiganti" lang siya.

Aniya, “Malinaw na mabait ako dito, pero mas malinaw na naghihiganti ako.

“Naghihiganti ako para sa tatay ko at sa kamatayan din ni Rosa, si Maxene Magalona, kasi best friend ko siya [sa serye].”



VACANT. Sa ngayon, hindi pa raw alam ni Vaness kung ano ang susunod niyang assignment pagkatapos ng Indio.

“Waley [Wala] pa,” pagkumpirma niya.

Tanggap ba niya na ilang buwan din siyang mababakante?

“Hindi naman puwedeng ilang buwan, siguro mga two weeks lang ‘yan… pahinga.

“Actually, kung puwede nga lang wala nang pahinga, mas okay,” biro pa niya.



SUPPORTING ROLES. Si Vaness ang isa sa mga artista ng GMA Artist Center na masasabing nakaka-deliver pagdating sa pag-arte, pero hindi pa nabibigyan ng lead role.

Okay lang ba na puro supporting roles ang ibinibigay sa kanya?

Sagot ni Vaness, “Well, ako naman yung basta may trabaho, okay lang. Tutal, dini-distribute nila ng even, e.

“Lalo na pag sa Artist Center, pina-prioritize nila ang mga artista ng Artist Center—evenly distributed naman para sa akin.

“Yung mga roles na natatanggap ko, yung mga projects na natatanggap ko, okay lang basta may trabaho ako.

“Parang wala naman akong karapatang mamili… Kung meron, e, di meron… kung wala, e, di sana meron.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naiisip ba niya na minsan ay mas mahusay pa siya sa iba na nabibigyan ng malaking break?

“May times na naiisip ko, ‘Parang mas magaling ako sa eksenang ito…’ siyempre meron.

“Ayokong magpaka-plastic!” natatawang sabi niya.

“Pero siyempre, meron din naman na ayaw mong kunan yung eksena, pero gusto ng direktor.

“Parang kulang, e… parang mas may maibibigay, pero okay na raw, e.”



LOVELIFE. Apat na taon na ang relasyon ni Vaness at ng boyfriend niyang si Biboy Ramirez.

“Yesterday! Today and tomorrow!” bulalas niya.

Ano sa tingin ni Vaness ang formula at nagtatagal sila?

“Hindi ko alam!” natawang sabi niya.

Mas steady ba ang relasyon nila ngayon?

“Pareho pa rin naman noong first year namin, second year, third year...

“Bale noong first year, mas marami kaming mga away, hindi pagkakaintindihan.

“Pero noong nag-second year na kami, parang matanda na rin kami.

“Nagkakaedad, nagkakaroon kami ng perception sa buhay, sa bagay-bagay na, ‘A, oo, dapat pala ganito.’

“Kapag merong hindi napagkakasunduan, dapat ganito, dapat ganyan.

“Tapos, ‘eto na, itong third year na namin, sobrang bihira na kaming mag-away—as in once in a blue moon.”



WEDDING PLANS. Ayon kay Vaness, hindi pa nila pinag-uusapan o pinagpaplanuhan ang tungkol sa pagpapakasal.

Ito ay sa kabila ng ilang beses na nilang itinanggi at nilinaw na hindi sila nagli-live-in kundi magkalapit lang ng bahay.

Sabi pa niya, “Hindi pa talaga… bilang twenty-five [years old] pa lang ako. Si Biboy naman, magti-thirty-two.

“Marami pa akong plans na gustong gawin individually at siya rin naman.

“Sabi niya, may mga plans din siya na gusto niyang gawin individually.

“Pero kung sakaling magpaplano na kami ng kasal or anything ng family na ganoon, kailangan ng preparation at ipon… hindi puwedeng sabak nang sabak.”

Sa palagay niya, si Biboy na ba ang makakatuluyan niya?

“Sana,” nakangiting sagot ni Vaness.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN